VERONICA'S POV
Natatakot ako para sakanya. Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin sakanya. Hate ko siya pero naaawa ako sa kalagayan niya. Sana lang talaga maging maayos na siya.
Kasalukuyang bumibili ang tatlo ng makakain namin. Kami naman ni Laurent ay nandito na sa Room ni Blaze , wala parin siyang malay.
"Laurent?"
"Hmmm?"
"Can i ask?"
"Sure."
"Paano nakaaway ni Blaze ang Devil Gang at Dark Cole Gang?" tanong ko. Napatingin sakin si Laurent.
"Ayos lang kahit hindi mo sabi..."
"No. Hmmm. Ganto kasi yun , Matalik na magkaibigan sina Devi at Blaze. Si Devi ay yung Leader ng Devil Gang. Mula pagkabata palang ay magkaibigan na sila.Noong panahong may nananakit kay Blaze , si Devi palagi yung nandyan para sakanya , kumbaga palaging pinagtatanggol ni Devi si Blaze. Pero simula noong nag high school sila , doon na nagkaroon ng matinding pagkainggit si Devi kay Blaze. Marami kasing nagkakagusto kay Blaze , bukod doon isa siyang matalino at talented na estudyante kaya palagi siyang napupuri ng mga teacher. Lahat ng nagugustuhan ni Devi ay hindi siya nagugustuhan dahil nga kay Blaze nagkagugusto. Mas lalo pang tumindi ang galit ni Devi kay Blaze noong naging sila ni Coleen. Hindi kasi namin alam na nililigawan niya pala yun. Nung time na yun may gusto din si Coleen kay Devi , para bang pinagsabay ni Coleen si Devi at Blaze. Pero , si Blaze parin ang sinisisi ni Devi sa mga nangyaring yun. Nagkaroon din ng kabit ang tatay ni Blaze at yun yung nanay ni Devi , at dahil dun nagkahiwalay ang mga magulang ni Devi. " Mahabang kwento ni Laurent. Grabe , sobrang dami palang nangyari sa pagitan nila , kaya naman pala sobra na rin ang galit ni Devi kay Blaze.
"Napakasama naman pala talaga ng Coleen na yun. Lalo na yung mga alipores niya." Inis na sabi ko.
"Pero ayos na yung mga magulang ni Blaze?"
"Oo , matagal na."
"Bakit naman nakaaway ni Blaze ang Dark Cole Gang?" tanong ko.
"Dahil noong nalaman ni Blaze na niloloko lang siya ni coleen, nakipaghiwalay siya. At syempre umiyak ng umiyak si Coleen nun dahilan para magalit sakanya yung buong Dark Cole Gang , magmula noon ay nagalit narin sakanya ang DCG. At magkagalit parin sina Coleen at Devi hanggang ngayon , kaya hindi rin magkasundo ang mga grupo nila." Umiiling iling na sabi niya. Lalong nangunot ang noo ko.
"Bakit ganun? Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng nangyari pero sinisisi siya ng lahat. Saka bakit sila magkagalit?."
"Dahil pinili ni Coleen si Blaze , at dahil dun nagalit din si Devi kay Coleen lalo na kay Blaze.By the way , hindi ko pa pala nasasabi sa'yo." Saad niya , napaisip ako. Mas mabuti na yung hindi magkaayos sina Coleen at Devi.
"Na?"
"Na marami ang member sa grupo ni Coleen , hindi lang mga babae kundi may mga lalaki rin. Dark Cole Gang ang tawag sa mga babaeng miyembro sa grupo niya at Dark Cole Gang Boyz naman ang mga lalaking miyembro ng grupo niya. Napakalupit diba?" Natatawang sabi ni Laurent.
"Malupit na yon? Tss. Hintayin lang nila."
"Ang ano?"
"Wala."
"Hmmm. Dyan ka muna , iihi lang ako saglit." Paalam niya. Tumango naman ako.
May nararamdaman akong matinding gulo. Feeling ko magsasama ang Dark Cole Gang at Devil Gang , at yun dapat ang hindi mangyari. Dahil alam kong mahihirapan kaming kalabanin sila kapag nagkasama ang dalawang grupong yun. Pero hindi ako papayag na masaktan nila ang isa sa mga kaibigan ko , at lalo na si Blaze.
Oh wag kayong ano , wag niyong bigyan ng malisya yon! Kaya ko lang naman siya poprotektahan ay dahil sa kondisyon niya. Yun lang , PERIOD!.
"Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi magkaayos sina Coleen at Devi." Bulong ko. Nagulat ako ng makita kong nakamulat si Blaze. Sh8t! Hindi kaya narinig niya yung sinabi ko?
"What are you whispering?" Nakakunot noong tanong niya.
"Nothing. D-don't mind it." Utal kong sagot sakanya. Sana naman hindi niya narinig , siguradong magtataka siya kapag nalaman niyang kilala ko si Coleen at Devi.
"By the way , a-ayos kana ba?." Pag-iiba ko ng usapan , ito lang ang tanging paraan para hindi niya na ako matanong dun sa binubulong-bulong ko kanina. Kahit nakakahiya talaga.
"Tss. Kala mo naman may paki sakin , wag ka ngang pakitang tao dyan." Masungit niyang sabi. Kumunot ang noo ko.
"May paki naman talaga ako sa'yo." Sigaw ko. Nanliit ang mga mata niya.
Bumangon siya at umupo."Talaga?" Tanong niya at agad hinila ang kwelyo ng polo ko papalapit sakanya.
"H-huh?"
"May paki ka sakin?" Nakangising tanong niya.
"S-sinabi ko ba yun?"
"Kasasabi mo lang." Maangas niyang sabi at lalo pang hinila ang kwelyo ng polo ko dahilan para mapasubsob ako sa leeg niya.
Damn! Buti nalang sa leeg at hindi sa mukha niya!!!!
Sakto namang pagdating ng Apat.
Oh No!!!
Kung ano-ano na naman ang iisipin nila!
Bakit ko ba kasi sinabi yun!!!!!!
"WaaaaaaAaahh! AyoooooOookoo NaaaaaAaaa!!!" Sigaw ko at tumakbo palabas ng Kwarto.
Mas lalo akong nahiya nung marinig ko ang malalakas nilang tawanan.
Paniguradong pinag-uusapan na nila ako. Si Blaze naman kasi eh!!!
"END OF CHAPTER 19"
-Binibining Eca
07/19
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Novela Juvenil𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...