15

7 14 0
                                    

[EunJi]

Nagising ako ng 5pm at bumaba na 'ko, tulog pa din si SooJin kaya naisipan kong ako naman ang magluto. Nagluto ako ng ramyeon dahil ubos na yung egg tsaka bacon sa ref, tapos nagtimpla din ako ng mainit na gatas.

Natapos na 'ko sa pagluluto, pumunta ako sa kwarto para gisingi si SooJin "SooJin gising na–" nang hawakan ko siya,naramdaman kong napaka init nito at parang masama ang pakiramdam "SooJin may lagnat ka!" sigaw ko at nagising ito "Good morning EunJi, mukhang nagluto ka ah"

"Ahh oo nagluto ako, tumayo ka na dyan!" Utos ko at tumayo na siya.

Umupo na siya tapos kumain, makikita mo talaga sa mukha niya na masama yung pakiramdam niya "SooJin wag ka ng pumasok"

"Bakit?"

"May lagnat ka, baka mabinat kapa kapag pumasok ka"

"Tsk hindi naman masama pakiramdam ko eh"

"Alam kong nagsisinungaling ka, wag na tayong pumasok"

"Oh?bakit pati ikaw? Wala ka namang lagnat, pumasok ka"

"Sino magbabantay sayo dito?"

"Kaya ko naman sarili ko, kailangan mong pumasok may kailangan kang ipasa diba?"

"Eh pano yung sayo?"

"Pumasok ka na, kaya ko sarili ko"

"Sure ka?"

"Oo basta bumalik ka" sabi niya at ngumit ako sa kanya.

Nagsimula na 'ko maligo at magbihis. Pagkatapos, pumunta na 'ko sa kwarto at nagayos. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto, tumayo si SooJin at siya na ang tumingin kung sino yung kumatok "Bakit hindi ka pa naliligo?" rinig kong tanong ni RinYu na siyang kumatok, "Hindi kasi siya papasok, nilalagnat."

"Anyare? Bakit nilagnat?"

"Kagabi kasi pumunta kami sa convenience store tapos inabutan kami ng ulan kaya naligo kami" sagot ko habang inaayos ko buhok ko, "Sino magbabantay sa kanya??"

"Ako sana, kaso pinapapasok ako" sabi ko na napanguso nalang.

Nagpaalam muna 'ko kay SooJin tsaka kami lumabas ni RinYu, naglakad lang kaming dalawa kase walang taxi na dumaan dito ngayon.

Nakarating na kami ni RinYu sa room at umupo na 'ko sa table ko, "Bakit hindi mo kasama si SooJin?" tanong ni SunWoo "nilalagnat kasi eh, hindi nga dapat ako papasok kaso ayaw niya hahaha" sagot ko naman.


--------------------------

"Hoy ano yan?" tanong ni RinYu sakin habang nagsusulat ako, "Ayos naman sulat mo dito sa kabila, bakit gagawa ka pa bago? mas panget pa yang pangalawa mong gawa"

"Hindi naman sakin 'to, kay SooJin 'to para may grade din siya"

"Gaga! Baka may makakita sayo nyan nako!"

"Kaya nga nandidito tayo sa vacant room diba?" sabi ko at ngumisi naman siya, "Bilisan mo na dyan jusko baka madamay ako sa pinaggagagawa mong babaita ka!"




Natapos na 'ko sa pag gawa ng assignment ni SooJin at tsaka namin ito pinasa sa music teacher namin, tinignan niyang mabuti yung papel na ginawa ko para kay SooJin at tumingin ulit siya sakin "Absent si SooJin, paano siya nakapagpasa?"

S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon