𝒟𝒶𝓎 2
"Yahh! EunJi! Gising naaa" sigaw ni SooJin sakin at agad naman akong bumangon, binigay niya sakin yung isang bowl ng tteokbokki "Kumain ka na, pagtapos nito ibibigay na sayo yung listahan ng makakasama mo sa group" at ngumiti ito sakin.
Nang natapos ako kumain ay lumabas na 'ko sa tent, lumapit sakin yung adviser namin at inabot sakin yung papel kung saan nakalagay yung mga pangalan na makakasama ko sa last activity
𝓖𝓻𝓸𝓾𝓹 1
𝑴𝒊𝒏 𝑬𝒖𝒏 𝑱𝒊
𝒀𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒐𝒐 𝑱𝒊𝒏
𝑯𝒂 𝑨𝒓𝒆𝒖𝒎
𝑪𝒉𝒐𝒊 𝑲𝒚𝒖𝒏𝒈 𝑴𝒊𝒏
"Kasama ba 'ko dyan?" tanong ni SooJin sakin na nakasimangot pa yung mukha "Oo kasama ka, masaya ka na?" tanong ko at ngumiti naman siya.
2 hrs pa bago magsimula yung activity, kaya naman pumunta muna 'ko sa resthouse at nagbihis. Pagkatapos ay kumuha ng makakain sa tent, "Hoy EunJi tara sama ka ulit" pag aya ulit ni RinYu "Ehh! Ililigaw nyo nanaman ako!"
"tanga hinde! May dala si JungSeok na fishing rod, panoorin natin siya manghuli ng isda" sabi nito, lumabas na 'ko at sinundan ko naman sila.
Nandito kami ngayon sa ilog at pinapanood nga namin siya manghuli ng isda, sinilip ko naman yung timba at wala pa itong laman. Ilang sandali lang ay hinatak na niya yung fishing rod na para bang may nahuli na ito, hirap na hirap si JungSeok sa paghatak ng fishing rod niya at sa sobrang bigat ng hinahatak niya ay naputol yung string non "Ano ba yan, marunong ka ba talaga?" mayabang na tanong ni DaeWoon.
Pinalitan ng bagong string yung fishing rod ni JungSeok, sinubukan naman ni DaeWoon na manghuli. Ilang sandali lang ay gumalaw na ulit yung string, paghatak naman niya ay nakita namin ang isang malaking isda "Wala ka pala kay DaeWoon ehh" pangaasar ni RinYu kay JungSeok kaya naman nabatukan ito "Aray!" sigaw naman ni RinYu
Ilang minuto lang ay narinig na namin yung whistle kaya naman ay bumalik na kami sa tent, nagtipon tipon na kaming magkakagrupo at sinundan yung adviser namin. Huminto kami dito sa napakalaking ilog, maraming mga bangka ang nakalutang dito at hindi na kami magtataka kung ano ang gagawin naming activity "Aww Boat Race pala magiging activity natin"
Pano naman? eh apat kami?
So ang mangyayari pala ay isa samin ang kukuha ng flag sa nakatayong kawayan sa ilog at iikot pabalik, pagkatapos ibibigay sa isang member at siya naman maglalagay sa kawayan at kukunin ulit ng isa tapos ibabalik ulit nung isa pasensya na ang gulo ng pagkakaexplain ko HAHAHAHAHA
Unang sasakay saming apat ay si KyungMin, pangalawa si Areum, pangatlo ako at si SooJin ang panghuli. Sumakay na si KyungMin sa boat pati yung kalaban namin na group 2, nagsimula ng magsagwan ang dalawa at nauuna si KyunMin.
Mabalis na kinuha niya yung Blue Flag at nagmadaling magsagwan papunta samin tsaka sumakay si Areum. Mabilis din itong magsagwan at binalik kaagad yung flag sa kawayan tsaka ulit ito bumalik.
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...