VERONICA'S POV
Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok na kami ni Blaze. Sinilip ko siya sa kwarto niya at kita kong tulog na tulog pa siya. Anong oras na kasi kami natulog kagabi.
Naalala ko tuloy yung mga pinaggagagawa namin kagabi.
*FLASHBACK*
"Tara na kasi!" Pangungulit niya pa. Kanina pa niya kasi ako kinukulit na mag video at picture daw kami. Kunwari daw vlogger kaming dalawa.
"Kulit mo talaga." Walang gana kong sabi.
"Sige na kasi, saglit lang naman kasi." Sambit niya. Para siyang bata. Natawa nalang ako sa inasal niya , ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakatawa yung mga trip niya sa buhay.
"Sige na nga , basta saglit lang ha? Maaga pa tayo bukas."
"Ow yes!"
Nagpicture muna kami bago nagvideo. Sobrang saya niya pala kasama. Para siyang bulate na inasinan.
Iuupload niya sana yun sa Instagram nang pigilan ko siya. Ayaw kong husgahan siya ng maraming tao dahil sakin , atsaka ayoko magkaroon kami ng issue baka sabihin ng iba pineperahan ko si Blaze.
Nagvideo siya ng video , habang nagluluto at habang nakain. Hanggang sa pagtulog nagvideo pa. Tawang-tawa ako nang makita ko siyang bumagsak sa kama , ang hyper kasi kaya ayan bagsak.
Napailing nalang ako sa mga kinikilos niya. Nag-iiba na yung ugali niya.
*END OF FLASHBACK*
Nagluto ako ng umagahan para sa aming dalawa. Ginising ko siya pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng mukha , mas magandang ako ang maunang magising. Alam niyo na! Yung sikreto ko , yung itsura ko! hindi naman talaga 'to ang tunay na mukha ko diba?!
Nagalit siya sakin dahil tanghali ko na daw siya ginising , pero agad namang nawala yung galit niya nung nakita niyang pinaghanda ko siya.
Naligo at nag-ayos nadin siya. Uuna na sana ako sakanya nang pigilan niya ako , sabay na daw kami para hindi sayang ang pamasahe. Hindi niya alam wala naman akong pera pamasahe , maglalakad na sana ako eh! Buti nalang pinigilan niya ako umalis. Hehe.
"Arat na?" Tanong niya.
"Arat na!"
"Teka." Saad niya.
"Bakit?"
"Okay kana ba? Baka hindi mo pa kayang pumasok?"
"Gaga neto , syempre okay na ako." Natatawang sabi ko. Sabay kaming tumawa at lumabas ng condo.
Sana ganito nalang kami palagi , walang away , walang laitan , puro kasiyahan at biroan lang.
Nang makasakay kami sa kotse niya ay tinanong ko siya. "Pwede bang huminto tayo dyan sa Coffee Shop na yan?"
"Sige." Pagsang-ayon niya.
Agad akong bumaba , nilapitan ko si manong guard. Hindi ko na siya sinama dahil saglit lang naman ako.
"Manong guard? Nasan po si Ma'am Heart?" Tanong ko sa Guard.
"Nandun sa mini office niya."
"Sige po salamat."
Pumasok ako sa loob at hinanap ang mini office ni Heart. (Bestfriend ko sa tunay na buhay , sa totoo kong mukha).
Naisipan kong dito magtrabaho dahil alam kong madaling tumanggap si Heart , lalo na kapag alam niya o nakikita niya na nahihirapan na ang isang tao.
Kumatok ako sa pinto ng office niya. "Pasok." Sigaw niya.
"H-hello po , pwede po bang mag-apply?" Tanong ko.
"Maupo ka muna , ano bang pangalan mo? Anong sitwasyon ng buhay mo ngayon?."
"A-ako po si v-ver....grace gonzalez."
"Sitwasyon ng buhay ngayon?" Tanong niya habang pumipirma ng mga papeles. Lagi naman kasi siyang may pinipirmahan , wala na yatang katapusan.
"M-mahirap po at wala na po akong makain , wala na po kasi akong p-pera." Saad ko , napatingin siya sa akin. Naaawa siya , ramdam ko.
"Pwede ka nang magsimula bukas." Nakangiting sabi niya.
"Ahmm , ma'am? Pwede po bang sa hapon po ako magtrabaho hanggang gabi? May pasok po kasi ako sa umaga. Pero tuwing sabado at linggo po , buong araw po ako magtatrabaho."
"Walang problema , basta't pumasok ka araw-araw." Sambit niya. Hindi talaga ako nagkamali ng kinaibigan , sobrang bait niya talaga. Miss na miss ko na siya:<
Sana pwede kong sabihin sakanya na ako 'to si VERONICA , yung besfie niya kaso hindi e.
Ayokong sabihin sakanya , dahil alam kong maaawa siya sa akin. Pag nalaman niyang ako 'to baka bigyan niya pa ako ng malaking pera , edi parang umasa nalang din ako sa pera niya? Edi mas lalo lang magagalit sakin si Dad. Alam ko din na magagalit siya kapag nalaman niya yung ginawa sakin ni dad , ayokong magalit o kamuhian niya si dad. Kahit na galit sakin si Dad , ayokong masira ang image niya sa iba. Kahit naman ganon siya e mahal ko parin siya.
"S-salamat po. Aalis na po ako , may pasok pa po kasi ako." Saad ko at tumayo na.
"Saglit."
Tumayo siya at lumapit sakin. Inabot niya sa akin ang 3 thousand. "Oh eto ang pera , ramdam ko kasing wala kang pera. Kumain ka ng madami ha? Bigay ko na yan sa'yo." Sambit niya at tinapik ang balikat ko. Hindi na ako tumanggi pa , sa ganitong sitwasyon tatanggi pa ba ako?
"M-maraming salamat po." Naluluhang sabi ko.
"Walang anuman. Alam mo ba? Sa twing naririnig ko boses mo? Naaalala ko yung bestfriend kong si Vero! Miss na miss ko na siya , tagal ko na siyang hindi nakikita." Malungkot niyang sabi.
Miss na miss na din kita hearty!!! "Ay ma'am , busy lang po siguro yun. Sa tingin ko ay miss kana rin niya. Magkikita din po kayo." Nakangiti kong sabi.
"Sana nga! Oh siya sige , pumasok kana baka malate kapa!" Nakangiting sabi niya at kumaway-kaway pa.
Nakangiti akong lumabas ng mini office niya. May pambili na ako ng ice cream mamaya! Pero kailangan ko parin magtipid , para makaipon ako ng malaking pera.
Nang makarating ako sa kotse ay kunot noo niya akong tiningnan. "Oh? Bat parang ang saya mo?" Tanong niya. Ay iba din 'tong lalaking 'to! Bakit? Masama bang maging masaya?
"Masama bang sumaya?" Sarkastiko kong sabi.
"Sino bang kinausap mo don?"
"Wala kana dun." Nakangiting sabi ko.
"Tss."
"Libre kita mamaya ng Ice Cream." Saad ko.
"Sus? Weh?"
"Oo nga , oh sige wag nalang. Si vladymyr , stanley , at laurent nalang ililibre ko." Nakangising sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Wag na sila. Ako nalang. Bahala ka mababawasan pa yang pera mo."
"Edi dapat pala hindi nalang kita ilibre? Kasi mababawasan yung pera ko eh?" Natatawang saad ko. Napakamot siya sa ulo.
"Heh! Bahala ka kung ayaw mo." Nagtatampong sabi niya. Aba marunong din pala 'tong mag-inarte.
" 'To naman hindi mabiro!" Natatawang sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
"Ililibre kita mamaya , kahit dalawang ice cream pa." Natatawang sabi ko.
"Ok." Saad niya at umiwas ng tingin sa akin.
Nakita ko ang patago niyang ngiti. Napailing nalang ako.
Sus , nag-inarte pa si anghel de satanas.
"END OF CHAPTER 26"
-Binibining_Eca
09/15/21

BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Novela Juvenil𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...