CHAPTER 6: "DUMBED"

45 17 13
                                        

   Lhaiel's POV

      Pagmulat ko ng mata ay agad na tumambad sa akin ay ang papaliwanag na kalangitan.
    Hindi ko alam kung nakatulog ba ako sa labas ng bahay namin sa kalasingan o sa daan ako nakatulog.

  Nang iaangat ko ang kaliwa kong kamay para tignan ang relo ko kung anong oras na, nabigla ako sa nakita kong hawak hawak ko.

  Kamay. Hinatak ko pa ng marahan at nang may umungol sa bandang kaliwa ko ay agad napadako doon ang aking paningin.

  Nang makita ko ang maamong mukha ng isang babae ay agad na bumaha lahat ng mga alala ko nitong nagdaang gabi.
  Ang pagtayo ko sa gilid ng tulay, at ang pagkahulog naming dalawa.

  Napahinga ako ng malalim. Mabuti naman at buhay pa kami.
Agad akong bumangon at tinignan kung okay lang ba sya.

  Sa tingin ko ay wala namang na-fracture na buto at wala naman siyang galos maliban sa gasgas na nasa kanan niyang braso.

  Ngayong maliwanag na ay kita ko na ng mas maayos ang itsura niya.
  Malalantik na pilik mata,matangos na ilong, manipis at mapulang labi, hugis pusong mukha.
She was indeed beautiful.

I lift my hand to touch her cheeks and when my fingertips touch her skin. Nagulat ako dahil sa sobra niyang init.

  Nilalagnat sya. Marahan kong sinalat ang kanyang pisngi.

  "Miss??," tawag ko sa kanya habang marahan siyang niyuyugyog.

Ungol lang ang sinasagot niya sa akin. Nakita kong nakakunot noo siya na para bang nahihirapan pero kahit na ganoon ang itsura niya ay hindi parin maikakaila ang kanyang kagandahan.

  Kahit anong yugyog at pag-gising sa kanya ay walang epekto at ramdam kong mas tumataas pa ang lagnat niya kaya I make my move.
  Binuhat ko siya at nagpalingalinga kung may taong pwedeng hingan ng tulong ngunit wala akong makita kahit isa.

  Habang naglalakad at naghahanap ng posibleng daan patungo sa highway ay walang patid ang pagsilip ko sa kanya.
  Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong maakit sa kanyang mapupulang labi na animoy nag-aanyaya ng isang matamis na halik. I scold myself for thinking that.
  Well, every guy has this feeling, aren't they?
Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi kung ano man ang naiisip ko.
 

This girl is sick and requires quick medication. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad at pagkatapos ng ilang minuto ay naririnig ko na ang tunog ng mga sasakyan.

  Kahit hindi ko kilala ay pinapara ko na. Sa mga naunang nagdaan ay walang huminto ni isa pero pagkatapos ng ilang sandali ay may humintong itim na pick-up truck at mula roon ay may bumabang isang matandang lalaki. Tinanong niya kung anong nangyari. Agad kong ipinaliwanag ang lahat at agad din naman niya kaming pinasakay sa kanyang pick-up truck.

  Habang binabaybay namin ang highway ay tahimik kong pinagmamasdan ang babaeng nasa kanlungan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. It was a foreign feeling. Nag-aalala ako sa kalagayan niya which is odd, and new to me. Knowing myself, I don't usually concern myself with someone I barely know.

  Ilang minuto lang ay inihinto niya kami sa isang ospital. Nagpasalamat ako at nag offer na magbayad pero mariin nyang tinanggihan kaya nagpasalamat nalang ako at agad na nagtungo sa loob.

  Sinalubong naman kami ng isang nurse na kumuha ng isang stretcher at nang makalapit samin ito ay marahan kong ibinaba roon ang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala.

  Sinabi sakin ng nurse na sila na ang bahala kaya naghintay nalang ako sa isang gilid.

  I heave a sigh.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon