CHAPTER 21-Jealous?

299 39 2
                                    

VERONICA'S PoV

Nandito kami ngayon ni Leigh sa Coffee Shop , katabi lang ng hospital. Nagdecide kami na dumaan dito para bumili syempre alangan namang maglaro kami dito dibe? Tapos sobrang sarap nung kape kasi libre , hehehe.

Sabi ko nga kay Leigh wag niya na ako ilibre ,tapos kinulit ko pa. Ayaw talaga paawat! Buti nalang talaga hindi siya nagpaawat! Nagtititpid kaya ako ngayon! Sobrang mahal pa naman ng kapeng 'to. Kung nag Great Taste White nalang kami edi sana nakamura! Eh mapilit siya eh.

"Lets go?" Yakag niya. Tumango naman ako. Medyo nagtagal kami ng konti dahil nga binilhan niya pa yung apat , at syempre binilhan niya ako ulit baka daw kasi mainggit ako sa apat mamaya habang umiinom.

Hayy buti nalang! Talagang maiinggit ako!

Agad kaming pumasok ng Hospital , nag-elevator nalang kami para mabilis. Jusko! Habang papalapit kami ng papalapit , mas lalo akong kinakabahan. Nakakahiya kasi! Tapos baka asarin pa ako nina Stanley. Nakakainis naman eh! Kasalanan talaga 'to ng Blaze na yun.

Bigla akong napakapit sa braso ni Leigh , sa sobrang kaba. Napahinto siya.

"B-bakit?"

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"A-aahh ehh , medyo tinatawag ako ng kalikasan." Pagpapalusot ko.

"Tinatawag ng kalikasan?" Nagtatakang tanong niya.

"I-i mean n-naaano ako."

"Anong naaano?" Nakakunot noong tanong niya. Napangiwi ako.

"Na uh uh uh." Saad ko. Jusko mga bess , nakakahiya na akes!

"Ha?" Natatawang tanong niya. Sarap lang upakan , ang bagal yata ng signal nito.

"Loading yarn? Hina mo naman makasagap!"

"WHAT??" Naguguluhang tanong niya. Napatampal nalang ako sa noo. Jusko , hindi ko na keri. Ibinigay ko sakanya ang coffee na hawak ko.

"Dyan ka muna , pero kung gusto mo nang umuna. Then go." Pagpapaalam ko.

"Wait , where are you going? Samahan na kita." Saad niya. Jusko mabibilaukan ako sa mga pakulong 'to. Malalaglag na yata bituka ko. Cheret!

"H-huh? Pupunta kasi akong Comfort Room."

Natawa siya." Aww akala ko lalabas ka ulit. So aano ka?" Natatawang tanong niya. Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin. Buti pa ako hindi Slow.

"Oo , aano ako." Natatawang sabi ko at agad na tumakbo papasok sa Cr.

Palusot ko lang dapat 'tong pagtae na 'to eh. Pero mga inday! Natatae na talaga akes! Hindi ko na keri , baka dahil sa nasobrahan ako sa kape. Tapos sobrang tamis pa!

After 5 Years...

CHAROT!!

Agad naman akong naano , dahil sobrang naaano na talaga ako. Kaya agad na lumabas yung ano! Basta ano!

Akala ko iniwan na ako ni Leigh pero paglabas ko nandito parin siya.

"Oh ano? Kamusta ang pag-ano?" Natatawang tanong niya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Ayun , nakaraos naman." Natatawang sabi ko.

Sabay kaming tumatawa hanggang sa makarating kami sa Room ni Blaze. Pagdating namin ay busy ang apat sa cellphone. Sobrang tahimik nila , pero kami ni Leigh , todo tawa parin.

Agad kaming napatigil sa pagtawa ng mapansing kami lang pala ang maingay. Pero natawa parin kami. Ang babaw ng kaligayahan namin , de joke nautot kasi si Leigh kanina habang naglalakad kami kaya ayun! Tumawa na kami ng tumawa.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon