VERONICA'S POV
Dalawang oras na ako naglilinis. Nakakapagod! Akala ko kanina yung sa Harina lang ang lilinisin ko , pagdating ko sa sala sobrang dami ko pa palang lilinisin!
Nagkalat pala siya! Nilalanggam na yung mga chichirya sa sahig tapos sobrang kumalat na yung tubig! Nakakainis! Imbis na maglilinis nalang ako sa kwarto niya at kwarto ko! Dinagdagan niya pa ang trabaho ko.
Nandito ako sa kusina , hinuhugasan ko ang mga pinggan. Pagod na pagod na ako. Lilinisin ko pa nga pala yung kwarto.
May nagdoorbell , agad ko naman itong binuksan. Nagulat ako ng makita ang Apat.
"A-anong ginagawa niyo dito?." Tanong ko.
"Tatambay." Saad ni Laurent. Dire-diretso silang pumasok at umupo sa Sofa.
"Linis naman ng Condo ni Blaze. Halatang ikaw ang naglinis." Saad ni Vladymyr.
"Eh paano kasi hindi naman kasi talaga naglilinis yun si Blaze , marunong siyang maglinis pero hindi siya naglilinis." Umiiling na sabi ni Stanley.
"Nasan si Blaze?." Tanong ni Leigh.
"Ha? Akala ko kasama niyo?." Tanong ko.
"Eh paano naman namin makakasama yun? Eh hindi nga pumunta samin." Sabay-sabay nilang sagot. Kailangan ba talaga sabay-sabay sila?.
"Bakit nga pala basang-basa yang damit mo?" Tanong ni Vladymyr.
"Ah eh naglinis kasi ako."
"Mukhang dami mong nilinis ah?." Saad ni Vladymyr.
"Oo eh , halos dalawang oras na nga ako naglilinis dahil nagkalat si Blaze kanina dito. Maglilinis pa nga ako sa Kwarto niya at kwarto ko eh." Saad ko. Kumunot ang noo ni Vladymyr.
Tapos na akong maghugas ng plato. Kaya't pinaghanda ko sila ng makakain.
"Panood kami ng T.v ha?" Saad ni Stanley. "Oo naman." Natatawang sabi ko.
Inabot ko sakanila ang Pagkain.
"Order mo ba 'to?." Tanong ni Leigh.
"Hindi ah , gawa ko yan. Nagtry kasi ako kanina mag-bake. And ayun buti nalang hindi palpak." Saad ko.
"Grabe ang sarap! Pagluto mo kami lagi ng ganito?" Saad ni Laurent. "Oo naman! kahit kelan , basta sabihin niyo lang sakin." Saas ko.
"Bakit hindi mo subukang magbenta?." Sambit ni Vladymyr. "Oo nga tutulungan ka namin!." Saad ni Stanley.
"Oo nga 'no! Kapag nagkapasok na!" Masaya kong sabi.
"Teka ano nga palang tawag dito? Parang ikaw palang kasi ang nakakagawa nito." Saad ni Leigh.
"Red Veron Chocolate Cupcake." Saad ko habang nakangiti.
"Woah! Nice! ganda ng name ng cupcake mo! Bagay sa sarap ng lasa nito." Saad ni Laurent.
"Thank you!" Saad ko.
"Maiwan ko muna kayo ha? May gagawin lang ako." Sambit ko sakanila.
"Anong gagawin mo?." Tanong ni Vladymyr.
"Maglilinis ako ng kwarto ni Blaze." Sambit ko. Tumayo siya , napatingin naman ang tatlo sakaniya.
"Tutulungan na kita , alam kong makalat ang kwarto nun. Saka kanina ka pa naglilinis." Saad niya at nagdire-diretso sa kwarto. Sumunod ako sakanya. Yung tatlo naman habol tingin saming dalawa. Kung ano-ano na naman iisipin ng tatlong yun.
"Ayos kana ba?." Tanong niya habang inaayos ang kama ni Blaze. Napatingin ako sakanya.
"Oo naman. Wala lang naman sakin yun 'no." Natatawang sabi ko. Ngumiti siya.

BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Teen Fiction𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...