VERONICA'S POVGabi na ng matapos kami sa pag-gagala sa loob ng Hearty Mall. Lahat ay libre ni Vladymyr kaya naman busog na busog ako , si Laurent naman masyadong makadikit sakin. Nandito kami ngayon sa Parking Lot , inuubos lang namin ang binili naming Fishball. Pagkatapos nito ay uuwi na din kami.
"Bakit ba masyado kang makadikit sakin ha?" Bulong na tanong ko.
"Pinoprotektahan lang kita." Bulong niya. Natawa ako kaya't napatingin samin si Vladymyr , pero bumalik agad naman siya sa pagcecellphone niya.
"Kaya ko ang sarili ko. Saka saan mo naman ako poprotektahan ha?" Bulong ko.
"Ano ka ba , hindi mo ba napapansin?" Tanong niya.
"Ang alin ba kasi?"
"Yung mga babae kanina sa likod natin habang naglalakad tayo , sobrang sama ng tingin nila sa'yo."
"Oh ano ngayon?"
"Hindi ka ba natatakot?"
"Bat ako matatakot? Diyos ba sila?" Umiiling na sabi ko.
"Langya ka , napakatapang mo talaga." Natatawang sabi niya.
"Lets go?" Nakangiting sabi ni Vladymyr sa amin. Sasagot na sana ako nang magsalita si Laurent.
"Mag-Cr muna ako bago tayo umalis , hehe."
"Sama na ako bro." Saad ni Vladymyr.
"Ikaw sama ka?" Natatawang tanong ni Vladymyr. Nanlaki ang mata ko.
"H-huh? A-ayoko nga , dito na lang ako hihintayin ko na lang k-kayo." Utal-utal kong sabi. Tumawa silang dalawa saka umalis.
Ilang minuto na akong naghihintay dito sa Parking Lot pero wala parin sila. Nasan na ba ang mga yun?
Tinatawagan ko si Laurent pero hindi siya nasagot. May masamang kutob ako.
"Uww , well , well , well. Nandito ka pala nerdy girl? Akala mo?Maniniwala kami sa'yo na ikaw si Queen Veronica? HAHAHA! Asa ka! Itsura mong yan. Atsaka takot sa amin ang Veronica na yun. " Natatawang sabi ng babaeng binuhusan ako ng tubig kanina. Bakit kilala nila ako?
"Hindi ko naman kayo pinipilit na maniwala." Seryoso kong sabi. Pumalakpak ang isa sakanila.
"Kilala mo ba kami?" Natatawang sabi nung isa. Ngumisi ako.
"Bakit ko naman kayo kikilalanin? Sino ba kayo?."Nakangisi kong sabi.
Hinila nung Binuhusan ako ng tubig kanina yung kwelyo ko. Langyang babae 'to kala naman niya matatakot ako. Asa siya.
"Ako lang naman si Dasha Selenia." Bulong niya sa tenga ko. Pamilyar yung pangalan niya ah?
Lumapit yung isa at hinawakan ang braso ko. "Ako si Violet Smith." Natatawang sabi nito. T-teka pamilyar talagaaa!!!
Hinawakan ng isa ang Baba ko."And I'm Marga Oxfard." Madiing sabi nito.
Naaalala ko na!!!!
"Mali ka ng kinalaban , Grace Gonzalez."Saad ni Dasha. Nagfa-flashback na naman sa utak ko ang nangyari noon. Biglang nanginig ang tuhod ko.
"Dark Cole Gang." Bulong ko. Nagulat si Marga."What the?! How did you know our Gang?" Gulat na tanong nito.
"At bakit parang natatakot ka?" natatawang sabi ni Violet.
"Kanina lang ang tapang-tapang mo!" galit na sabi ni Dasha.
Pinipigilan kong hindi kabahan o matakot , pero sa twing pumapasok sa isip ko yung mga nangyari sa akin noon. Natatakot , naiiyak ,at nanginginig ako.

BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Novela Juvenil𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...