19

10 14 1
                                    

-Thursday-

[EunJi]

Kakaalis lang dito sa loob ng dorm si SooJin kahapon, nalungkot talaga ako mg sobra pagkaalis niya dito. Niyakap niya 'ko ng mahigpit bago siya sumakay sa kotse ni Hoyoung bitbit bitbit niya yung mga gamit niya, hindi naman ibang bansa ang pupuntahan niya pero kung yakapin niya 'ko parang hindi na siya babalik hahaha. Ngayon, napakatahimik dito sa dorm. Wala akong magawa kundi tumulala lang sa pader, magpaikot ikot sa loob, at matulog.





Habang nagcecellphone ako sa kama, nagulat ako nang may kumatok sa pinto. Agad naman akong tumayo at binuksan yung pinto para tignan kung sino, "RinYu, ano ginagawa mo dito?"





"Boba, diba bibili tayo ngayon ng baon natin para bukas?" Oo nga pala, bukas na pala kami magcacamping. Nawala sa isip ko na aalis pala kami ngayon para bumili ng baon para bukas. Pumunta na ulit ako sa kwarto at nagbihis, pagtapos ko ay lumabas na kami ng dorm ni RinYu.





Nang makalabas kami sa gate, bumungad samin yung van na kulay red at duon sila nakasakay lahat. Pinapasok ako ni RinYu sa pinaka likod at hindi ko inaasahang si SooJin ang makakatabi ko, "Tabi na dito, wag mong titigan yung gwapo kong mukha" pagbibiro niya at tumabi na nga ako sa kanya.






"EunJi balak sana naming anim na matulog sa loob ng dorm mo, papayagan ba kami ng may ari ng dorm??" tanong ni JungSeok





"Oo naman, pero dalawa lang yung kama don saan naman kayo pupuwesto?"





"May dala na kaming sapin para dun kami matulog, nagdala na din kami ng damit para pang palit at babaunin din bukas sa camping"





"Ilang araw ba tayo magcacamping??"



"Sabi ng principal 3 days daw para masaya"


"3 days para masaya? Masaya bang magcamping malapit sa forest na may bear???" takot na tanong ni RinYu


"Puro ka bear RinYu, marami naman tayo bakit ka ba natatakot?" sabi naman ni DaeWoon at nagtawanan kami.


Naramdaman kong dahan dahang inilagay ni SooJin yung kamay niya sa balikat ko paraan para maakbayan at makasandal ako sa balikat niya, isang araw palang siya nawala sa dorm pero miss na miss ko na talaga siya at alam kong ganun din siya.



Ilang oras lang ay bumaba na kami at pumasok sa loob ng grocery store, agad na kaming kumuha ni RinYu ng push cart at nagikot sa loob.



"Hoy WooJin hindi pwede magdala ng soju sa camping! Siraulo kaba?" sabi ni RinYu kay WooJin na kumukuha ng mga soju. Siraulo pala toh ehhh magdadala ng soju sa campingತ_ತ



"Ayyy oo nga pala HAHAHAHAHA—ARAY!" hinampas ko siya ng malakas dahil napakalakas ng tawa niya "Ang ingay mo, wala ka sa school WooJin nakakahiya" bulong ko at nanahimik na siya dahil pinagtinginan na siya ng mga tao dito sa loob.


Naghiwa hiwalay na kami, kasama ko si SooJin na namimili ng mga tinapay at ng mga maiinom. Sila RinYu at JungSeok naman namimili ng mga ramyeon cups habang yung tatlo mga chips at kung ano ano pa.






Inaabot ko yung malalaking binggrae sa taas at tinatalon ko dahil hindi ko makuha "kapag nga naman maliit eh noh" pangaasar ni SooJin at kinuha yung inaabot ko, hinampas ko naman siya ng malakas. Marami na din kaming nakuha ni SooJin kaya naman sinundan namin sila HyeJin, DaeWoon at WooJin. Kumuha sila ng mga karne na maiihaw sa camping at ako naman kumuha ng 7 cup ng yopokki, kumuha din si SooJin ng isang pack ng shrimp.



S T R E E T L I G H TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon