5 years ago. . . .
[EunJi]
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday~ happy birthday to you!" sabay sabay na pagkanta ng mga kaibigan ko sakin, lumapit naman sa'kin si AeRi at iniabot yung cake para mahipan ko yung candle. "Make a wish" sabi nito bago ko i-blow yung candle sa cake, pinikit ko naman yung dalawa kong mata at nagwish.
I hope makita ko ulit siya. charot:)
Na-blow ko na yung candle at sabay sabay kaming nagpalakpakan, sumunod namang lumapit si MiYoung at may hawak ito na isang papel tsaka ito binasa sa harap ko "Dear EunJi. Wag ka munang umiyak ahh" biro nito tsaka ulit pinagpatuloy ang pagbabasa "Thank you kasi naging mabuti kang leader sa'min, hindi naman kami gagaling ng ganito kung 'di dahil sayo. Ang dami rin naming natutunan simula nung magkakasama na tayo, proud na proud kami sayo maski manager natin humanga sa mga nagawa mo. Siguro kung wala ka, hindi tayo magkakaroon ng napaka daming awards. Para sa'min, ikaw ang pinaka magaling na leader, dancer, rapper and actress. EunJi saranghae!" sigaw nito at niyakap nila 'kong lahat.
Agad ko naman pinunasan yung luha ko, natutuwa ako kasi meron na 'kong tinuturing na kapatid na babae at lima pa sila. Hindi ko naiwasang umiyak nang marinig ko lahat ng sinabi ni MiYoung, at napayakap ulit ako sa kanilang lahat.
"But guys wait lang, meron kasing gustong humabol. Teka buksan ko lang yung pinto" binuksan ni SangHee yung pinto at nanlaki naman yung mata ko nang pumasok siya, "Annyeong EunJi, happy birthday!" bati ni SunWoo sakin at ibinigay sakin yung maliit na box "Thank you hahaha" at niyakap ko siya "Ahmm EunJi... Hindi ako pwedeng magtagal hahaha actually pumunta lang ako dito para batiin ka tsaka para ibigay din yung gift ko sayo. Happy birthday!" bati ulit nito tsaka siya lumabas dito sa room.
Kakatapos lang namin magcelebrate ng birthday ko, nandito naman ako sa room ko at nakahiga. Hindi ko man kasama sila eomma, napasaya naman ako ng mga kasama ko. Pero mas masaya pa rin kung kasama ko sila, pati sila RinYu.
Si RinYu, balita ko isa na siyang sikat na model. Si JungSeok naman doctor, si WooJin isa nang fashion designer. Kay HyeJin naman at DaeWoon wala pa 'kong balita, miss na miss ko na sila sobra. Lalo na si ano HAHAHAHA isa pa yon, wala pa 'kong balita sa kanya pero sigurado ako masaya na siya ngayon.
Grabe yung party kanina, nakakapagod. Wala kaming ibang ginawa kanina kundi kumain, magkwentuhan, at maglaro. Pero na-enjoy ko naman kasi masaya talaga silang kasama, oo na oo na paulit ulit na 'ko.
Papatayin ko na sana yung lamp kasi antok na antok na 'ko pero napatingin ako sa maliit na box na binigay sa'kin ni SunWoo kanina, kaya naman kinuha ko iyon para tignan kung ano yung laman.
Imbis na maging masaya ako sa gift, nakaramdam ako ng lungkot nang mabuksan ko yung box. Isa itong napakagandang necklace na may pendant na moon, gaya ng binigay sakin ni SooJin noon. Tumayo naman ako at pumunta sa salamin, sinuot ko yung necklace na yon at talagang napaka ganda nito.
*Tok tok tok
"Yahhh EunJi!" tawag sa'kin mula sa pinto, agad naman akong lumapit at binuksan "Oh MiYoung, bakit?"
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...