Lhaiel's POV
I kept on smiling while driving home. Her flustered face was still intact in my mind. The way she blushed whenever I teased her.
Did I just ask her on a date?
I don't know. I just acted on impulse. All I know is I want to see her again. I want to see her pretty face.
Napabalik lang ako sa tamang pag-iisip ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nang makitang si Roby ito ay agad ko itong sinagot. Sinabi niyang hindi siya makakapunta sa Resto dahil masama ang kanyang pakiramdam. Sinabihan ko siyang magpahinga muna at si Yan na lamang ang papupuntahin ko doon upang mamahala sa ginagawang renovation sa west wing ng Resto.
Matapos makipag-usap ay nagdiretso na ako sa bahay upang kausapin si Jia dahil mayroon akong ipinatayong boutique at siya ang pamamahalain ko doon habang nag-aayos pa siya ng kanyang mga kailangan sa pagpunta niya sa Singapore. Gusto niya kasing doon muna manirahan dahil narin sa pangungulit ni Mommy na samahan siya nitong asikasuhin ang iba pang business nila Lola doon. Knowing Mommy, ayaw niyang siya lang ang sumakit ang ulo. Gusto niyang mayroon siyang kadamay. Mabuti nga at natigil na ang pangungulit ni Lola sa akin at pumayag na si Jia at Mommy nalang muna ang mamahala doon. Ayoko kasing umalis ng bansa. Ayokong iwanan ang mga kaibigan ko.
Kaibigan ba o may hindi ka talaga maiwanan dahil nagbabakasakali ka pa na maayos pa ang lahat?
Napailing ako at minabuting hindi na lamang intindihin ang boses sa aking isipan. Hindi ko din kasi malaman kung totoo ito. Siguro ay mayroon lamang talaga akong hindi maiwan, siguro ay hindi pa ako handang kalimutan ang lahat.
Napabuntong hininga ako ng malalim at ipinagpatuloy na lamang ang pagmamaneho.
~~
"Have you heard about Ajay?," kunot noong tanong ni Rain habang abala sa kanyang cellphone.
"Hindi niya parin sinasagot ang mga tawag ko,"
Kasalukuyan kaming nakatambay sa Resto at pinagpupulungan kung ano pa ang maaring baguhin sa structure nito. Pagkagaling ko sa bahay at pagkatapos makipag-usap kay Jia ay napagdesisyunan kong magtungo sa Resto at nadatnan ko na nga dito ang tatlo. Si Yan, si Rev at si Rain. Wala siguro silang mahalagang gagawin kaya naisipang dito muna din tumambay.
"Hindi nga din sumasagot sa tawag ko," sagot ko habang nakatingin sa blueprint at design ng mga babaguhin sa Resto.
"Hayaan nyo muna 'yung uto na 'yun, baka busy lang talaga,"
"Nakakamiss din kasi, walang maingay dito," sabi ni Rain bago tumayo at kumuha ng soft drinks sa ref at pagkatapos ay umupong muli sa tabi ni Yan.
"Ikaw ba Yan? Sumasagot ba sa tawag mo?,"
"Hindi," tipid na sagot nito.
"Hindi ko naman siya tinatawagan," dagdag nito maya-maya.
"Parang wala lang sayo na hindi nagpaparamdam si Ajay ha, akala ko ba---," hindi na naituloy pa ni Rain ang sasabihin dahil isinaksak ni Yan sa bibig nito ang hawak na bote ng soft drinks dahilan para mapaubo ito ng sunod-sunod.
"What is wrong with you?!,"
"Nauuhaw ka na kasi," sagot ni Yan bago tumayo at lumabas ng BB room.
"Anong problema non?," kunot noong tanong ni Rain habang nagkakamot ng batok. Nagkibit-balikat lamang ako bago muling ituon ng atensyon sa blueprint.
Maya-maya ay kay Rev naman tumabi si Rain.
"Ikaw naman bat parang ang tahimik mo," tanong nito ng makalapit kay Rev na abala din sa kanyang cellphone.
"Sino ba 'yang kachat mo? Girlfriend mo,"
"None of your business," turan nito bago tumayo din at kagaya ni Yan ay lumabas din ng BB room.
Napataas ako ng kilay habang nakatingin sa ngayo'y nakasara ng pinto. Lahat ata ng tao dito ay badmood?
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)