Maaga ulit kami gumising para sa pagaayos ng mga gamit, mamayang 9am kase aalis na din kami. "Baka may makalimutan kayo ahhh, magbibihis lang kami sa rest room" pagpapaalam ni WooJin at umalis na sila ni JungSeok. Napatingin naman ako kay SooJin na busy sa pag aayos at naalala ko nanaman yung nangyari kahapon
Galit pa kaya siya sakin?
Nabitawan niya yung plastic bottle na dapat ilalagay niya sa bulsa at gumulong yon papunta sakin, kaya naman pinulot ko iyon at iniabot sa kanya. Nang maibigay ko na sa kanya ay wala akong narinig na kahit anong salita maski pasasalamat hindi niya ginawa, so galit pa rin siya sakin.
Matapos ang dalawang oras na pagaayos ay pinapila na kami ng adviser namin tsaka kami naglakad papalabas dito. Isa-isa na kaming pinapasok sa bus at ganon pa din ang pwesto namin, umupo na 'ko malapit sa bintana at napasandal nalang. Wala na rin akong narinig na harutan mula sa dalawang nasa harapan namin, hindi ko na naririnig na naguusap silang dalawa. Marahan naman akong sumilip sa kanilang dalawa at nakita kong parehas silang tulog
Kaya naman pala ang tahimik.
"Are you ok?" tanong ni SunWoo at ngumiti naman ako. Iniabot niya sakin yung isang binggrae at yung cookies na nasa plastik "hindi ka kumain kanina, eat this" sabi nito kaya naman kinuha ko nalang at kinain.
Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon at hindi maka move on sa nangyari kahapon, wala na 'kong ibang ginawa dito sa bus kundi magisip ng kung ano-ano. Hindi rin naman ako makapagcellphone dahil wala naman akong magagawa kundi magscroll ng magscroll sa fb, pinikit ko nalang yung dalawa kong mata at sinubukan kong matulog. Hindi naman ako nabigo at nakaramdam ako ng antok
"EunJi wake up, bababa na tayo" paggising sakin ni SunWoo habang tinatapik yung balikat ko, agad naman akong nagayos ng itsura at binitbit na yung mga bag. Ilang minuto lang ay huminto na yung bus sa tapat ng school at isa-isa na kaming bumaba, "EunJi hindi kita maihahatid sa dorm mo, susunduin ako ni daddy" sabi ni RinYu sakin at ngumiti naman ako "ayos lang, ingat kayo!" pamamaalam ko sa kanila.
Kaming tatlo nalang ni SunWoo at ni SooJin ang naiwan dito, ilang sandali lang ay may huminto sa tapat ni SooJin na kotse tsaka ito pumasok. Si SunWoo naman pumunta na sa kotse niya at ako naman naiwan dito para magantay ng taxi. Nagulat naman ako nang huminto si SunWoo sa harap ko "ihahatid na kita" sabi nito at bumaba para bitbitin yung mga bag na dala ko tsaka inilagay sa loob ng kotse niya "Sumakay ka na" sabi pa nito kaya naman pumasok na 'ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa dorm ko, tinulungan naman ako ni SunWoo sa pagbubuhat ng bag at idinala sa loob ng dorm "Dito pala kayo nagsasama ni SooJin" sabi nito at nilibot yung paningin niya sa loob "Ahh oo, actually magisa nalang ako nandito hahaha bumalik na kasi siya sa bahay nila" sagot ko naman at napatingin siya sakin "magisa ka lang dito?" tanong niya at tumango naman ako "Oo. Sige na, baka hinahanap ka na ng parents mo" sabi ko at binitawan na niya yung mga bag na binitbit niya "Aalis na 'ko, magiingat ka dito ahh byee" pamamaalam nito tsaka lumabas ng dorm.
Napaupo naman ako sa sofa at huminga ng malalim, parang bumalik ako sa dati na magisa lang dito at walang ginawa kundi maupo, kumain, at mahiga.
---------------------------------------
Gumising na 'ko ng maaga para magluto ng breakfast ko, may pasok pa kasi kami mamaya pero ang sabi wala naman na daw gagawin.
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...