After 3 months. . . .
[EunJi]
"Ang taray den ng principal natin ha. Hindi man nakapagcelebrate noon ng anniversary ng school, may pa field trip naman ngayon hihi!!" sigaw ni RinYu at napatalon silang dalawa ni WooJin sa tuwa
"Ba't hindi ko alam? Kailan daw?" tanong ko
"Sa Friday! Sure na yon wag ka magalala, absent ka kasi kahapon ehhh ano ba nangyari sayo?? Umaabsent kana baka bumaba yung rank mo tst tst tst" at napailing nalang si RinYu.
Hindi ako pumasok kahapon 'di dahil late ako nagising or nagkasakit kundi dumalaw sa tita ko, ilang buwan nadin kasi ako hindi nakakapunta sa kanila ehhh. Isang araw lang naman ako nawala tsaka kaya ko naman humabol sa mga ginawa nila yesterday. Haha biruin nyo yon 3 months na din kami ni SooJin at wala ring pinagbago samin, ganon pa rin kami hahaha laging naghahampasan, nagaasaran, tapos nagkakapikunan.
"SooJin ikaw na bahala kay EunJi ahhh, turuan mo yan nako! Pag nawala yan sa rank babatukan ka niyan HAHAHAHA" pangaasar ni JungSeok kay Soojin
"Nga pala EunJi, alam mo bang nasa rank na si SooJin?" tanong ni RinYu na ikinalaki ng mata ko
"Talaga ba SooJin?"
"Ahh oo hahaha, hindi naman mangyayari yon kung hindi ikaw nagtuturo sakin araw araw noh!" sabi niya at napangiti naman ako.
Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain, lumapit samin si YeoNa at tinawag ako "EunJi, pwede ba tayo magusap saglit?" tanong niya ng mahinhin
"EunJi, wag na baka kung ano nanaman gawin niya sayo" bulong sakin ni RinYu pero tumayo ako at sumunod kay Yeona.
Nandito kami sa tahimik na lugar at tinulak ako sa pader "Ano nanaman kailangan mo?" tanong ko tapos tumawa siya ng malakas na parang timang
"Akala mo ba hihingi ako ng tawad sayo? last week, sinabi ko na layuan mo si SooJin pero bakit dikit ka parin ng dikit?"
"Malamang girlfriend ako eh! jusko YeoNa ang tagal na namin hindi mo parin matanggap?"
"Bakit ako papayag? Mukha ba 'kong magpapatalo sayo? Sa tingin mo ba hahayaan kong maging kayo? Alam mo bang nasira yung friendship namin ng dahil sayo? HAHAHAHAHA ngayon EunJi wina-warningang na kita, kung ayaw mo makatikim sakin!" diin niya sakin at umalis sa harapan ko.
Nasira yung friendship nila dahil sakin? Baliw ba siya? Kung Friends talaga sila ni SooJin edi sana hindi siya galit na galit kay YeoNa, baket parang ako pa may kasalanan? Hindi ko naman siya kilala una palang tsk.
Bumalik na 'ko sa canteen at naupo sa table namin kanina, "Ano ginawa sayo?"
BINABASA MO ANG
S T R E E T L I G H T
RomanceThe woman realized that not everyone she has always been with will be with her for the rest of her life. There is a man who is always waiting for her, he also guides the woman every day, he also takes care of the woman every day even if the woman do...