VERONICA'S POV
Hapon na ng makauwi si Vladymyr , hinahanap na kasi siya ng Mom niya. Sinamahan niya kasi ako dito buong gabi kaya hindi na ako magtataka kung hahanapin siya ng Mom niya. Kaya ngayon , ako nalang mag-isa.
Nagtext sakin sina Leigh , Stanley , at Laurent. Hindi daw sila makakabisita dahil inaasikaso nila yung gaganaping event sa University.
Makakapasok na ako bukas sa University dahil galing na naman ako , saka nakakahiya kay Vladymyr. Siya kasi ang nagbabayad ng bills ko dito sa Hospital. Kaya mamaya uuwi na ako sa Condo.
Wala naman akong Choice kundi ang umuwi sa Condo ni Blaze.
Nagugutom na ako.
Tumayo ako para maghanap ng pagkain sa mini ref dito. Pero walang laman.
Brurrrk**
Nakulo na yung tyan ko. –_–
Lumabas ako ng Room ko. Baka pwede akong makautang sa isang nurse dito. Hehe.
"Kuyang Nurse!" Tawag ko dito. Lumingon-lingon pa siya sa paligid niya. Nilapitan ko siya.
"Ay ikaw ba yung tumatawag sakin?" Tanong niya.
"Ako nga ho."
"Anong kailangan mo?." Parang nandidiring tanong niya.
"Kuya , pwede bang pautang? Kahit bente lang oh. Gutom na kasi ako eh. Bayaran ko nalang bukas."
"Kung pagkain nga wala kang pambili , lalo na siguro sa hospital bills. Nako hindi ako nagpapautang ng hindi marunong magbayad." Masungit niyang sabi. Baklang 'to , kung alam mo lang.
"Sige na , kahit sampu nalang."
May biglang humila sakin. "A-aaray!!"
Pagkalingon ko ay si Blaze pala. Hinila niya ako papalayo sa Nurse.
Bumitaw ako. "Ano bang problema mo?!" Sigaw ko. Pinagtinginan kami ng mga tao.
"Ang ingay mo." Walang ganang sabi niya.
(*–_–*)
"Eh napaka...." Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng takpan niya nag bibig ko.
"Kulit ng lahi mong babae ka , pag hindi ka pa nanahimik. Lalahian kita." Bulong niya.
Bigla akong napatahimik sa sinabi niya , kaya't binitawan niya na ako.
"Sundan mo'ko , kakain tayo sa labas." Saad niya at iniwan ako.
Napakalabo niya talaga kasama! Kanina lang may pahawak-hawak pa sa kamay ko , tapos ngayon iiwan ako?!
Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sakanya. Gutom na ako eh , papabebe pa ba ako?
****
Nandito kami ngayon sa labas ng hospital , kanina pa kami paikot-ikot dito.
"Hoy? Ano bang hinahanap mo? Kanina pa tayo paikot-ikot ah , napapagod na ako." Singhal ko. Kainis! Gutom na gutom na ako eh!
"Wala akong mahanap na kakainan natin." Kunot noong sabi niya.
"Kakainan lang ba? Sus di mo agad sinabi , ayun oh!" Saad ko at sabay turo sa Karenderya. Tumaas ang isa niyang kilay.
"Seriously? Dyan talaga?"
"Oo! Masarap yung pagkain dyan. Aarte ka pa."
"Malay mo masarap lang tapos madumi pala." Sambit niya. Tumingin siya dun sa karenderya na parang nandidiri.

BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Teen Fiction𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...