CHAPTER 11 - Bwisita

317 35 0
                                    

VERONICA'S POV




Hayyy! Ang sarap ng tulog ko! Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nabanggit sakin ni Laurent nung isang araw na dito na daw ang kwarto ko , kaya dito ako natutulog lagi.



Oo nga pala hindi pa ako nakakapagmake up! Baka mahuli ako ni Blaze. Buti nalang may Cr dito. Makaligo na nga!!




BLAZE ASHER'S POV




Ano ba yan. Sino ba yung nakantang yun , nakakainis! Ang aga-aga ang ingay-ingay.



Tumayo ako sa higaan ko at Pinakinggan kung saan nanggagaling yung nakantang yun. Teka? Si Grace ba yun? Bakit parang narinig ko na sa isang Concert yung boses niya.



"Sabihin mo na...


Nilalaman ng puso mo...


Ang nararamdaman nito


Kung di pa aminin ang gusto


Baka kasi mawala na ako.."



Teka! Narinig kona talaga yung boses na yan , di ko lang matandaan kung saan at kung sino. Si Grace ba talaga yang nakanta?



Pinakinggan ko ng maigi. Nandito ako ngayon sa Pinto ng kwarto niya. Pinihit ko ang DoorKnob , bukas ah?



Pumasok ako. Siya nga! Siya nga yung nakanta. Ang galing niya pala?



Nakita kong bumukas ang Pinto ng Cr niya kaya't dali-dali akong lumabas ng Kwarto niya. Kinabahan ako.



"Woo! Muntik na ako."



Maya-maya'y lumabas na siya ng kwarto niya.



"Gising kana pala?." Saad niya.



"Ay hindi , tulog pa. Obvious naman diba?." Masungit kong sabi. Tatanong-tanong pa alam na naman.



"Okay kana agad?." Tanong niya.



"Oo naman ako pa. Tss. Dun ka na nga maglinis kana maya-maya. Naaalibadbaran ako sa'yo. Alis!." Pagtataboy ko sakanya. Agang-aga siya makikita ko , tss nakakawalang gana mabuhay.



"K."



Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya.


Biglang may nag-doorbell. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong kaaga? Hindi naman sina Laurent dahil tanghali na nagigising ang mga yun.



Binuksan ko ang pinto.



"Sino ka?" Kunot noong tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit naman nandito ang asungot na 'to , feeling close kay Grace eh kakakilala palang naman niya kay grace kagabi.



"Eh ikaw sino ka ba?."



"I'm brent. Nandyan ba si Grace?." Tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang harot talaga ng babaeng yun , kung sino-sinong lalaki ang kinakaibigan.



"Wala siya dito kaya pwede ka ng makaalis." Masungit kong sabi. Aalis na sana siya nang bigla namang lumabas ng kwarto si Grace.



"Oh nandito naman pala eh. Hi Grace!." Saad ng Asungot na 'to. Agad namang pumunta si Grace. Tss.



"Mahiya ka nga." Bulong ko kay Grace.



"Ikaw ang mahiya , hindi mo tinatrato ng maayos ang bisita." Bulong niya din sa akin.



"Anong pinag-uusapan niyo?." Tanong ng Asungot na 'to. Istorbo na nga , chismoso pa. Napaka Bwisita!



"Pwede ba wag kang Chismoso?. Agang-aga nakikichismis kana agad." Masungit kong sabi at pumunta sa Sofa. Manonood nalang ako ng T.v kesa makita ang dalawang asungot na 'to.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon