CHAPTER 3: "EMOTIONS"

49 18 11
                                        

  

   Ajay's Pov

   *knock knock*

  

   Nagtakip ako ng unan sa mukha to block the irritating noise.

   *knock knock*

   'Argh!  What's that noise?,'
   
   
   Napadilat ako bigla ng marinig kong may lumagitik at iisa lang ang tumatakbo sa utak ko.

  Someone is breaking into my room!!

  Agad akong nakaramdam ng kaba nang dahan dahang bumukas ang pinto at may yabag akong narinig na papunta sa kinahihigaan ko. Horror ba to? Bakit hindi ako na-orient ??

I grabbed my pillow as hard as I could as if my life depended on it. I lay still. Nakikiramdam. Hindi ako gumagalaw at halos naririnig ko na din ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas.

  Napasigaw ako ng biglang may humawak sa paa ko.

  "Waaaaaaaah!! Multo!! Multo!!," sigaw ko habang nagpapapadyak at hindi sinasadyang may nasipa akong solid.

   "Ouch!," Napatigil ako sa pagsipa ng makarinig ako na parang may dumaing.

  Napabangon ako bigla at tapang tapangan na sinilip ang paanan ng kama ko kasi sure ako na parang may dumaing talaga at may natumba.

 
  'Please wag si Chucky! Please wag si Chucky!,'

  Paulit ulit kong chant habang dahan dahang sinisilip ang paanan ng kama ko at napamura ako ng makita kung sino ang nakahiga malapit sa paanan ng kama.

  "P*t*ngn* mo Rain!," sigaw ko sabay damba sa kanya at saka ko siya sinakal.
  "Papatayin na kita gago ka!,"

  "Aray! Ajay!  Hindi ako m-makahinga!!," daing niya habang sinasakal ko siya.

  "Ilabas mo yung video!! Alam ko nirecord mo yon!," sita ko sa kanya habang nakasakay parin sa kanya at sinasakal siya.

  "O-oo na! L-let me g-go!!," pakiusap niya na halatang nawawalan na ng hininga kaya binitawan ko na siya.

  Ang cheap naman kasi kung makukulong ako nang siya lang ang napatay ko. Ayokong madungisan ang kamay ko dahil lang kay Rain.

  "Burahin mo yung video," seryosong sambit ko habang nakahalukipkip at nakatingin sa kanya ng masama.

  "G-grabe!!,muntikan mo na akong patayin!!," reklamo niya ng makabawi sa hingal.
  "Eto na nga!  Buburahin na,kung nakakapatay lang ang tingin malamang patay na ako,"

  "Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at pumapasok ka sa kwarto ng may kwarto ng walang pasabi at paalam?," iritang tanong ko dahil hanggang ngayon taglay ko parin yung takot ko kanina.

  "Gigisingin lang naman sana kita!," reklamo niya habang himas himas ang kanyang leeg.
  "Saka, multo talaga? Seryoso?  Hindi mo man lang naisip na baka magnanakaw or something?,"

  "Bakit ba?  I'm into paranormal things eh," dipensa ko sa sarili ko.
  "Bakit naman kasi kailangan mo akong gisingin eh nagigising naman ako on my own, saka dapat tumawag ka nalang!,"

  "I'm sorry okay? But you don't need to strangle me to death. Andito ako kasi pinapasundo ka ni Lhaiel," sagot niya habang tumatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig ng kwarto ko.

  "Grabe! Sinipa mo na nga ako, sinakal mo pa ako, alam kong sobra na ang kagwapuhan ko and I will admit that sometimes it was too much to handle pero hindi naman dapat ganito, next time can you please plot my death in a very handsome way??," malimit limit ko siyang sakalin ulit pero pinipigilan ko ang sarili ko.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon