VERONICA'S POV
Bigla akong hinila ni Blaze. "Ikaw yung naglagay ng ipis sa Kama ko 'no?." Naiinis na tanong niya. Oo nga pala! Nilagyan ko nga pala ng ipis yung kwarto niya.
"Ha? Anong ako? Eh naghuhugas ako ng pinggan diba? Saka nagtapon pa nga ako ng basura. Pagbibintangan mo pa ako." Kunot noong sabi ko sakanya. Syempre kunyare lang na hindi ako ang naglagay , paniguradong pahihirapan na naman ako nito eh.
"What the fvck! Ikaw man o hindi , Please lang tanggalin mo yung ipis dun sa loob ng kwarto ko."
"What if...AYOKO?." Nakangising sabi ko. Manigas ka ngayon. Akala mo hindi ako gaganti sa mga ginawa mo sakin ah. Umpisa palang yan.
"What?! Anong ayaw mo? Ako ang amo mo kaya dapat susundin mo ang Utos ko." Nanggigil niyang saad , gigil yarn?
"Pagod na ako , ang dami ko kayang ginawa ngayong araw." Saad ko , tatakbo sana ako papasok sa loob ng kwarto ko nang bigla niya akong pinigilan. Sinandal at kinorner niya ako sa pader. Alangan namang sa sahig diba? Iba na yon.
"L-let me go Blaze." Utal kong sabi. Sino ba namang hindi mauutal sa ganitong sitwasyon , ang lapit-lapit ng katawan niya sa katawan ko , lalo na yung mukha niya.
"What if....AYOKO?."
Sinusubukan talaga ako ng loko-lokong 'to."Ah ganon? Ayaw mo?."
Mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa mukha ko."Tanggalin mo muna yung ipis sa Kwarto ko." Madiin niyang sabi. Eh eyeke nge eh mey megegewe be siye den?
Konti galaw ko lang mahahalikan ko siya kaya dapat mag-ingat ako.
"AYOKO NGA."
"Tanggalin mo----" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng Sipain ko ang Kwek kweks niya. BWHAHAHA!
Agad akong tumakbo papasok ng kwarto ko. Manigas ka dyan , wala na siyang tatakbuhan dahil yung mga ipis na yun kinuha ko lang din sa isang kwarto. May nilagay din akong dalawa sa Sala. Haysss! Ikaw naman ang magdusa ngayon.
"WAAAAAAH!" Sigaw niya.
"Heyyy! Buksan mo 'to." Sigaw niya habang hinahampas-hampas ang pinto ng kwarto ko.
"AYOKOOOO! Tutulog na ako , bahala ka dyan." Sigaw ko.
Bahala na siya dun. Basta ako magpapahinga na ako dahil sobrang pagod na pagod na ako.
________________________
Hayy! Ang sarap-sarap ng tulog ko. Si Blaze kaya? Nakatulog kaya yun? BWAHAHAHA.
Teka bat di ako makagalaw? Kaninong kamay 'tong nakayakap sakin? Kamay?!!!
"WAAAAAAH! MAY MULTOOO!!!" Sigaw ko at tumayo. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko at mata ko.
"Anong multo? Sa gwapo kong 'to? Pagkakamalan mo ako Multo? Tss." Saad ni BLAZEEE?!!! Bat siya nandito.
"Anong ginagawa mo dito! Bakit ka nakapasok dito?" Sigaw na tanong ko.
"Mag-isip ka nga , syempre saking Condo 'to eh kaya may duplicate key ako sa bawat Kwarto."
"Kahit na! Babae ako kaya dapat alam mo ang salitang DISTANSYA." Inis kong sabi.
"Ano ba ! kunwari ka pa eh kagabi nga may payakap-yakap ka pang nalalaman." Natatawang sabi niya. Binato ko siya ng unan. "Hindi yan totoo ! Ikaw? Yayakapin ko? Iwww! Nakakapandiri!." Inis kong sabi. Nakakainis talaga siya! Agang-aga siya ang bubungad sakin!
"Gusto mo ng patunay?" Nakangising tanong niya. "Wag mo sabihing?..."Bigla niyang pinakita sakin ang picture na niyayakap ko siya. Agad na nag-init ang ulo ko ng malamang nakawallpaper pa ito sakanya. Nang-iinis talaga siya.
Hinampas-hampas ko siya."Napakawalangya mo!!!" Inis kong sigaw. Bigla kong naalala yung cellphone kong nasa kwarto niya! Tumakbo agad ako papunta sa kwarto niya at kinuha ito.
"Sana na-save." Bulong ko. Hinanap ko ito sa Videos , at Na-save ngaaa!!!
"YES!" Nakangisi kong sabi.
"May pa-yes ka pa dyan , maglinis kana. Make sure matatanggal mo yung mga ipis dyan ha?." Masungit niyang sabi at dumiretso sa Sofa.
Ang aga-aga utos ng utos!
"Oh bat ka naupo? Hindi pa tayo tapos." Saad ko. Ipinanood ko sakanya ang Video.
"What the Fvck! Idelete mo yan!"
"AYOKO." Saad ko. Ngumisi ako at dinilaan siya.
"Sinusubukan mo talaga ako." Nakangising sabi niya. Pumasok siya sa kwarto niya at lumabas na may dalang camera.
"Panoorin mo 'to."
Pinanood ko ang Video. Ito yung nadulas ako kahapon sa Harina ah! Nakavideo pala yun!
"Nakakainis ka talaga." Sigaw ko. Naiinis na ako!!!!!
Hinabol ko siya. Ang loko tawang-tawa pa , habang ako bwis*t na bwis*t.
Hindi ko siya mahabol! Ang bilis niya!! "Lagot talaga sakin yang kwek-kwek mo pag naabutan kita!!" Sigaw ko.
Kagabi pa ako inis na inis sakanya! Pinagod niya ako ng sobra , Pinagtripan at pinagsalitaan pa ng masama. Tumabi pa siya sakin kagabi at nagpicture pa! Kapag nakita yun ng iba , ano nalang sasabihin sakin ng iba? Ni dad? Ni mom? Baka sabihin nila puro kalandian ako.
Akala ko talaga magiging tahimik na ang buhay ko kapag naging ganito yung itsura ko pero mas lalo lang naging magulo ng makilala ko ang lalaking 'to at mas lalo pang magiging magulo kapag nanatili pa ako sakanya , kaya kapag nakuha ko na ang sweldo ko sakanya , aalis talaga agad ako dito dahil hindi ko na kaya ang pag-uugali niya.
Sa sobrang dami kong problema dumagdag pa siya! Una , hindi parin ako masyadong makarecover sa nakaraan ko dahil palagi parin pumapasok sa isip ko. Pangalawa , muli ko na namang nakabangga ang Dark Cole Gang. Pangatlo , Nagbalik na si Celso. Pang-apat , kasama ko pa 'tong lokong 'to!.
Patuloy lang ako sa paghabol sakanya. Muntik ko na siyang maabutan!!!
Bigla nalang siyang natumba. Nanlaki ang mata ko , kaya't agad akong lumapit sa kanya.
"Are You Okay?." Tanong ko. Umiling siya. Tinuro niya sa akin ang isang Drawer na nasa tabi ng pintuan ng kwarto niya.
"G-gamot." Utal niyang sabi. Agad kong kinuha ang gamot sa drawer at pinainom sakanya.
"T-thank you for Saving me." Saad niya at bigla akong niyakap.
Niligtas ko siya? May sakit siya?
Wala na akong nasabi pa. Kaya't niyakap ko nalang din siya. Bakit ganun? Nag-aalala parin ako sakanya kahit na sobrang galit ako sakanya?
Nanghihina ako sa twing nakikita ko siya nahihirapan?
Anong ibig sabihin nito?
No! Hindi ako inlove sakanya!
Naramdaman kong isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Bakit hindi ako naiinis?
Sh8t!
"END OF CHAPTER 14"
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!
-Binibining_Eca
06/07
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Roman pour Adolescents𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...