CHAPTER 3- Kicking His Balls Again

432 40 0
                                    

VERONICA'S POV

Kanina pa ako naiinis! Kanina ko pa hinahanap yung address na binigay ni Blaze pero hindi ko parin mahanap! Kapag nagtatanong naman ako sa ibang tao , dinededma lang nila ako.

Kanina pa kami uwian , may meeting kasi ang mga teachers kaya maaga kaming nakauwi. Kanina parin ako paikot-ikot sa address na binigay niya.

Hindi ko na kaya! Tatawagan ko na siya.

"Hello Blaze asher Devil salot! Nasan ba kasi yung bahay mo?!" Galit kong tanong.

"Uhmm hello? Who's this? Na wrong call ka yata Miss. I'm not Blaze , I am Laurent Finley." Seryosong sabi ng kausap ko sa telepono.

"H-huh? Ahh hawak mo ba ang cellphone ni Blaze?"

"Nope. Number ko talaga 'to , Bakit mo ba siya hinahanap?" Tanong niya.

"Eh kasi binigay niya sakin yung address niya , pumunta daw ako sa bahay niya after class." Pagpapalusot ko.

"Uhmm , kanina ka pa ba naghahanap?"

"Oo eh , kanina pa ako paikot-ikot dito." Saad ko.

"Where are you?" He asked.

"Nandito ako sa Mckinley Hill."

"Just wait a few minutes. I'll be there." Saad niya at pinatay ang tawag. Seryoso ba siya? Mabait naman pala talaga 'to kaso nga lang playboy.

Natatanggal na yung make up ko kaya naman dinagdagan ko pa ito para pumangit lalo yung itsura ko.

Maya-maya lang ay may biglang tumigil na Sports Car sa harap ko. "Sakay." Sambit niya. Agad naman akong sumakay. Grabe! Ang gwapo pala nito sa malapit , kaya naman pala madaming nabibingwit.

"Ano bang binigay niyang Address sayo?"

"Sabi dito , nakatira daw siya sa Monche Villa pero wala naman akong mahanap na monche villa dito." Saad ko. Tumawa siya ng mahina.

"Ang laki talaga ng sira sa ulo ni Aze." Umiiling-iling na sabi niya.

"Hay nako!" Reklamo ko.

"Kahit magpaikot-ikot ka pa dito , kahit libutin mo man ang buong pilipinas wala kang Monche Villa na matatagpuan." Natatawang sabi niya. Napatingin ako sakanya.

"Huh?!" Sigaw ko.

"Hindi siya taga Monche Villa. Taga Monte Villa siya , atsaka yung number na nakalagay diyan ay akin at hindi sakanya." Sambit niya na ikinainit lalo ng ulo ko.

"Bwisit talaga ang lalaking yun!" Naiinis na sabi ko.

"You know what? You look like Coleen." Seryosong sabi niya. Sino namang Coleen? Coleen Garcia? Haler baka kamukha 'to ni Marian Rivera!

"Coleen?"

"Yung nerd na naging kaibigan namin noon , na naging Ex ni Blaze." Nakangiting sabi niya. So Coleen pala yung name nung Ex ni Blaze. Yung nerd na nanloko kay Blaze.

"Paano mo naman nasabi?"

"Ganyan na ganyan din kasi siya magsalita pag naiinis siya , pero magkaiba parin kayo kasi siya mahiyain at masiyahin. Ikaw naman matapang , tapos palaging may galit sa mundo. Saka mas maganda ka pang tingnan sakanya , kasi kahit ganyan yung itsura mo kitang-kita na may ganda ka talaga. Saka feeling ko naman mabait ka." Seryosong sabi niya. Ay nako! Kung alam mo lang yung katotohanan , baka mas lalo kang mabighani! Sarottttt!!!

"A-ahh ganon ba?"

"Hindi ko nga akalain na magagawa mo yung kay Blaze , Atsaka hindi ko rin akalain na hindi ka niya pinatalsik. Dati kasi kapag may aksidenteng nakakasagi sa kanya pinapatalsik niya agad sa University. Kahit nga tingnan mo lang siya ng masama patatalsikin kana sa University. Kaya nagtaka talaga ako kasi hindi ka niya pinatalsik kahit sinipa mo yung baya------ 'di bale na nga lang." Natatawang saad niya. Napangiti na lamang ako.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon