VERONICA'S POV
Nandito kami ngayon sa Ice Cream Store.
"Anong Flavor ang gusto mo?" Tanong ni Vladymyr.
"Hmmm , Chocolate Fudge with Kisses." Saad ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Laurent.
"Hoy! Ako ? Hindi mo man lang tatanungin?" Masungit na tanong ni Laurent kay Vladymyr.
"Tatanongin pa kita? Eh alam ko na naman yung favorite flavor mo. Chocolate Rocky Road with toblerone diba?"
"Tama! Oh sige na bumili kana don!"
Umorder na si Vladymyr , samantalang kami naman ni Laurent ay nakaupo. Magkarap kami.
"Oh my God look at her skin , nakakadiri!" Saad ng isang babae. Nasa kabilang table lang siya kasama ang mga kaibigan niya.
"Yucks oo nga , ang itim niya! Tapos parang sobrang gaspang ng skin niya! Ews!" Saad pa ng isa.
Tumayo ang isa sa kanila at lumapit sa amin. "Oh my God? Laurent Finley is that you? Are you dating this ugly nerd girl? Ang baba naman pala ng Taste mo." Natatawang sabi ng babaeng 'to.
"She is my Bestfriend. We are not Dating." madiing sabi ni Laurent. Alam kong naiinis na siya.
Kinuha ng Babae ang isang baso ng Tubig at binuhos ito sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Ang make up ko!!!
"Hala bakit ganun yung Face niya , parang natutunaw? Mangkukulam ba siya?" Gulat na sabi ng isa. Nakita ko ang gulat na mukha ni Laurent. I think this is the time para malaman niya ang katotohanan sa likod ng Mukha ko.
"You! And you! Pasalamat kayo dahil hindi ako napatol sa babae. Dahil kung hindi , basag na sana yang mga mukha niyo. YOU DON'T KNOW THE REAL ME , SO DON'T JUDGE ME." Gigil kong sabi. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga babaeng 'to. Pasalamat talaga sila may Awa pa ako.
Kita ko ang takot sa mukha niya. "MATAKOT KANA , ISANG PALAKPAK KO LANG MAPAPAHAMAK KA. IT'S ME QUEEN VERONICA." Bulong ko sa tenga niya. Kita ko ang nanginginig niyang tuhod.
"L-lets go girls." Saad niya sa mga kaibigan niya at agad silang umalis.
"Woah! Astig!." Saad ni Laurent. Nasa Counter parin si Vladymyr. Hinila ko si Laurent papunta sa C.r ng Ice Cream Store na ito.
"H-hoy teka?! Anong gagawin natin dito sa Cr?" Gulat na tanong niya.
"Alam kong mapagkakatiwalaan ka." Seryoso kong sabi.
Hinubad ko ang Damit ko , para makita niya ang tattoo ko sa Likod. Nakasuot naman ako ng Bralette kaya hindi masyadong Revealing.
"A-anong ginagawa mo?"
"Look at this." Seryoso kong sabi. Pero nagtakip siya ng Mata.
"Ayokong magkasala! Nagbabagong buhay na nga ako eh." Parang batang sabi niya.
"Ano ka ba! tingnan mo kasi 'tong nasa likod ko." Inis kong sabi. Dahan-dahan niya binuksan ang mata niya.
"V. Acosta?" Nagtatakang tanong niya.
"Hindi ka pa rin naniniwala?"Nakangisi kong tanong.
Naghilamos ako, Hinugasan ko ang buong kamay at legs ko , tinanggal ko ang Contact lense ko , at sinuklay ko ang buhok ko.
"THIS IS THE REAL ME. I'M VERONICA ACOSTA. NICE TO MEET YOU MR. FINLEY." Nakangisi kong sabi.Nanlaki ang mata niya. Alam kong magugulat siya. Hindi siguro siya makapaniwala.
"Wow! Wow! Wow! Is that you Grace Gonzalez? I-i mean Veronica? So , si Grace at Veronica ay iisa? Grabe! Dapat pala ikaw ang nanlilibre samin! Eh ikaw ang pinakamayaman sa buong Pilipinas hindi ba?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Shh!! Quiet! Baka may makarinig sa'yo." Seryoso kong sabi.
"Grabe napakaganda mo pala , tapos ang puti at kinis mo pa. Eh mas makinis pa yang balat mo samin eh.Saka yung mata mo Kulay Blue , may lahi ka ba? tapos napakalambot naman pala ng buhok mo. Tapos wala ka naman palang tigyawat , Sobrang kinis naman pala ng mukha mo! Para kang Americana!" Manghang sabi niya. Tumawa ako.
"I Know! I know! You don't have to say that." Natatawang sabi ko.
"Aba! Napakagaling mo pala sa English!"
"Hindi naman masyado! Slight lang." Natatawang sabi ko.
"B-bakit mo nga pala ginagawa yan?"
"Ang alin?"
"Yung pagpapanggap mo? Hindi ka ba proud na maging Acosta?"
"Proud ako syempre! Ito lang kasi yung naisip kong paraan para makalimutan ko yung nakaraan ko , alam mo kasi sa twing nakikita ko yung tunay na ako sa harap ng salamin bumabalik lahat ng Masasakit na Naranasan ko noon. Hindi madali para sa akin ang maging Sikat , ang maging Model , ang maging pinakamayaman sa buong pilipinas. Palagi nalang akong nakakulong sa bahay , kasi bawal ako lumabas dahil nga pagkakaguluhan ako. Alam mo yun? Hindi ko magawa lahat ng gusto ko , hindi ko maenjoy yung buhay ko. Oo mayaman kami pero palagi naman busy yung parents ko , tapos hindi ko pa magawa yung mga gusto ko dahil nga sa mga tao. Saka hanggang ngayon masakit parin sakin lahat ng nangyari sa akin noon , hindi naman kasi madaling makalimutan yon. Ginagawa ko 'to kasi para magawa ko lahat ng gusto ko , atsaka para maging tahimik ang buhay ko , pero sa paraan kong 'to mas lalo pa palang magiging magulo ang buhay ko dahil dun sa Blaze na yun! Ginawa ba naman akong katulong? Tapos hinuhusgahan pa ako ng ibang tao. Pero nagpapasalamat parin ako sakanila dahil mas pinapalakas nila ako at dahil sakanila nakakalimutan ko minsan ang nakaraan ko , sa mga pang-iinis at panghuhusga nila nakakalimutan ko yung noon at nakakapagfocus ako sa buhay ko ngayon." Mahaba kong sabi.
"Wow! Sabagay may point ka. Pero ano ba yung nakaraan mo?" Tanong niya. Naramdaman kong magbubukas ang pinto kaya pumasok kami sa isang Cubicle.
"Shhh." Bulong ko.
Nang maramdaman kong nakalabas na ang babae ay nakahinga kami ng maluwag.
"May tiwala ako sa'yo kaya inaasahan kong hindi mo 'to ipagsasabi sa iba." Seryoso kong sabi.
"Oo naman , makakaasa ka!"
"Sige na , lumabas kana bago pa may makakita sa'yo dito. Aayusin ko lang ang sarili ko." Sambit ko , agad naman siyang lumabas.
Binalik ko sa dati ang itsura ko at pinaitim kong muli ang kulay ng balat ko. Saka lumabas ng C.r na parang walang nangyari.
"END OF CHAPTER 8"
~Binibining Eca
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!!
AUTHOR'S NOTE:
FIRST REVELATION! PALANG YAN! MAY MGA SUSUNOD PA KAYONG MALALAMAN TUNGKOL SA PAST NI VERONICA AT NI BLAZE. MALALAMAN NIYO KUNG SINO PA ANG NASA LIKOD NG ISANG GRACE GONZALEZ/ VERONICA ACOSTA! KAYA ABANG-ABANG READERS!!!
05/27
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Teen Fiction𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...