CHAPTER 6 - Stay With Me

384 45 2
                                    

VERONICA'S POV

Hindi parin ako makamove on sa First kiss ko!!! Nakakainis lang kasi !!! Siya pa ang First kiss ko!!! Matatanggap ko pa sana kung si Vladymyr eh.

Nandito ako ngayon sa Apartment ko , at naniningil na si Aling Marites! Bayaran ko na daw ang Renta! Akala ko pa naman binayadan na ni dad! Eh hindi naman pala. Yung Sampung libo naman na binigay sakin ni dad , nanakaw kanina nung pauwi ako! Buti nalang hindi nila ako sinaktan. Pinapalayas na agad ako ni Aling Marites ngayon. Grrr nakakainis!

Naalala ko yung pag-aaway namin kanina ng Blaze na yun!!!

*FLASHBACK*

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa napanaginipan ko na naman ang mga nangyari sa akin noon , dahilan para mahalikan ko si Blaze.

"Waaaaaahh!!!"  Sabay naming sigaw.

"Oh em geeee!!! Yung first kiss ko!" Naiinis na sigaw ko. Nagulat din siya sa nangyari , kahit ako ay nagulat. Nilapitan ko siya at pinaghahampas. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya sa walis tambo.

"ARAY!!!" sigaw niya.

"Nakakainis ka , bakit ba kasi nandon ka sa tabi ng kama ko! May balak ka sakin 'no!" Sigaw ko.

"What the fvck! Ako? May balak sa'yo. Yucks , mataas ang standard ko sa babae kaya di ako magkakagusto sa'yo."

"Yucks ka jan! Eh malay mo tigang ka at hindi mo na mapigilan ang sarili mo! Oh papaano na ang kinabukasan ko!" Sigaw ko. Tumawa siya.

"Ano ba mag-isip ka nga , hindi ako yung ganyang klase ng lalaki. Oo mapanglait ako pero hindi ako Bastos kagaya ng iniisip mo." Natatawang sabi niya.

"Wow! Hindi daw bastos! Eh nung hinangin nga yung palda ko may pasabi ka pang " Hot legs " jan!." Sigaw ko pa.

"Ah basta hindi ako Fuckboy!"

"Eh may sinabi ba akong Fvckboy ka?!",

"Alam mo ang ingay mo! Magpasalamat ka nga inalagaan kita dyan eh!" Naiinis na sabi niya habang nakapamewang. Humawak rin ako sa bewang ko.

"Tsk , tsk ,tsk! Inalagaan? Hindi ako naniniwala sa'yo. Ang sama mong tao kaya hindi mo magagawa yon!."

"Tss. Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan. Basta i try my best just to make you okay."

"Eh okay naman ako eh!!!" Sigaw ko.

"Ahh kaya pala nahimatay kana lang bigla." Saad niya at lumabas sa kwarto. Agad kong binitbit ang bag ko at umalis.

*END OF FLASHBACK*

Bwis*t na Blaze yan! Malas sa buhay ko! Isa pa 'tong si aling Marites di man lang ako bigyan ng Isang linggo para mabayaran siya.

"Lumayas kana! Unang tira mo palang dito di kana agad nagbabayad paano pa kaya kapag nagtagal na!. Oh eto yung Ref mo! Kumuha ako ng isang buong manok jan! Bye!" Saad niya at nilock ang bahay.

Wala akong choice kung di ang tawagan si Laurent.

"Hello?"

"Hello laurent , pwede mo ba akong sunduin dito sa Sapusomo Street?" Nahihiyang tanong ko. Wala na kasi akong Choice kundi ang tawagan siya.

"Okay!" Saad niya at pinatay ang call.

Ilang minuto lang akong naghintay at dumating na agad siya. "Bilis ah?" Saad ko habang nakadungaw siya sa bintana ng sasakyan niya.

"Ako pa! Sakay na."

"Ahh ehh , pwede mo ba akong tulungan dito?" Tanong ko.

"Saan?"

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon