CHAPTER13: "LET'S GET ARRESTED"

33 16 11
                                        

   Lhaiel's POV

   
~~

    Pagkagaling ko sa bahay nila Yan ay pumunta ako sa coffee shop para bwisitin si Angel kaya lang ay wala siya don kaya  napagdisisyonan ko nalang dumaan sa Restaurant na pinapatakbo ni Jia para tignan kung ano ang nagaganap doon pero pagdating ko ay may nahagip ang aking mata.

  Napakunot noo ako ng mapagtanto kung sino iyon.
  Siya na naman? Ang liit talaga ng mundo. Una sa tulay,sumunod sa coffee shop at ngayon ay dito?

  Palapit na sana ako ngunit nakita kong may isang babae ang lumapit din sa kinauupuan nito. Ilang sandali ko silang pinagmasdan ng maalala ko kung sino ang babaeng lumapit. Nang masiguro na ito din ang babaeng kasama nung ex niya noon sa coffee shop ay  mabilis akong lumakad palapit sa kanila. Sakto lang ang pagdating ko at nahabol ko pa ang kamay nito na akmang isasampal sa kanya.

  "I wouldn't do that if I were you," sambit ko. Iniikot ko ang paningin ko upang hanapin kung kasama ba nito yung lalaki na kasama din nito noon at ilang sandali lamang ay nakita ko na din kung saan sila nakaupo.Hinatak ko ito patungo sa table nila at padabog na binitawan sa kandungan ng lalaki.

  "What the fuck!," lintanya nito bago tumayo.

   "I believe this belongs to you," sabi ko bago ito hawakan sa balikat.
  "Bago mo iwanan ang alaga mo sa kung saan saan, make sure that you taught it some manners," sambit ko bago tumalikod at bumalik sa inuupuan nung babae na narinig kong tinawag sa pangalang Alleya ng kasama niya.

   So her name was Alleya.

  Agad ko siyang hinatak patayo at palabas ng restaurant. Sa gulat niya ay hindi na siya nakapalag pa pero mayamaya ay bigla niitong hinatak ang kamay na hawak ko at huminto.

"Sa palagay ko, hindi na nila ako makikita dito," mahinang sambit nito

   "You should accept everything," sa halip ay turan ko. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nasasaktan,hindi makalimot at nakagapos sa sakit ng nakaraan.

  "Ha?," kunot noong tanong niya.

  "You should accept that he will never come back," paliwanag ko sa kanya.
    Napahalukipkip siya at napataas ng isang kilay.

  "Alam mo, salamat sa pag-dadala mo sa akin sa ospital noon, pero kung hindi din naman dahil sa iyo hindi ako malalaglag sa tulay. Salamat din sa pagtulong mo sakin, twice. Pero I don't think you can say that, hindi mo ako kilala," mataray na sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama.

  "I knew for sure that you're bravery was just an act. I can see it clearly in your eyes, you are hurting. You are still affected," sabi ko padin at hindi ako titigil hanggat hindi siya natatauhan.

  "Oh, Look who's talking. You know what mister, I don't think I can accept a piece of advice from someone who's hurting more than me," sabi niya habang nakatingin padin sa akin ng masama.
   "Wag mo akong itulad sayo. Hindi mo ako kagaya na kayang kitilin ang sariling buhay dahil lang sa pag-ibig,"

  That hit me.
  Right? Who am I to talk? Bakit ko siya pipiliting gawin ang bagay na ako mismo ay hindi ko kayang gawin?

    But,she should at least thanked me for saving her ass several times.

   Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa babaeng padabog na naglalakad papalayo.

  Napailing nalang ako bago sumakay sa kotse ko at nagdiretso sa bahay para magpahinga.
  Nagdiretso agad ako sa kwarto ko at pagkahigang paghiga ko palang ay nakatulog na ako agad.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon