VERONICA'S POV
Kasalukuyan akong nandito sa Harap ng Section Delvils , mukhang mga dimunyu ang students dito ah?. Ito ang lower section ah? Wait? Bakit naman dito ako ini-schedule ni Dad! Arghh! Tsk. Ano pa nga bang magagawa ko?
Knock** knock** knock**
Agad binuksan ito ng isang beki na Teacher. Oh my G! Namiss ko tuloy si Sir Panocha! Hays.
"Why are you Late Ms. Gonzalez? Unang Pasukan Late ka? Ew my Gesh! Ayoko ng mauulit pa 'to ha?" Masungit niyang sabi. Tumango nalamang ako at nagdire-diretso papunta sa likod.
Halos lahat nakatingin sakin? Eh sino ba namang hindi titingin sa itsura kong naisip? Haha!
Uupo palang ako ng sumigaw si Sir. Ewan ko. Sa gulat ko ay napatayo ako ng tuwid.
"Ms. Gonzalez before we start introduce yourself , marami pa ang hindi nakakakilala saiyo rito." Sambit niya. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
"I-im Ve--- Grace Gonzalez , i'm 17 y-years old from Yorhart subdivision." Utal kong sabi. Shit! Muntikan na akong mabuking dun ah?.
Ay wow? Hiyang-hiya naman ako sa Espasol niyang mukha? Hay nako!
"Okay! For now magkakaroon tayo ng Program , so wala muna tayong gagawin for today. Pupunta tayo sa gymnasium para makilala natin ang may-ari ng school naito , ah basta! Arat na!" Masayang saad ni Sir.Vavaloe.
Ano ba 'yan! Eto yung pinakaayaw ko eh , yung program!.
"Sir p-pwede po ba akong magpaiwan dito?" Tanong ko. Tiningnan niya ang ng masama.
"What? Sir? I'm not your Sir! I'm your Ma'am. Anyways! Hindi ka pwedeng maiwan dito , baka may mawala pa." Saad niya at inirapan ako. Grabe? Mukha ba akong magnanakaw!
Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas at sumunod sa mga kaklase ko. Hayy buhayy!!
"Bago ka lang dito?" Tanong sakin ng isa kong kaklaseng bago.
"Uhmm , oo eh."
"A-ako nga pala si Zandra Falabania." Pagpapakilala niya.
"A-ako naman si Grace Gonzalez." Sambit ko. Ngumiti siya sa akin. "Alam kong narinig mo yung sinabi kanina ni Maggi." Saad niya. Ahh yung babaeng nanlait kanina sakin? Maggi pala yun.
"Anong Buong pangalan niya?" Tanong ko. "Siya Si Maggi Contravida. Oh diba? Apelyido palang Kontra bida na talaga! Masanay kana dun! Ganon talaga yun , matapang lang naman yun kasi may kakampi." Umiiling-iling na sabi ni Zandra.
"A-ahh hehe kaya pala. Sana'y na naman ako sa mga ganun na tao. Di ko nalang pinapansin." tugon ko.
"Pero syempre dapat matuto kang lumaban , kasi pag hindi ka lumaban , masasaktan ka lang." Saad niya. Kumunot ang noo ko.
"Eh diba? Kapag lumaban , mas lalo ka lang masasaktan?"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ganon , kapag hinayaan mo sila na apihin ka mas lalo ka pa nilang sasaktan dahil alam nilang hindi ka nalaban." Sambit niya. She's right pero nakakatakot na lumaban , tapos sa huli ako rin naman ang masasaktan.
"You're Right." Tugon ko. Hinila nila ako papunta sa loob ng Gymnasium. Sobrang daming students , Senior high at college lang 'to pero sobrang dami.
Naupo kami sa isang tabi. "Okay! Ladies and Gentleman , Ready na ba kayong makita ang mga pinakagwapong Sh dito sa Messy University?" Sigaw ng isang Emcee. Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga studyante.
"Grabeeeee talagaaaa ang hot ni Aze!!!!!" Sigaw ni Zandra. Nakakabingi ang sigawan. Sino ba yung Aze na yun?
"Hoy alam mo ba! sobrang gwapo ni Aze!" Saad niya sakin."Sino ba yun?" Tanong ko.
"Makikita mo mamaya! Saka alam mo ba Lima sila!!!" Kinikilig pa na sabi niya. Napailing-iling nalang ako.
"Please Welcome ! The CoolHot Boyz!" Sigaw ng Emcee. Mas lalo pang nagsigawan ang mga tao ng lumabas ang Lima. At kasama na dun Yung Blaze! Tss. Kaya pala CoolHot kasi mga Kulot. Kulot salot!
"One of the CoolHot Boyz! Laurent Finley!" Sigaw ng Emcee. Nagsigawan ang mga tao.
"Ayan si Laurent , Ang pinaka playboy sa kanilang lima. Pero wag ka! Soft-hearted yan!" Biglang sabi ni Zandra. Pogi nga siya , at ang lakas ng dating niya.
"Leigh Kazuki!" Sigaw pa muli ng Emcee. "Ayan naman si Leigh! Ang pinaka mabait sa grupo nila! Isa siyang singer tapos guitarist!" Sambit ni Zandra. Hmmm! Kung titingnan napakainosente ng mukha niya. Tapos mala-anghel yung kilos niya. Pero naku pare-parehas lang naman siguro sila! Sino ba naman ang hindi mahahawa sa ugali ng Blaze na yun! Eh tapos palagi pa nilang kasama. Tsk tsk tsk.
"At ang pangatlo! Vladymyr Blanche!" Sigaw na naman ng Emcee. Nagsigawan na naman ang mga tao.
"Ayan! Ayan yung palaging busy sakanilang lahat! Tapos alam mo ba , model yan! palagi siyang may Photoshoot kung saan-saang lugar! Palagi na ngang nasa magazine yung mukha niya eh!" Sambit ni Zandra. Hmmm halata nga , dun palang sa katawan niya halatang model na. Pawisan siya ah? Ano kayang ginawa nito? Hehe joks lang. Familiar siya sakin , Parang nakasama ko na siya dati.
"At ang pang-apat! Stanley Miachu!" Sigaw pa ulit ng Emcee. Juzko dzai! Hindi ba nasakit lalamunan nito?
"Ayan naman Si Stanley , palagi nalang yan nasa Library! Hilig niya kasi ang magbasa ng libro! kung titingnan mo akala mo tahimik , pero hindi ! Kasi siya yung pinakamaingay sakanilang lahat! Kapag dadaan nga yan sa Room natin jusko nasigaw-sigaw pa!Pero dahil malakas siya sa mga teacher , hindi nalang siya pinapansin. Mapang-asar din siya. Tsk tsk tsk" Umiiling-iling pa na sabi ni Zandra. Mukha nga siyang tahimik , Kung titingnan mo hindi mo mahahalata na madaldal siya.
"And Last ! Eto na ang pinakahihintay ng lahat. Let's give around of applause , Blaze Asher De Villa!" Sigaw ng Emcee. Napairap nalang ako. Napakayabang niya. Akala mo naman napakagwapo! Eh mas gwapo pa nga yung Vladymyr.
"At ayan!!!! , ayan ang Crush ng karamihan. Nako , ang daming babaeng nagkakandarapa dyan! Ayan ang pinakamacho At pinakagwapo sa grupo. Matapang kaso duwag kapag dating sa aswang , multo, ipis , daga at marami pang iba. Mabait naman yan noon, kaso nagbago ng lokohin siya ng First Love niya. Magmula noon naging gago na siya , napakainitin na ng ulo tapos napakabully na. Pero kahit ganon madami parin humahanga sakanya dahil umaasa ang lahat na magbabago pa siya. Kung ikukwento ko ang mga katangian niya baka abutin tayo ng dekada , kasi alam mo? Halos lahat nasa kanya na. Kaso nga lang , biglang nagbago." Mahabang paliwanag niya. Eh kaya naman pala ganun yung ugali niya. Nakita kong tumingin si Blaze sa akin ng masama.
"Hindi pa tayo tapos." Saad niya habang naka mic. Umirap lamang ako.
"By the way! Thank you sa mga sumusuporta samin at sakin! Uhmmm! Thank you din kay Sir Carlo Acosta , na mayroong ambag sa aming eskwelahan. Thank you Sir for trusting us!" Nakangiting sabi ni Blaze. What the hell? Anong ginagawa niya dito?
Binigay ng Emcee ang isa pang Mic kay dad. "Thank you all! Thank you for trusting me too! I know your dad is busy so i volunteer to help your University. I want you to meet my Daughter! Veronica Acosta. Please come here." My DAD said. My heart beats so fast. Kinakabahan ako.
"But Sir , Wala pong Veronica na pumasok kanina dito sa University , nasa akin po ang list ng mga transferee na pumasok." Saad ni Blaze. Mas dumoble ang kaba ko.
"I know you're here , i will talk to you later." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Kilalang-kilala niya talaga ako.
Bigla din napatingin sa akin si Blaze. "Isa lang ang umattend kanina Sir. Si Grace Gonzalez lang po." Nakangising sabi ni Blaze. Wtf! Kailangan pa bang sabihin yun?!
"Where is she?"
Tinuro niya ako. "She. She is Grace , the one and only girl who kick my balls." Nakangising saad niya.
Paktay na ako nito! Lagot ka sakin Blaze Asher Devil ka!
"END OF CHAPTER 1"
~Binibining_Eca
05/09,
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Roman pour Adolescents𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...