"EunJi, i love you. Promise, hindi kita iiwan"
"You're my Star, my only star."
"Wag mo 'kong iiwan, ayokong nakikita ka na may kadaldalan kang iba"
"Miss EunJi!!!hahahahahaha"
"Gising na dyan! Nagluto ako breakfast natin ohhh"
"Miss EunJi!! Pakakasalan pa kita gising naaaaaaaa!!!"
"EunJi. Babe, gising na kasi!!! I love youuuuuuu!!!"
"EunJi??? Ok ka na ba??" Tanong ni RinYu sa'kin, "S-si SooJin?"
"EunJi....." unti unti kong minulat yung mata ko. Nasaan ako? Bakit ang liwanag? Ano 'tong suot ko? Naka pajama ako tapos kung ano anong nakakabit sa kamay ko. "Ok ka na ba?"
"Nasaan ako? Si SooJin?"
"EunJi, nasa hospital ka. Nananaginip ka lang, kanina mo pa binabanggit si SooJin. Hindi na ba masama pakiramdam mo?"
Naalala kong bumagsak pala 'ko kanina sa simbahan, nakakahiya yung nagyari sa'kin. Buti nalang wala na 'ko sa simbahan, may asawa na si SooJin. Pero hindi ako masaya, hindi ko talaga matanggap.
"EunJi... Tama na iyak, mas makakabuti kung tatanggapin mo nalang. Lalo ka lang masasaktan kung hindi mo sila hahayaan"
"Hindi ko kaya..." sagot ko at naiyak nanaman ako, lumapit naman si RinYu sa'kin tsaka si SunWooo at niyakap ako "Hindi ko matanggap RinYu.."
"Makakalimutan mo din siya, tahan na. Wag mong pahirapan sarili mo"
"Mahal na mahal ko si SooJin RinYu"
"EunJi naman ehh nagpromise ka dati na kakalimutan mo na yung meron kayo noon"
"RinYu hindi ko magagawa yon kasi nga mahal ko pa rin siya!"
"EunJi..."
"Bakit ba kasi ang tanga tanga ko pagdating sa kanya, naisip ko na din yun ehhh naisip ko na rin na kalimutan na siya. Pero hindi ehh lagi kong naaalala yung mga nakaraan namin, tapos ngayon ang akala ko mababalik na ulit yung dati. Kase sabi niya mahal pa rin niya 'ko, kapag nagpapaalam siya sa'kin lagi niyang sinasabi na mahal niya 'ko."
"Hindi mo naman mapipilit lalo na't daddy niya lahat may pakana nito, matatapos na sila sa simbahan. Ano magagawa mo?"
"RinYu please?"
"EunJi hindi ka pa magaling, wag na EunJi baka kung ano pang mangyari sayo"
"RinYu... Please, kahit ngayon lang. Gusto ko siyang makita RinYu, gusto ko siyang mayakap, gusto ko siyang makausap please RinYu. please???" pagmamakaawa ko kay RinYu pero nakatingin lang siya sa'kin.
"Kaya mo ba?" tanong ni SunWoo sa'kin at tumango naman ako "Payagan mo na RinYu"
"Ok fine. Pero EunJi magiingat ka ahhh" sabi nito at bumaba na nga ako ng kama, inabot sa'kin ni SunWoo yung dala dala niyang jacket at pinasuot sa'kin "Isuot mo yan, umuualan sa labas" sabi niya at sinunod ko naman siya.
Mabilis akong tumakbo papalabas ng kwarto hanggang makalabas na dito sa hospital. Walang sasakyan na maabangan dito kaya wala na 'kong choice kundi tumakbo.
Binilisan ko na talaga pagtakbo ko para mabilis akong makarating sa simbahan. Masyado kasing malayo yung hospital sa simbahan kaya baka matagalan ako.
Nahirapan na 'ko huminga, pagod na 'kong tumakbo kaya nahinto ako saglit. Matapos ang limang minuto tumakbo ulit ako, mas lalo ko ng binilirsan yung takbo ko.
Habang tumatakbo ako, biglang umulan ng malakas. Pero keri lang basta maabutan ko si SooJin, sana maabutan ko siya.
Isang oras na pagtakbo, medyo malapit na 'ko sa simbahan. Siguro 30 mins pa para makara,,,ting. Nagpahinga muna 'ko saglit, at huminga ng malalim saka ulit ako tumakbo ng mabilis.
Natanaw ko na ngayon yung simbahan, binilisan ko pa onti yung takbo ko para mabilis makarating. Napansin ko yung kotse ni SooJin, umandar na ito kaya naman hinabol ko. Bwiset minamalas nga naman
"SooJiiiiiiiiiin!!" sigaw ko habang tumatakbo at hinahabol yung sasakyan niya, pero hindi pa yon huminto "SooJiiiiiiiiin waiiiiiiiit!!!!" sigaw ko ulit pero patuloy pa rin pag andar ng sasakyan niya.
Nahinto nalang ako sa pagtakbo nang mapagod na 'ko, patuloy ko pa rin sinisigaw yung pangalan niya hanggang sa maiyak nanaman ako.
Tuluyan na ngang nalayo yung sasakyan niya, habang ako umiiyak magisa sa tapat ng simbahan. Hindi ko siya naabutan, wala na talaga akong chance. Kahit pagyakap hindi ko na nagawa sa kanya, ang malas ko talaga.
Pumasok nalang ako sa simbahan, dahan dahan akong naglakad papunta sa loob. Huli na ba talaga lahat? Hindi ko na ba talaga siya makikita? Wala na ba talaga akong chance? Napaluhod nalang ako sa red carpet na puro petals ng puting rosas at naiyak nalang.
"Diba dapat nagpapahinga ka ngayon" boses ng isang lalaki na nasa likod ko, natigil naman ako sa pag iyak at tumayo "hindi ka pa magaling EunJi, nagpahinga ka muna sana" dugtong pa niya at nilingon ko siya.
Lumakas yung tibok ng puso ko, gumaan yung pakiramdam ko nang makita ko siyang ngumiti ulit. Yung ngiti niya..."tara nga dito" sabi niya at lumapit ako sa kanya, niyakap niya 'ko ng mahigpit. Naiyak nalang ako, kase akala ko wala na talaga akong chance.
"Pupuntahan naman kita sa hospital ahh, baka lalo kang magkasakit niyan. Basang basa ka ohh ang gulo ng buhok mo, tumakbo ka ba mula sa hospital hanggang dito?" tanong niya at tumango ako "tumakbo ka pa para lang maabutan ako dito? Baka lalo kang magkasakit"
"Ganon na ba 'ko kahina para sayo SooJin?"
"Hahaha joke lang, hinabol mo pa yung sasakyan ko kanina hindi naman ako yung nakasakay don. Nagtext naman sa'kin si SunWoo, kaya dapat di ka na tumakbo ng tumakbo" binigay niya sa'kin yung isang bote na tubig at pinainom sa'kin.
"Natuloy kasal nyo?" tanong ko pero hindi siya nakasagot, at isa lang ibig sabihin non. Natuloy yung kasal.
"Ok kana ba? Hindi kana nahihilo?" tanong niya at ngumiti ako sa kanya, "ok na 'ko. Thank you ahh"
"Thank you? Saan?"
"Kase hinintay mo 'ko"
"EunJi."
"Hm?"
"Sorry." natahimik ako nang sabihin niya sa'kin yon, napatingin naman ako sa kanya at napanain kong naluluha yung mata niya "Sorry saan?"
"Kase hindi ko nagawang ipaglaban ka"
"SooJin..."
"Hindi talaga tayo para sa isa't isa EunJi, hindi tayo yung tinadhana. EunJi, magpromise ka sa'kin" humarap siya sa'kin at umiiyak ito, pati tuloy ako naiyak.
Hinawakan niya yung kamay ko at tumingin ulit siya sa mga mata ko "EunJi magpromise ka sa'kin na kakalimutan mo na 'ko"
Ano daw? Kalimutan?
How?
__________________________
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...