[SooJin]Napalingon ako saglit sa babaeng nakabangga sa'kin, at narinig kong tinawag siya ng isa pang babae na naka facemask. Ikinagulat ko nang tawagin siya non, pero hindi ako sigurado kung tama yung narinig kong pangalan.
EunJi, EunJi yung pagkakarinig ko nang tawagin siya. Ngunit hindi ko rin makita yung itsura nito dahil naka facemask din siya, "Sir. May problema po ba?" tanong sakin ng body guard ko "Nothing." tipid kong sagot tsaka ulit kami naglakad.
Lumabas na kami ng hotel at sumakay na sa van, kailangan ko kasi ulit pumunta sa building dahil may importante daw kaming paguusapan ni dad. Hinubad ko muna yung suot suot kong coat dahil sa sobrang init, tsaka ako napasandal at tumingin sa window.
Isa na 'ko ngayong Manager ng sikat na company dito sa seoul, hindi man ito yung gusto ko pero ito kasi yung binigay sakin. Di na din ako aarte dahil naging maganda naman yung buhay ko
*Pʜᴏɴᴇ Rɪɴɢɪɴɢ
Yes???
Nasaan na ba kayo?
Nasa byahe na dad, bakit?
wala na bang maibibilis yang
pagdadrive ng driver nyo?
Bilisan nyo dahil marami pa 'kong
gagawin.
*toot tooooot
Siya 'tong nagaya na makipagusap siya pa 'tong may ganang magmadali haysstt, ba't kasi hindi pa niya inuna yung gagawin niya bago makipag usap sakin? "Paki bilisan magdrive, nagmamadali si dad"
"Yes po sir." sagot ng driver sakin at binilisan na nga niya. Napasandal nalang ulit ako at sinikap huminga ng malalim, pumasok nanaman sa isip ko yung babaeng nakabangga sa'kin. Hindi kaya nagkamali lang ako ng rinig? O baka naman kapangalan lang niya? Hyssst. Bakit ba hanggang ngayon siya pa rin iniisip ko? Kamusta na kaya si EunJi? Ano na kaya nangyari sa kanya? Nevermind.
Matapos ang ilang oras ay nakarating na kami sa building ni dad, agad naman kaming bumaba at pumasok. Sumakay na kami ng elevator para mas mabilis tsaka dumiretso sa office niya. Pagka pasok ko ay sumalubong agad siya sa'kin tsaka ako naupo sa sofa "Ano bang paguusapan?"
"About Hara. Napagisipan mo na ba? Kailangan mo nang masanay na kasama siya kung papayag ka. Gusto ko ding maging CEO ka, para din yun sayo. Makakagawa ka na din ng sarili mong pamilya"
"Yan ba yung importante mong sasabihin kaha pinapunta mo 'ko dito? Akala ko naman pwede na 'kong mamuhay ng payapa, hanggang ngayon pakikielaman mo pa rin yung buhay ko? I don't care dad, wala pa 'kong balak para diyan."
"Why you so mad? Tinatanong lang naman kita. Tsaka CEO na magiging position mo kung magpapakasal na kayo, ayaw mo bang maging proud sayo mom mo?"
"Mas gusto kong maghirap dad, kesa magpakasal kay Hara para lang makuha yung position na yon! At alam kong kapag nagawa ko yon, mas magiging proud si mom sa'kin!"
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...