~~
His POV
Tumigil ang malakas na music ng lumuhod ako sa harapan ng mga tao,sa harap ng nag iisang taong nagbigay ng sigla sa buhay ko. Sa taong pinakamamahal ko...
Finally... This is it, masasabi ko narin ang bagay na matagal ko ng gustong sabihin sa kanya,bagay na matagal kong pinagplanuhan.
I heard the cheering and gasping of all the people around us.
"This is so awkward since this is the very first time that I will do such a thing, but in front of everyone, I will assure you that this will be also the last time that I will kneel in front of a girl to say this words,"
"You Ms. Hannah Villareal, will you be mine forever? Will you marry me?," sabi ko as I opened the little box where a very precious diamond ring was in. I've worked so hard just to buy a precious ring like this. For a very precious girl like her. She's worth everything.
I look at her smiling but it vanishes when I see the hurt in her eyes,pero bakit?
Bigla akong nakaramdam ng pangamba.
"I... I'm so s-sorry, I can't, I'm n-not the right person for you, I'm sorry," sabi nya habang umiiling.
"But why?," tanong ko habang nakatingin sa mga mata nya searching for an answer.
Iling lang ang isinagot nya. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang magkabila nyang kamay.
"Masyado ka bang nabigla? Sorry kung nagulat kita," pilit kong hinuhuli ang mga mata nyang hindi maitingin sakin ng diretso.
"You don't understand, I can't.." Sagot nyang nakayuko.
"Why?," tanong ko parin..
"I can't, I just can't, just please let me go," sabi nya habang pilit na inaalis ang mahigpit na pagkakahawak ko.
Dali dali syang tumakbo palabas ng bar kung nasan kami.
No, it can't be, this can't be!.. It was just a dream, right? A nightmare...
Napapikit ako ng maramdamang malapit na namang tumulo ang mga luha mula saking mga mata.
It's been a month, but the wound was still fresh. Hindi nabawasan ng kahit konti ang sakit sa dibdib ko. Parang kahapon lang ay hawak ko ang mga kamay nya. Parang kailan lang ay naririnig ko pa ang mga tawa nya. Naaamoy ko parin ang pabango nya kahit saan ako magpunta.
Napatingala ako at ang unang tumambad sa paningin ko ay ang mga mumunting liwanag na kumikinang sa kalangitan.
Dahan dahan akong tumayo hawak parin ang bote ng alak na palagi kong karamay sa mga ganitong eksena.
"Bakit hanggang ngayon masakit parin?," tanong ko sa kawalan.
"Bakit hanggang ngayon mahal parin kita?," dala marahil ng alak na nainom ko ay hindi ko namalayang napaupo na ako sa gilid ng ilog kung saan ko sya unang nakita.
Hindi ko namalayang malaya na palang dumadaloy sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala.
Bakit sa dinamirami ng tao sa mundo, bakit ako pa ang pinaglaruan ng tadhana? Pwede namang yung tambay nalang sa kanto. Napailing ako dahil sa mga naiisip ko.
Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa gilid ng ilog bago ko napagdesisyonang bumalik na sa resto.
Habang daan, hindi ko maiwasang mapapikit dahil narin siguro sa dami ng nainom ko.
Hindi ako yung tipo ng taong umiinom hanggang sa hindi na kaya pero dati yon, iba na ngayon. Hindi ko na alintana kung ano ang mangyayari. Wala na akong pakialam sa lahat. Ang tanging gusto ko lang ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)