Say goodbye - Kim Nayoung
"Kalimutan? SooJin ano bang sinasabi mo?"
"EunJi, gusto kong magsimula ulit. Ayokong nakikita kang nasasaktan"
"SooJin?"
"I'm sorry, sorry kung umasa ka sa'kin. Pero sana kalimutan mo na 'ko, ayokong nasasaktan ka dahil sa'kin. EunJi i love you but let's end this, kasal na kami ni Hara. Kailangan kong matutunan kung paano ko siya mamahalin pabalik"
"Gano'n na ba kadali sayo lahat? Sabi mo mahal mo 'ko, kaya akala ko may chance pa. SooJin naghintay ako! 5 years SooJin, 5 years!"
"EunJi-"
"SooJin oo naiintindihan kita, alam kong nahihirapan ka. Pero mas mahirap yung kalimutan ka! Nasubukan ko na SooJin, ilang beses na. Pero wala, ikaw pa rin talaga! Alam mo ang tanga tanga ko, bakit nga ba ako naniwala sa 'i love you' mo? Tama nga si Hara, bakit ka pa nakikipag kita sa'kin kung sasaktan mo lang din naman ako?" tanong ko at napayuko nalang siya.
"SooJin mahal kita, sobra! Wag mo naman sabihin yan, mahal mo din naman ako 'di ba?"
"Oo"
"Pero bakit mo ginagawa 'to? SooJin magsimula ulit tayo, sabay tayong lumaban sa dad mo-"
"Ayoko! EunJi kung mahal mo 'ko hahayaan mo 'ko maging masaya, ang tagal na non EunJi hindi ka pa rin nagmomove on? Mas ikabubuti mo naman kapag kinalimutan mo 'ko, EunJi iniwan kita kasi ayokong mapahamak ka nang dahil kay Dad! Hindi ko namang pwedeng ipagpilitan 'to, kung itutuloy natin yung meron tayo paano ka?" sabi ni SooJin na ikinaluhod ko.
Hindi ko maintindihan, iniwan niya 'ko kasi ayaw niyang mapahamak ako dahil sa dad niya? Hindi ko maintindihan, hindi ko magets..
Natingala nalang ako nang bigla siyang tumalikod at nagsimulang maglakad, agad naman akong tumayo at niyakap ko siya. Hindi, ayokong mawala siya. Hindi ko kayang kalimutan si SooJin "please SooJin, magsimula ulit tayo. Please?" pagmamakaawa ko pero tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya.
Dahan dahan ulit siya naglakad papalayo, pero wala akong ginawa kundi sundan siya "wag ka nang sumunod, umuulan sa labas" sabi nito at tumakbo na siya papalayo.
Wala na 'kong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Yung taong matagal kong hinintay, wala na talaga. Tuluyan na niya 'kong iniwan, meron na siyang asawa. Ano pa nga ba magagawa ko? Bakit ang tanga tanga ko pagdating sa kanya?
Sana hindi na 'ko humiling na makita siya, sana hindi nalang ulit kami nagkita, sana hindi na 'ko umasa, sana hindi na 'ko humabol, sana hindi ko nalang siya nakilala, sana matagal ko na siyang kinalimutan, sana hindi nalang naging kami.
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...