Lhaiel's POV
"Ayoko," bagot na sagot ko nang sabihin sa akin ni Mommy na lumabas ako at makipagdate dahil ayon sa kanya ay sobrang boring na nang buhay ko. 
Ilang araw na rin niya akong kinukulit pero hindi ko siya pinapansin. Masakit sa akin na hindi siya pansinin dahil bukod sa napakakulit niya ay naiinis parin ako sa pekeng burol na ginawa niya just to make me go home. 
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko at tumutugtog ng gitara nang bigla nalang pumasok si Mommy para lang kulitin ako. 
"Inasikaso ko na lahat, pati isusuot mo," sambit niya na hindi parin umaalis at tumitigil sa kakukulit. 
"Sige na anak, makipagdate kana,"
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagtugtog. Pagkatapos ng ilang minuto ay nanlulumo siyang lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako. Ito lang iyong bagay na kahit sabihin niya ay hindi ko susundin. 
Inilapag ko ang gitara at nahiga. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kung may mga text o tawag ba. As usual, text ni Ajay, Rain at Yan lang ang nasa inbox ko. Wala naman nang ibang magtetext sa akin kung hindi sila lang. Sino pa ba ang hinihintay ko? 
Si Hannah. 
Napailing ako at napatitig ulit sa screen ng cellphone ko na hanggang ngayon ay picture parin nya ang nakalagay. Hindi ko kayang burahin kahit pilitin ko. Siguro dahil may parte parin sa akin na umaasang babalik pa siya. 
Ipinilig ko ang ulo ko at inilapag ang cellphone nang bigla itong tumunog. Tinignan ko uli at nakitang may nagtext. 
Unknown number ang nakalagay. Kahit nagdadalawang isip ay binuksan ko parin ang message at binasa ito. 
It was from Roby nagtatanong kung kailan ako pupunta sa resto. Nag-isip ako sandali. Wala din naman akong gagawin dito so why not. 
Agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkalabas ko nang banyo ay nagulat pa ako dahil nasa kwarto ko na naman si Mommy na malungkot ang mukha. Buti nalang nakatapis ako dahil kung hindi, isa iyong malaking kahihiyan. 
"Mom!??, " kunot noong lintanya ko. 
"Hindi nyo ba alam ang salitang katok??, " 
"Lhaiel, there's something I want to tell you," malungkot na sambit ni Mommy and I resist the urge to roll my eyes.
"Mom, if it's about that damn date, you already knew my answer," sagot ko sabay pasok sa walk-in closet sabay sara nito at doon ko na din piniling magbihis dahil alam kong hindi ako bibigyan ng privacy ni Mommy.
"I am dying, in fact, I only had 3 months to live," she said as I heard her footsteps and I could practically see her in my mind sitting on my bed with a hurtful expression. Typical Mom. Pang best actress kapag kinakailangan. 
"Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan?,"
"Cut it, Mom, alam nating pareho na wala kang sakit at ayon din sayo ay hawak mo ang buhay na walang hanggang dahil sabi mo ay madalas kang mag-exercise at magyoga," sabi ko as a matter of fact bago damputin ang jacket at lumabas. 
"Okay, I give up, oras na para sa plan b," sabi niya more to herself kaya napailing nalang ako bago kuhanin ang susi at cellphone ko. 
Nang makababa ako ay sa salas naman nakaupo si Mommy at may kausap sa phone. Nang matingin siya sa akin ay bigla din siyang bumaling sa ibang direksyon. 
Napakunot noo ako habang tinititigan siyang mabuti. I feel suspicious. Hindi siya ganyan makipag usap sa phone. Napakahina at akala mo bumubulong. 
Something was off. Kapag nakikipag-usap siya sa phone ay palaging malakas ang boses niya na akala mo palaging may kaaway. 
Napailing nalang ako at mas piniling isawalang bahala ang mga kaduda-dudang kilos ni Mommy at sa halip ay nagdiretso na sa garahe. 
Ilang oras lang ang inilagi ko sa resto dahil tumawag si Mommy at sinabing may bisita daw ako. Wala naman akong inaasahang bisita. Ramdam ko na may pinaplano na naman siya para pilitin akong makipagdate. Nagpaalam muna ako kay Roby dahil siya lang naman ang nasa resto na uuwi muna ako. Kailangan kong malaman kung ano na naman ang binabalak niya. 
~~
Mataman akong nakatitig sa babaeng kaharap namin ni Mommy habang nakaupo kami sa sofa. Humalukipkip ako habang pinaglilipat lipat ang paningin sa babae at sa batang karga nito. 
"Anak,hindi naman kita pinalaking iresponsable," turan ni Mommy habang nakatingin sa bata sa kandungan ng babae. 
"Bakit mo naman tinakasan ang bata? Wala naman siyang kasalanan,"
Napatingin ako kay Mommy at napabuntong hininga. 
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga siya anak," paliwanag ko.
"Hindi ko nga kilala yang babaeng yan eh,"
"Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko, ganyan ang sasabihin mo?," madramang lintanya ng babae habang nakatitig sa akin. 
"Nakalimutan mo na ba ang mainit na gabi na pinagsaluhan natin?,"
Napapikit ako at pilit na kinakalma ang sarili. Wala akong maalalang nakasama ko siya sa mga maiinit na gabi ng buhay ko. Saka palagi akong maingat sa lahat bagay kaya imposibleng anak ko ang batang iyan. 
"Sino ba ang nagbayad sayo ha?," iritang tanong ko. Hindi ako nakikipaglaro. 
Hindi niya ako sinagot at nakatitig lang sa akin habang maluha-luha. 
"P-Pakiusap, alagaan mo ang anak natin," sabi niya mayamaya. 
"Ano?," gulat na tanong ko dahil sa narinig. 
"Alam mo, iuwi mo na iyang ANAK mo, kung hindi tatawag na ako ng pulis,"
"Anak naman, kailangan mo siyang panagutan," sabat naman ni Mommy na hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman sa mga sandaling ito. Para siyang nasisiyahan pa sa mga nangyayari. 
"Alam mo Mom, I'm tired. Pagod na ako sa mga pakulo ninyo," sambit ko sabay tayo. 
"Pauwiin na ninyo iyang mag-ina na iyan at wag nyo nang pababalikin. At please lang, itigil nyo na kung ano man itong pinaplano ninyo,"
"Pero---," hindi ko na pinatapos pa si Mommy. Walang lingonlikod akong lumakad paakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko. 
I know my mom loves me this much kaya siya nakakagawa ng mga bagay na akala niya ay tama pero this time, she got too far. First, a fake funeral for me, and this time, pinapalabas niyang nakadisgrasya ako at iresponsable? Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod niyang gagawin. Alam kong gusto lang niyang makatulong pero hindi niya lang alam na hindi naman nakakatulong ang mga ginagawa niya. 
Nagdiretso ako sa kwarto ko at hindi na muling lumabas hanggang kinabukasan. Wala akong ibang inisip kung hindi bakit ako nagkakaganito. 
Kahit anong gawin ko ay siya parin. Kahit anong gawin ng mga tao sa paligid ko para tulungan akong makalimot, hindi ko parin magawang tanggapin ang tulong nila. Hindi ko sila masisisi kung isang araw bigla nalang silang magsawa sa akin. Bigla nalang silang mawala. Natatakot ako na baka maitaboy ko sila palayo sa akin dahil sa hindi mawalang pagmamahal ko para kay Hannah. 
I need a distraction. Distraction para hindi ko siya maisip. I know, hindi maganda iyon pero wala akong magawa. I love her. Kahit may mahal na siyang iba. Kahit sabihin pang kasal na sila. 
Ilang araw kong hindi kinibo si Mommy at wala akong ginawa kundi ang gumimik kasama si Rev. Hindi na ako nakakauwi sa bahay dahil palagi kaming lasing ni Rev at madalas akong matulog sa condo nya. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang ganitong gawain pero kailangan kong sumaya dahil alam kong unti-unti na akong nasisira ng sakit na nararamdaman ko. 
******
                                      
                                          
                                  
                                              BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)