Pumasok na 'ko sa loob ng dorm, wala si SooJin dito sa sala kaya naman pumasok ako sa kwarto. "Jusko, nandito ka lang pala" sabi ko nang makita ko siyang nakahiga at nagcecellphone, "Tigilan mo na nga yan, nilalagnat ka tapos nagcecellphone ka" sabi ko pero hindi niya 'ko pinapansin. Sinubukan kong hablutin yung phone niya at hindi naman ako nabigo, "give me my phone"
"Ayoko nga, mabinat ka pa eh" sagot ko. Kumuha na 'ko ng masusuot at pumunta sa cr dala dala yung phone niya, tinry ko buksan yun at nakita ko sa lockscreen yung maganda kong mukha ehe.
Tapos na 'kong magbihis kaya naman lumabas ako, "akin na yung phone ko" sabi ni SooJin na nakasuplado ang mukha "Ang kulit mo naman, bawal ka nga magcellphone!" sagot ko ulit sa kanya. Palabas na sana ako ng kwarto ng hawakan niya wrist ko, "Wae?"
"Ba't ang tagal mo umuwi?" tanong niya sakin na masama pa tingin, "Naglinis ako ng music room." tipid kong sagot at sinubukan kong lumabas pero lalo niyang hinigpitan yung hawak niya "Ba't ka naglinis ng music room?"
"Malamang inutos saken, alangan kusa kong nilini—"
"Di ako nakikipagbiruan, ba't ka pinaglinis ng music room?" tanong ulit niya at napatitig lang ako sa kanya, "Wag mo kong titigan, sagutin mo tanong ko"
"Fine" sagot ko at huminga ng malalim, "ginawan kita ng assignment, tapos nung pinasa ko kay Mr. Hwang..."
"Ano?"
"Alam niyang hindi ikaw ang gumawa, tapos pinapili ako kung ikaw ba o ako gagawa ng punishment tas sabi ko ako gagawa" sagot ko at imbis na mas magalit nakuha pa niyang tumawa, "Anong nakakatawa?"
"Bakit mo naman ginawa yon?" Tanong ulit niya at mas lalong natawa, "Ayoko kasing mawala ka sa top 5" sagot ko at napahinto siya sa pagtawa, "Top 5? Ako?"
"Oo, nakita ko average mo sa faculty tapos pang 5th ka"
"EunJi..dapat hindi mo na ginawa yun, assignment lang yun tsaka kaya ko naman humabol eh. Hindi mo naman kailangang gawin sakin yun, mahal na mahal mo naman kaso ako tsk" sabi niya at hinampas ko siya "Aray! Bakit, hindi ba totoo?"
"Tskk, bahala ka nga dyan" sabi ko at lumabas ng kwarto.
Nandito ulit ako sa labas ng kwarto at ginagawa yung assignments na binigay sakin ng science teacher namin, "pag tapos mo dyan labas tayo"
"Labas? Nilalagnat ka tapos nagaaya ka lumabas?"
"Nilalagnat lang ako hindi pilay, bilisan mo na dyan"
"Wow, 'no ka batas?" sabi ko at pinagpatuloy ang pagsagit ng assignments, "Hulaan ko si SunWoo na naman naghatid sayo dito kanina" sabi niya at napatingin ako sa kanya, halata sa mukha niya na galit siya "yan ka na naman eh, atleast nga nakatipid pa 'ko ng pamasahe"
"Nagpaalam ka muna sana sakin bago ka sumama don"
"Ba't naman? Hindi naman masamang tao si SunWoo ahh"
"Nagseselos kase ako, kayo na nga magkatabi sa room tapos siya pa hatid sundo sayo"
"Ikaw nga katabi mo si YeoNa na EX crush mo, nagselos ba 'ko??? Pishh"
"Wala ka naman dapat ikaselos sa babae na yon kasi nga EX crush ko siya. Eh kayo ni SunWoo una palang close na close na kayo, tapos lagi nalang siyang nasa tabi mo" sabi niya at natawa ako "Nakakatawa?"
"Wala lang HAHAHAHAHA"
"Bilisan mo na dyan, naiinip na 'ko dito sa loob" sabi niya kaya naman binilisan ko na pagsagot.
"Ano? Lalabas ka, ganyan suot mo?" Naka maikling short kasi ako tapos sleeveless shirt, pumunta ako sa kwarto at nagsuot ng hoodie tsaka pajama. "oh ito? Ok na?" tanong ko sa kanya at tumango siya, "magpapalit lang ako" paalam niya "Ganyan na! Sa convenience store lang naman tayo diba–"
"Sa park tayo pupunta, saglit lang ako magbihis" amporchop, nilalagnat na nga may gana pang pumunta sa park. "Sa park? Anong oras na kaya, baka mamaya may ano nanaman" sabi ko at pumasok lang siya sa kwarto.
"Ang tagal mo naman magpalit, sigurado ka bang sa park tayo pupunta??"
"Wag kang matakot, ako naman kasama mo" sabi niya at lumabas na kami ng dorm, dahan dahan na naman naming binuksan yung gate at ligtas naman kaming lumabas. "Baka biglang umulan, balik tayo kunin mo yung—"
"Dala ko, lakad na" sabi naman niya at napanguso nalang ako.
Nagsimula na kami maglakad papunta sa park, "Ang bagal mo maglakad, anong oras tayo makakarating nyan sa park?" tanong ko kay SooJin at huminto siya sa paglalakad "Nagawa mo pa talagang huminto?"
"Maga abang nalang tayo taxi" sagot niya. Ilang minuto lang ay may huminto samin ang isang taxi tsaka kami sumakay, "Huy, anong oras na pala bakit pa tayo lumabas" sabi ko sa kanya, binuksan niya phone niya para tignan din kung anong oras na "8:30 pm palang ah"
"Anong 8:30? 9:46 na kaya!" sabi ko pero di niya 'ko pinansin
Ampota, mapapagalitan na naman kame ni unnie netoh huhuhuhuhu
Nakarating na kami sa wakas dito sa park, nandito kami ngayon naglalakad sa mga nag gagandahang streetlight papunta sa mismong park "eto yung dahilan kung bakit kita dinala dito" sabi ni SooJin at hinawakan niya yung kamay ko "Streetlight?"
"Oo, ang ganda noh?" tanong niya at ngumiti ako.
Sobrang ganda dito, sa likod ng mga naggagandahang streetlight may mga iba't ibang kulay ng rosas at may mga puno. Marami ding stars ngayon tapos sobrang liwanag din ng moon, "Gusto mo snow cone?" Nakita namin sa tabi na may nagtitinda ng snow cone at tumango namam ako.
"Nabusog ka na naman ba sa libre ko?" tanong ni SooJin sakin at nginisian ko siya, nakaupo kami ngayon dito sa tabi ng streetlight papasok sa park. Kumain muna kami dito kase medyo malayo na din nalakad namin, sumandal ako sa balikat niya at tinanaw yung mga stars sa taas "Mahilig ka pala sa mga stars" tanong ni SooJin at tumingin ako sa kanya "pano mo naman nalaman?"
"Kanina ka pa tingala ng tingala, kulang nalang mabali na leeg mo" sabi niya at nakatikim na naman siya ng hampas sakin.
"EunJi, ano bang pangarap mo?"
"Hmm nung bata ako pangarap ko maging astronaut, scientist tsaka maging artista hahaha"
"Eh ngayon?"
"Maging sikat na kpop idol, eh ikaw?"
"Maging architect hahaha gusto ko sana EunJi ano..."
"Ano?"
"Sabay natin tuparin, gusto ko ikaw kasama ko sa pagtupad ng pangarap ko. Tapos ikaw pakakasalan ko"
"Tskkk tumigil ka nga, ang cringe"
"HAHAHAHAHA pero seryoso, gusto ko ikaw kasama ko"
"Pwede naman eh, kung hindi mo 'ko iiwan"
"Sa tingin mo ba lolokohin kita? Tsk, porket kamukha ko yung soobin soobin na sinasabi mo"
"Hoy! Wala akong sinabe sayo na kamukha mo yon! Parehas lang kayo lips duh"
"Sino ba yun? Ex mo?"
HAHAHAHAHAHAH potek ex ko daw
"Kung magiging kami nga baka hindi ko na pakawalan kahit gusto niya"
"Eh sino ba kasi yon?"
"Eto naman napaka mainitin ang ulo, kpop idol yon!"
"Ahhh kala ko eh" sabi niya. Kinapa ko leeg niya at medyo bumaba naman yung init "Sinat nalang yan, uwi na tayo 11 pm na" sabi ko at tumayo na kami.
------------------------------------------
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...