30

2 11 0
                                    

"Yupp! Next month, baka magcomeback na kayo" sabay sabay naman kami nagpalakpakan at nagsigawan na yung iba dahil sa tuwa "Dito na nagtatapos ang ating meeting, next time nalang ulit. Pwede na kayong bumalik sa mga kwarto nyo, bye"

"Bye po manager Kim!!" pamamaalam namin at lumabas kami sa meeting room. Pumasok naman sila sa mga kwarto nila at pati na rin ako, "Waaait EunJi!" napalingon ako sa gawi ko nang may tumawag sakin "Bukas daw gala tayong anim, mga 9am daw tayo aalis" napaisip naman ako bigla nang maalala ko na magkikita din kami nila RinYu "I'm sorry, next time nalang please. Baka kasi hindi ako makasama bukas kase magkikita ulit kami ng mga bestfriends ko, i'm sorry talaga"

"No EunJi hahaha wag ka magsorry, ang dami pa nating araw para makagala. Siguro matagal na kayong hindi nagkikita ng mga kaibigan mo, i understand naman. Sige na pumasok kana hahaha" sabi naman nito at saka siya naglakad papunta sa room.

Napahiga naman ako sa bed ko dahil sa pagod, wala naman kaming ginawa sa loob ng meeting room pero nakakapagod magsulat ehhh saka ilang oras kaming nasa loob noh! Nakakaantok pero nakakaexcite kasi comeback na ulit namin next month!

Bukas naman magkikita kita ulit kaming magkakaibigan, pero si SooJin makakapunta kaya? Gusto ko na din siya makita. Nung graduation pa last na pagkikita namin ahh, so 5 years kaming hindi nagkita. Halos lahat naman sila maliban kay JungSeok, nagkita kami last month sa sikat na cafe. Libre pa nga niya ehh HAHAHAHA pero gusto ko talagang makita si SooJin, at oo inaamin ko Mahal ko pa rin siya kahit wala na talaga:((

*Phone ringing

Nagising ako nang marinig ko yung phone ko na nagring, omygosh 11am na pala! Ang haba naman ng tulog ko, anong oras na ba 'ko natulog kagabi? Napatingin naman ako sa laptop ko na nasa lapag at nakabukas ito, nakita ko naman na nasa viu ito at nakaplay yung isang ep ng kdrama. So nakatulog ako kakanood ng kdrama kagabi?

Tumayo naman ako para magbihis sa cr at nagayos ng sarili. Pagbukas ko naman ng pinto ay bumungad sa'kin si AeRi na may dala dalang cup ramyeon tsaka coffee, iniabot niya sa'kin yon at ngumiti "Goodmorning leader EunJi! hindi mo na kami kailangang bilhan ng breakfast namin, kami na din bumili ng breakfast mo. Eatwell!" sabi nito at umalis na siya.

Ang sweet naman hihi ako kasi laging bumibili ng breakfast nila everyday, siguro kaya sila na bumili kase late na din ako nagising HAHAHAHA pero wow haaa ang ganda ng pagbati ni AeRi sa'kin.

Sinarado ko naman yung pinto at inilapag yung mga binigay ni AeRi sa'kin sa table at naupo naman ako para kumain. After minutes kumuha naman ako ng damit at pumasok ulit sa cr para maligo.

Matapos ang 30 minutes syempre lumabas na 'ko sa cr at nagayos ulit. Sana pala tinuloy nalang namin yung gala, mamayang 6pm pa pala ako aalis papunta sa hotel. Tawagin ko nalang kaya ulit sila, sabihin ko gala kami kahit 4 hrs( ͡° ͜ʖ ͡°)

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at lumabas ng room, nakita ko ulit si AeRi na papunta sa kwarto ni MiYoung kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya "AeRi wait!" Napahinto ito sa paglalakad at humarap sa'kin "Wae? May problema ba?"

"wala naman, pero gusto ko sana ituloy natin yung gala hahaha" sabi ko pero napatitig lang siya sa'kin "B-bakit? May problema ba?"

"Eh kasi sila MiYoung umalis na eh, makikipagkita din ata sa bestfriends nila. Eh diba makikipagkita ka din?"

"Ahhh oo nga hahaha kaso mamaya pang 6pm alis ko, wala naman akong gagawin dito. Eh kung wala sila MiYoung, bakit ka papasok sa kwarto niya?"

"Hihiram kasi ako ng book niya ehh wala rin kasi akong magawa"

"edi tayo nalang gumala, wala rin naman akong gagawin ehh sigi naaaa! Kahit 3 houra lang" pamimilit ko sa kanya at ngumiti naman siya "Ok, maliligo lang ako saglit. Hintayin mo 'ko ahh" saka siya pumasok sa kwarto niya.

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon