𝓐𝓯𝓽𝓮𝓻 𝖅 𝓶𝓸𝓷𝓽𝓱𝓼...
ᵈᵉᶜᵉᵐᵇᵉʳ ²⁴ ²⁰²⁰
Pahinga ulit namin ngayon kaya napagisipan kong pumunta sa dating dorm ko para kamustahin si Unnie. Winter ngayon kaya nakakagana din magpunta dito, malaki na din pala pinagbago dito. Yung gate na kapag binubuksan ay maingay, maayos na at sa loob ay medyo lumuwag luwag at nawala na yung ibang puno. Pero yung dorm na tinuluyan ko, gano'n pa din.
Sinubukan kong buksan at sa loob wala talagang pinagbago, nilibot ko paningin ko at bawat sulok may mga naaalala ako. Pinasok ko naman yung kwarto, teka? May naiwan ata ako. . .
May napansin ako sa ilalim ng unan, inangat ko naman yun at. At... nakita ko yung hoodie na black na may moon na design.
Naalala ko na bago ako matulog non ay itinabi ko siya sa ilalim ng unan ko, so ibig sabihin walang nagdorm dito? Kasi kung meron bakit nandidito pa 'to?
"Namiss mo ba?" lumingon naman ako sa likod nang may magsalita "Unnie!"
"Hay nako, tama na nga kakatawag mo na unnie sa'kin! Mas mukha ka nang bata sa'kin! Tignan mo 'ko, tumatanda na"
"Hahahaha hindi ahhh mas maganda ka pa rin po Unni–"
"Hindi ko pinagamit 'tong dorm" agad naman akong nagtaka sa sinabi niya "po?"
"Simula nung umalis ka, hindi ko na pinagamit 'to sa iba"
"Bakit naman po? Hahahahaha"
"Kasi ayokong magbago 'tong dorm, marami din kayong alaala diyan ni SooJin. Alam ko namang babalik ka at titignan mo ulit ito kaya hindi ko pinagamit." sagot niya at ngumiti sa'kin "Pwede magpa picture?" tanong niya at pumayag naman ako.
Ibinigay niya yung camera niya sa isang estudyante at saka kami kinuhanan ng litrato, dalawang kuha ang ginawa namin para sa'kin naman yung isa.
"Sige na po, aalis na po ako. Pupunta pa po kasi ako sa school hahaha"
"Sige, magiingat ka ahh"
"Opo, kayo din po annyeong!"
"Annyeong!!" saka ako lumabas ng gate.
Nang maisarado ko yung gate, agad naman akong naglakad papunta sa school at hindi ko inaasahang makakasalubong ko si SooJin
"Kamusta na?"
"Ayos lang haha kayo?"
"Kayo?"
"Ni Hara, kamusta na?"
"A-ayos lang, pumunta ka din ba kay Unnie?"
"Oo haha"
"Ano yang paper bag na dala mo?" Jusko maryosep daming tanong "w-wala hahaha nagshopping ako kanina. Sige na, mauna na 'ko annyeong" naglakad ako ng diretso pero pinigilan niya 'ko, hinawakan niya yung wrist ko ng mahigpit "Waeyo?"
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...