25

6 13 2
                                    




Nandito kami ngayon na nakapabilog sa harapan ng bon fire para sa open forum, nasa gitna ako nila SunWoo at RinYu at sila SooJin naman katabi si JungSeok tsaka si YeoNa. Actually kaming walong magtotropa lang ang dapat nandidito kung hindi inaya ni SooJin si Yeona, kanina ko pa sila naririnig na naguusap at nagtatawanan habang ako nakatulala lang sa bon fire at iniisip parin kung ano ba ang nagawa ko kay SooJin. Saktong kakatapos ko lang mag open-up, or should i say magconfess.






Kapag nagaasaran sila tanging ngiti nalang ang nagagawa ko, napansin ko na kanina pa tingin ng tingin si SunWoo sakin at parang napapansin niya na hindi ako makatawa. Kaya naman pilit nalang akong tumatawa at sumasabay sa trip nila.







Kinuha na ni WooJin yung marshmallows sa bag at naghanap ng magagamit na stick para itusok iyon, saktong may mahabang stick sa harap ko at yun nalang ang ginamit ko. Medyo mahaba iyon kaya naman pinutol ko at ibinigay kay SunWoo yung kalahati "Thank you" sabi nito tsaka ngumiti sakin.








Nang maubos na namin yung mga marshmallows, nilabas naman ni JungSeok yung ginatara niya "Sanay ka ba niyan?" Pangaasar ni RinYu kay JungSeok "Oo, gusto mo ihampas ko sayo 'to?" sagot naman niya.








"Ano bang kanta?"







"Puzzle piece ng Nct dream" sagot ni WooJin at tinugtog na nga niya sa gitara niya tsaka sila nagkantahan, sumabay na din sila SooJin at YeoNa at kaming dalawa lang ni SunWoo ang hindi kumakanta. Wala akong balak kumanta kung ang dalawang 'to ay nagsasaya, hindi ko akalain na magagawa nila yon sa harapan ko. Kung umasta akala mo hindi nila ako kilala, kung magharutan akala mo magjowa.








Ilang sandali lang ay tumayo si SooJin, mabilis akong sinensyahan ni JungSeok na kaagad ko rin naman ikinatayo.








Bawat hakbang ko halo halong emosyon naman naramdaman ko. Kaba, lungkot, pagaalala at takot. Takot na kung ano magiging kalalabasan ng paguusapan namin, at baka masigawan ulit ako nito. Lumingon naman ako sa likuran at sinisiguradong walang nakasunod samin. Marahas kong ikinuyom ang magkabilang kamay ko para duon humugot ng lakas, lakas ng loob para masabi ang pangalan niya. "SooJin" mahina kong pagtawag na hindi sigurado kung sapat ba iyon para marinig niya.








Hindi naman ako nabigo dahil napatigil ko siya sa paglalakad, parang gusto kong sumabog sa tuwa dahil lang sa napahinto ko siya. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko nang mawala lahat ang binuo kong salita sa isip ko, para silang nakawala sa pagkakakulong at tuluyang naalis.








"Yeonjun" ulit ko at nanatili lang itong nakatayo ngunit hindi pa rin ito lumilingon sakin, at wala itong balak harapin ako. Pero atleast huminto siya EunJi, kailangan mo nalang siya kausapin ng maayos:((








"May sasabihin ka ba? Kase kanina pa 'ko nakatayo dito, inaantok na 'ko" sambit niya na mas lalo akong pinakaba. Sa totoo lang ay parang hindi si SooJin ang nakakausap ko ngayon, iba na talaga kinikilos niya ngayon at hindi ko akalain na iiwasan niya 'ko ng ganto. Huminga naman ako ng malalim at mabilis na nagsalita bago pa niya maisipang iwanan ako.








"Ano ahh SooJin, gusto ko lang malaman kung may nagawa ba akong mali sayo? Kanina mo pa kasi ako hindi pinapansin-" napahinto nalang ako sa pagsasalita nang humakbang ito at balak akong iwan. Sinubukan kong hawakan yung kamay niya pero inalis din niya yung pagkakahawak ko "SooJin please magusap naman tayo kahit saglit lang" pagmamakaawa ko at humarap ito sakin "Pwede bang sa susunod nalang natin pagusapan kung ano man yan? Kase kanina pa 'ko inaantok."






"Gusto ko lang malaman kung may nagawa ba 'kong mali sayo"








"Fine. Wala EunJi, wala. Kaya please patulugin mo muna ako!" At ito na nga yung kinakatakutan ko, ang masigawan niya 'ko. Mabilis itong naglakad papunta sa tent nila at nagkulong, habang ako ay naiwan sa kinatatayuan ko at lumuluha.







Kung wala akong kasalanan, bakit ganon yung pananalita niya sakin? Bakit ba hindi niya masabi yung problema niya? Dahil ba si YeoNa na talaga? At hindi na ako? Sana naisip man lang niya yung nararamdaman ko bawat sigaw niya, bawat pag iwas niya at sa tuwing kasama niya yung bwiset na YeoNa na yon.








Pumasok nalang din ako sa tent namin at duon ko na binuhos ang luha ko, hindi ko magawang umiyak ng malakas at baka may makarinig sakin. Mahirap man para sakin umiyak ng tahimik pero kailangan, ayoko ng may nakakarinig sakin na umiiyak ako ng ganto. Ayokong nakikita nila na ganto ako kahina, na ganto kababaw ang luha ko.








"yahh EunJi-" napahinto siya sa pagsasalita nang marinig niya 'kong umiiyak, lumingon naman ako para makita kung sino "R-RinYu" at nanlaki ang mata ko tsaka pinunasan ng mabilis yung luha ko "EunJi. . ." sabi nito. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit, at duon ko na ulit nabuhos yung luha ko. "Intindihin mo nalang siya EunJi, wag kang sumuko. Alam kong hirap na hirap sa pagiisip kung ano nagawa mo sa kanya, pero EunJi wala kang kasalanan. Hayaan mo muna siya, malaking problema lang talaga kaya niya nagagawang sigawan ka." dugtong pa nito.










Tulog na silang lahat at tanging ako nalang ang gising, naisipan kong lumabas muna at magpahangin. May mga students pa rin naman na nasa labas, kaya pumunta muna 'ko sa ilog at umupo sa log. Tumingin ako sa taas at napakadaming stars, naalala ko yung araw na dinala niya 'ko sa mga magagandang streetlights. Yung umupo kami at parehas naming tinatanaw yung mga stars, pati yung unang treat niya sakin. Kanina lang niya 'ko hindi pinansin pero miss ko na siya, miss ko na pangaasar niya.






"EunJi!" tawag ng isang lalaki na tumatakbo papalapit sakin mula sa madilim na lugar, "SunWoo?" at hindi nga ako nagkamali nang makarating siya sa harapan ko. Kanina pa nga siya wala sa tent namin "Saan ka galing?" tanong ko at umiling lang ito "Ano ginagawa mo dito? Tulog na silang lahat ah"







"Haha wala nagpapahangin lang, hindi ako makatulog" tumabi ito sakin at tumingin din sa taas, "Narinig kitang umiiyak bago pa pumasok sa tent si RinYu sa tent" sabi nito habang nakatingin sa taas at napalingon naman ako "please don't give up on SooJin"








"Alam kong may sapat siya na dahilan kaya niya ginagawa 'to, mahal na mahal ka ni SooJin. Hindi ka niya kayang iwan, ni hindi nga siya pumapayag kapag lumalapit ako sayo. Intindihin mo nalang si SooJin" magsasalita na sana ako nang sumabat siya "Tara na sa tent, 10pm na ohh maaga tayo uuwi bukas" tsaka kami tumayo at bumalik sa tent.







"Goodnight EunJi" sabi nito. Papasok na sana ako ng tent nang hatakin niya yung kamay ko at niyakap, "Matulog ka na, wag ka nang umiyak. Maaayos din ang lahat, sweetdreams" sabi pa nito bago niya ialis yung pagyakap niya sakin. Nauna na 'kong pumasok bago siya, sabay na din kaming nahiga at sakto dahil dinalaw na din ako ng antok kaya naman pumikit na ko para tuluyan nang makatulog.



_____________________________________




























S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon