CHAPTER 22- ANG NAKARAAN

402 47 7
                                    

VERONICA'S PoV

Nandito parin sina Laurent. Magpapaalam na sana ako sakanila na umuwi kaso naunahan nila ako. Sobrang dami ko pa namang liligpitin sa Condo ni Blaze!!!

"Bakit naman uuwi pa kayo? Dapat nga kayo ang mag-alaga diyan , kaibigan niyo siya diba?" Naiinis na sabi ko. Ayoko kasi talaga siya makasama , lalo na sa inasal niya , nakakailang. Ewan ko ba kung maniniwala ako sa sinabi nila kanina , o hindi. Pero napaka-imposible naman kasi talaga.

"Sorry , gusto man kita samahan dito pero kailangan na ako sa bahay may bisita daw
kasi kami from states." Saad ni Vladymyr.


"Sorry grace , gusto man kitang makadaldalan pa kaso kailangan ko na talagang umuwi , sobrang dami kong gagawing projects at assignments." Saad ni Leigh.

"Ako ayos lang na dito ako..." Hindi naituloy ni Stanley ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Nako wag nalang , baka daldalin mo lang ako magdamag." Natatawang sabi ko. Nagsitawanan kaming lahat maliban kay Blaze na mahimbing na natutulog.

"Pasensya na tol , kahit gaano ka pa kaganda hindi talaga kita masasamahan dahil galit na galit na yung mommy ko. Anong oras na daw wala pa ako sa bahay , baka daw makabuntis na ako." Sambit naman ni Laurent. "Ayos lang Tol. Naiintindihan kita." Saad ko at tinapik siya sa balikat.

Kumunot ang noo nina Vladymyr at Leigh."Kami? Hindi mo ba kami naiintindihan?" Nakakunot nang tanong ng dalawa. Tumawa kami ni Laurent.

"Ano ba kayo syempre naiintindihan ko kayo."

"Eh bat siya lang yung sinagot mo?" Sabay na sabi ng dalawa. "Kasi tinatamad pa ako magsalita kanina , pero promise ayos lang sakin , naiintindihan ko kayong tatlo." Nakangiting kong sabi.

"Ayaw mo ba talaga akong kasama?" Tanong ni Stanley sakin.

"Hindi naman sa ayaw ni Grace, pero baka kasi magdamag mo siyang daldalin. Alam naman ng buong mundo kung gaano ka kadaldal." Natatawang sabi Laurent. Nagtawanan kaming lima.

"Oh siya sige na , makakaalis na kayo. Gabing-gabi na rin atsaka paniguradong masesermonan kayo ng mga inahin niyo kapag hindi pa kayo umuwi agad." Natatawang sabi ko.

Sunod-sunod nilang hinawakan ang ulo ko. Maliban kay Leigh at Vladymyr na inakbayan ako.

"Sige na , ingat kayo ha?" Saad ko kina Vladymyr at Leigh. Nauna na kasi yung dalawa kaya hindi ko na nasabihan.

"Thank You , basta kung kailangan mo ng tulong just call me huh?" Saad ni Vladymyr. Tumango ako.

"Sakin din." Saad ni Leigh.

"Baka hindi ako makapasok bukas , wala kasing mag-aalaga kay Blaze bukas kawawa naman kung mag-isa lang siya." Sambit ko.

Humakbang na sila palabas."See you Tomorrow!" Sambit ni Vladymyr.

"Bye grasya!" Sigaw ni Leigh. Wow , may tawag na siya sakin huh?

"Bye!!" Sigaw ko. Tuluyan na silang umalis , pagharap ko kay Blaze ay nakita kong gising na siya.

"Gutom kana ba? May binili akong ulam at kanin dito." Saad ko. Kumunot ang noo niya."Sa tingin mo? Gutom na kaya ako?" Masungit niyang sabi.

"Siguro?"

"Gutom na ako." Naiinis niyang sabi.

"Okay fine , wait lang." Nakangiti kong sabi at agad na nilagyan siya ng kanin at ulam sa plato.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi ng kama niya.

"Nganga." Seryoso kong sabi. Tumaas ang isa niyang kilay.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon