VERONICA'S POV
Hindi parin nawawala sa isip ko yung mga sinabi ni Celso. Duda ako sakanya. Hindi ko alam kung pakulo lang ba niya yun o ano. Basta naguguluhan ako! Hays! Dami dami ko na ngang iniisip , dumagdag pa siya! Hindi pa nga ako nakakalimot sa nagawa niya , tapos eto na naman siya , susulpot nalang bigla na parang walang nangyaring masama.
Nakakainis!!!
Hindi parin nagigising si Blaze mula kagabi. Sina Vladymyr naman paparating palang ngayon dito.
Kelan ka kaya magigising?
Yan kasi eh! Kinakarma ka tuloy sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo.
Di ko alam kung dapat ba akong maawa , sa mga ginawa mo sakin nakakainis talaga. Pero mula nung nakasama ko siya doon sa Hospital , nung parehas kaming nahospital? Parang nagbago yung tingin ko sakanya.
Ramdam kong tunay yung pinakita niya nung kasama ko siya. Ang genuine ng smile at pagpapakumbaba niya nung time na yun. Gwapo naman siya eh , kaso masama ang ugali talaga.
Ano kayang makakapagpabago sakanya?
Ano? Or sino?
Kung sino mang makakapagpabago sakanya , hanga na talaga ako. Sa tigas ng ulo ng Ipis na 'to , ewan ko nalang kung may makatagal dito.
Nakita kong gumalaw ang kamay niya , kaya't napabalikwas ako.
Bigla ko na lamang siyang hinawakan sa kamay. Hindi ko alam? Hindi ko maintindihan? Bakit nga ba?
Bigla akong napabitaw.
"Ikaw ha. Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin eh." Pang-aasar ni Blaze sakin. Kinunotan ko siya ng noo.
"Ikaw ang assuming mo! Ganyan na nga yung kondisyon mo ang yabang yabang mo pa!" Inis kong sabi.
"Imposible namang wala kang pagnanasa sakin?! Sa gwapo at maskulado kong 'to ewan ko nalang talaga kung hindi ka maglaway. " Mayabang na sabi niya habang hinang-hina pa. Jusko po! Uunahin pa talaga kayabangan eh!
"Hoy mahiya ka nga sa mga imahinasyon mo. Ni hindi nga kita tinititigan dyan eh!"
"Wow! Sigurado kaba dyan sa sinasabi mo teh? Parang imposible namang hindi. Baka nga binaboy mo na ang pagkatao ko dito habang tulog ako eh." Confident na sabi ng kumag na 'to. Wow ha ang lakas naman ng imahinasyon ng lalaking 'to.
"Wow ang hangin mo talaga! Takot naman sa ipis!"
"Sus iniiba usapan , ikaw ha kunyari ka pa ha. Umamin kana." Natatawang sabi niya.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. Para siyang walang nararamdamang sakit , kahit halata ko sa mata niya na nahihirapan siya.
Bigla nalang akong napangiti.
Hindi kona napigilan ang sarili ko.
"Oh? Bat ka nangiti? Kinikilig ka noh?" Pang-aasar niya.
"Ewww! Hindi kaya!"
"Sus weh? Eh bakit ka pangiti-ngiti dyan? Porke nakakita ka ng artista ganyan kana hays. Para kang timang ano ba , ako lang 'to. " Mahanging sabi niya.
Kakaiba talaga ang mga kinikilos niya. Parang baliw na ewan!
"Napakayabang mo talaga!" Kunot noong sabi ko. Nagpipigil nalang talaga ako ng tawa , grabe , parang ibang Blaze yung kaharap ko ngayon.
"Wala lang , ngayon lang kasi nakitang tumawa at ngumiti." Saad ko. Bigla siyang natahimik. Tas bigla siyang ngumiti sakin na parang nang-aasar pa.
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Roman pour Adolescents𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...