Yan's POV
Dahil sumunod yung dalawa sa rooftop ay nauwi na naman sa inuman ang sana'y kaunting tagayan lang namin ni Lhaiel. Ilang lata din ang naubos naming lima bago kumuha ng mga naka-bote.
"Napapadalas na ata ang pag-inom ko?," sambit ni Ajay na medyo nahihilo na.
"Ako din eh," sagot naman ni Rain bago sumandal sa balikat ni Ajay dahil nahihilo na din daw siya.
Napataas ako ng kilay dahil sa nakikita. Inilihis ko na lamang ang paningin sa kanila at tahimik nalang na nilagok ang lamang alak ng baso kong hawak. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Naiinis ako sa kanilang dalawa. Sobrang close nila.
"Katahimik mo naman," napalingon ako sa gawi ni Rev. Hindi ko napansin na kanina pa pala niya ako pinagmamasdan. Alam kong maski siya ay nalilito dahil sa mga inaasal ko. Iniiwasan ko kasi yung dalawa sa hindi ko malamang dahilan.
Napabuntong hininga ako bago magsalita.
"Medyo lasing na kasi ako," sambit ko bago magsaling muli ng alak sa baso. Napansin kong tumayo 'yung dalawa at nagtungo sa workplace ni Lhaiel at kumuha ng canvas. Mukhang balak nilang mag pinta.
"Alam mo,kung naiinggit ka sa kanila,tayo nalang ang mag-paint," halata sa boses ni Rev ang panunudyo. At nang lingunin ko ito ay mayroon itong kakaibang ngiti sa mga labi na parang mayroon siyang alam na hindi ko alam. Napailing ako bago siya batuhin ng chips sa mukha. Narinig ko ang kanyang pagtawa bago magsalin din ng alak sa kanyang baso.
Muli akong napabuntong hininga bago lagukin ang alak. Medyo naiinis na din ako sa sarili ko dahil sa mga nararamdaman ko nitong mga nagdaan na araw. Napakunot noo ako nang marinig muli silang nagtatawanan dahil sa mga pinipinta nila.
What the hell was happening?
~~~
Rev's POV
Napahawak ako sa sarili kong noo habang pinanunuod si Rain at Yan na kanina pa nagsasayaw habang si Ajay naman ay walang humpay sa pagtawa dahil sa dalawa. Nang mapansin ko na hindi sila humihinto sa pagtagay ay hindi na ako uminom ng marami dahil alam kong malalasing sila.
Si Lhaiel ay lasing nadin, well, alam naman ng lahat na mayroon siyang pinagdaraanang hindi maganda at kahit hindi sabihin ay ganuon din 'yung tatlo. Alam kong mayroon din silang mga problema. Kahit hindi naman nila aminin ay mapapansin naman sa mga kilos nila.
Napabuntong hininga ako bago tumayo at lapitan si Ajay. Inalalayan ko ito patayo para ihatid sa ibaba. Mayroong kwarto doon na pwede niyang tulugan. Hindi ko alam kung bakit siya nagpapakalasing ng ganito. Mayroon pa akong gustong linawin sa kanya pero hindi ko maitanong dahil lagi naming kasama ang iba. Gusto ko siyang kausapin ng sarilinan pero sa palagay ko ay hindi ngayon ang tamang panahon para doon.
"San mo dadalin si Ajay," tanong ni Rain habang gumegewang sa pagkakatayo.
"Wag mong kuhanin si Ajay," sabi naman ni Yan na sumusuray na rin dahil sa dami ng nainom.
Ano bang mga problema ng mga ito?
Hindi ko sila pinansin at nagdiretso lamang sa pag-akay kay Ajay pababa at patungo sa kwarto upang makapagpahinga na ito. Pasuray-suray naman ang dalawa habang nakasunod sa akin. Nang makarating sa kwarto ay marahan kong inihiga si Ajay sa kama at akmang lalabas na sana ng mapansin na pati si Rain at Yan ay humiga din sa tabi ni Ajay. Napakamot ako sa batok bago sila hilahin sa kanilang mga tenga patayo at palabas ng kwarto.
"Tatabi ako kay Ajay," nagmamaktol na sambit ni Rain. Agad naman siyang binatukan ni Yan matapos tanggalin ang pagkakahawak ko sa tenga niya. Pasuray-suray niyang isinara at ini-lock ang pinto ng kwartong pinagdalhan ko kay Ajay.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)