CHAPTER 15: "GOING TO MY MOM'S HOMETOWN,"

33 14 9
                                        


  Ajay's POV

~~
  
     "Sariwa parin sa ala-ala ko ang mga pangyayari noong huling pagtapak ko sa lugar na iyon," sabi ni Yan habang nakatingin sa kawalan. Halata sa boses niya ang takot at trauma. Nagulat ako nangg bigla siyang lumingon sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
   "Kaya please!! Pakawalan mo na ako Ajay,"

  Napabuntong hininga ako bago umiling.
  "Hindi pwede. Pasensya kana Yan,napag-utusan lamang ako,"

  "Bakit siya nakatali?," tanong ni Rev na kararating lamang sa resto.

  "Nasaan sila?," sa halip na sumagot ay tanong ko habang iniikot ang paningin sa paligid. Dito kasi ang meeting place bago magpunta sa probinsya ng nanay ni Lhaiel. Kung hindi lang ako natatakot sa galit ni Lhaiel hindi din ako sasama. Kinikilabutan padin ako hanggang ngayon kapag naalala ko ang mga nangyari noong nagbakasyon kami doon. Niligawan ako ng kaibigan ng Lola niya which is 75 years old na. At babae yon ha.

   Jeez!!

   "Rev! Pakawalan moko Rev!!," sigaw ni Yan habang sinusubukang makawala sa pagkakagapos ko sa kanya.

   "Bat ka ba kasi nakatali?," tanong naman ni Rev at akmang lalapitan ito para pakawalan nang pigilan ko siya.

  "Wag,utos ni Lhaiel yan," pigil ko sa kanya.

  "Kawawa naman siya," nakasimangot na sambit ni Rev.
  "Bakit ba kasi kailangang itali?,"

   "Ayaw niyang sumama sa atin kaya sabi ni Lhaiel itali ko daw," paliwanag ko bago umupo sa tabi ni Yan.

  "Bakit naman kasi ayaw mong sumama?," baling naman ni Rev kay Yan.

   "Impyerno ang lugar na iyon!!," sagot nito na nanlalaki pa ang mga mata.
    "Gugustuhin ko nalang mamatay kaysa bumalik pa doon,"

   Bumaling sa akin si Rev habang nakakunot ang noo.
   "Puta,may sapi ba to?,"

Umiling lang ako at nagkibit balikat.

  "Sige na!! Pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa padin ni Yan.
    "Ayokong maikasal sa lugar na iyon!!,"

    "Ajay umamin ka nga,naka-drugs yan noh?," naniningkit ang mga matang tanong ni Rev sa akin.
   "Wala namang girlfriend yan bakit ikakasal?,"

   "Mahabang kwento,gusto kasi siyang maging asawa ng lola ni Lhaiel," sagot ko.

   "Grabe eh ba--- wait! What??," hindi makapaniwalang bulalas ni Rev.
   "Yung lola ni Lhaiel? Gusto siyang mapangasawa?,"

  "Wag mo na ngang ipaalala sa akin! Nandidiri ako!!," sigaw ni Yan.
   "Kaya nga ayokong sumama,"

  Nagulat ako dahil biglang humagalpak ng tawa si Rev.

  "Seryoso?? Pfft! Grabe!," sabi niya sa pagitan ng pagtawa.

  "Ano ba,gusto mo pa din bang sumama o igagapos na din kita," tanong ko maya-maya dahil wala ata siyang balak lumubay sa pagtawa.

  "No need! Sasama ako. Gusto kong makilala ang lola ni Lhaiel," sagot nito ng matapos tumawa.

  "Guys,hindi pa ba tayo aalis?," napatingin kami sa paparating na si Rain.
  "Kanina pa ako naiinip,"

  "Kararating mo lang naiinip kana?," tanong ko naman.

  "Oo nga pala sabi ni Lhaiel painumin nyo daw si Yan nito," sa halip ay turan nito sabay abot sa akin ng isang basong juice.

  "Bakit siya lang? Kami din sana kinuhanan mo," reklamo naman ni Rev.

  "Ganon ba,sige sandali lang," sagot nito bago tumalikod at tuluyang lumabas.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon