CHAPTER 29: CELSO

99 11 4
                                    

VERONICA'S POV

Laking gulat ko nang pumasok si Celso , wtf! Bat siya pa?!

"Anong nangyari sakanya?" Tanong niya.

"N-nawalan siya ng malay."

"Dalhin na natin siya sa Hospital." Suhestyon ni Celso. Hindi pa sana ako papayag , pero naisip ko yung kalagayan ni Blaze , kung hindi ako papayag baka kung ano ng mangyari sakanya.

Nang hahawakan ko na si Blaze para sana alalayan siya , pinigilan ako ni Celso. "Ako na , hindi mo kaya." Saad niya. Sasagutin ko pa sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magkasagutan lang kaming dalawa ,  mas importante sakin ang nangyayari ngayon kay Blaze , kaya hinayaan ko na siya.

Pagbaba namin agad namin siyang isinakay sa kotse ni Celso. Teka eto parin yung kotse niya???

Agad niyang pinatakbo nang mabilis ang sasakyan. Nandito ako sa backseat , ihiniga ko si blaze sa hita ko para hindi siya mahirapan. Sa sobrang bilis ng takbo ng kotse , may isang bagay na nalaglag sa front seat , sinilip ko kung ano yun.

PICTURE NAMIN???

BAKIT NASA KANYA PARIN?

NAKAKAPAGTAKA NA TALAGA

Bigla kong naalala yung mga panahon na kasama ko siya sa picture na yan...

FLASHBACK

"Mahal , paano kapag nawala ako?" Tanong niya. Napakunot ako ng noo.

"Bakit mo naman sinasabi yan mahal ko? Ano kaba hindi pa yan mangyayari , matagal pa yan mangyayari kasi diba? Tutuparin parin natin yung pangarap natin para sa isa't isa , bibili tayo ng sarili nating bahay at bubuo tayo ng pamilya."

"Mahal , hindi natin masasabi ang panahon." Seryosong sabi niya. Bakit niya ba naiisip yan?!

"Mahal wag mong pangunahan ang panahon. Ang Diyos lang ang nakakaalam kung kelan , saan , at anong oras mawawala ang isang tao." Seryoso ko din na sabi sakanya.

"Mahal what if lang naman eh." Natatawang sabi niya.

"Baliw ka talaga! Syempre di ko alam kung papaanong gagawin ko nun! Sobrang sakit nun!"  Naluluhang sabi ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Shhh , i love you so much. Hindi ako mawawala. Palagi kitang sasamahan , palagi kitang babantayan. Basta ikakasaya mo , mas magiging masaya ako para sa'yo." Nakangiting sabi niya sakin. Napansin kong tumulo ang luha niya. Pinunasan ko ito.

"I love you too! Happy 3rd Anniversary mahal! Dapat hindi ganito ang pinag-uusapan natin eh. Sulitin nalang natin yung bawat oras na magkasama tayo. Dapat palagi lang masaya!"  Masayang sabi ko.

"Hindi naman sa lahat ng oras magiging masaya tayo. Pero kahit ganon , mananatili parin ako sa'yo , gagawa parin ako ng Way para maging maayos tayo." Nakangiting saad niya at hinalikan ako sa noo.

I'm so lucky to have him talaga , wala talagang magiging problema sakanya. Kaso lang this past few weeks , nag-iiba na siya , hindi na niya ako nasasamahan palagi , hindi katulad noon na isang tawag ko lang nandyan na agad siya. Pero kahit ganoon , di ko nalang iniinda kasi ayoko naman na mag-away pa kaming dalawa.

END OF FLASHBACK

Hays , bigla ko na namang naalala lahat. Sobrang sakit parin. Hindi ko alam pero nararamdaman kong may nararamdaman parin naman ako sakanya , pero hindi na tulad ng dati. Madami ng nagbago , madami ng nangyari , at sobra na yung sakit na pinaranas niya sakin. Hindi ko alam kung kelan ko siya mapapatawad ng buong-buo , dahil sa kapabayaan niya , muntik na akong mapahamak.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon