CHAPTER 17 - Late

305 34 0
                                    

Veronica's PoV



"Hayyy ang sarap ng tulog ko ah!!!" Saad ko sa aking sarili.

"Ako din." Saad ni Blaze??!!!

Bat siya nandito???

"A-anong ginagawa mo dito? At bakit ka nakatabi at nakayakap sakin?" Sigaw ko at agad-agarang tumayo.

"Tss. Ang kapal din ng mukha mo eh noh? Kwarto ko 'to kaya may karapatan ako dito." Masungit niyang sabi.

"T-teka!" Sabay naming saad habang nanlalaki ang mga mata naming dalawa.

"Yung kagabi!!!!!" Sigaw namin.

"Waaaaaah!." Sigaw ko.

"Ano ba nakakabingi ka!." Sigaw niya.

"B-bakit mo ba kasi ako niyakap!." Naiinis kong sabi. Nakakainis talaga siya kahit kailan!!

Pero kagabi parang masaya pa akong niyayakap niya ako?

Waaah hindeee! Hindi ako masaya nun! Actually sobra akong naiinis. Wala lang akong magawa.

"Niyakap?." Gulat na tanong ng Tatlong pugo.

"A-anong ginagawa niyo dito , Vladymyr , Laurent , Stanley?!." Gulat na tanong ni Blaze , Kinakabahan ako nandito pa naman si daldalitong stanley!

"Bro? Dapat nga kami ang magtanong niyan sayo." Umiiling-iling na sabi ni Laurent. Napakurap-kurap ako. Bigla namang lumapit sakin sa Vladymyr at inakbayan ako.

Bumulong sakin si Vladymyr. " Ayos ka lang ba?." Tanong niya. Nakaramdaman ako ng kaunting awkward sa sitwasyon naming dalawa.

"O-oo naman."

"B-bakit?." Tanong ni Blaze kay Laurent.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Laurent kay Blaze. Napakunot ang noo ko , anong klaseng tanong yun? Natural condo niya 'to eh.

"What? This is my Condo , kaya natural na nandito ako." Nakakunot na sagot ni Blaze. Parehas kami ng iniisip?Ay bahala siya.

"I mean , bakit ka nandito kasama si Grace?."

"Natural kwarto ko 'to. Ano ka ba , klaseng tanong yan." Sambit ni Blaze.

"Eh bakit nandito ka Grace? Anong ginawa niyong kababalaghan ha? Kwento niyo naman samin oh." Saad ni Stanley. Kahit kailan talaga si Stanley! Napatampal kami sa noo dahil sa sinabi niya.

"Wala kaming ginawang masama , ano ba kayo , wag nga kayong OA. Sa tingin mo ba papatol ako sa panget na yan?." Nagtataray na sabi pa ni Blaze. Kapal ng mukha! Makapagsabi na panget ah kala mo naman napakagwapong nilalang!

Pumalakpak ang dalawang pugo na sina Laurent at Stanley. "Ahh hindi papatol? Eh ano yung narinig naming niyakap?" Nakangising tanong ni Stanley.

Ba't ko pa kasi natanong sakanya yun!

"A-anong niyakap! D-di ah!" Tanggi niya. Wow , kagabi lang may pasabi-sabi pang 'Let me hug you tightly, I'm just missing someone who is so important to me.' Duh!! Sarap niyang batukan! Ang bilis magbago ang ihip ng hangin. Tsk.

"Kilala kita , alam na alam ko kapag nagsisinungaling ka." Biglang sabat ni Vladymyr. Nakaakbay parin siya sakin. Hehe ang bango niya naman.

"I'm not lying , i'm just saying the truth." Inis niyang sabi. Masyado siyang pahalata!!! Nakakainis , mas lalo kaming mabubuking neto eh , ang daldal pa naman ni Stanley! Baka ipagkalat niya pa kapag nalaman niya yung nangyari.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon