CHAPTER 29: "Crying My Eyes Out"

17 1 0
                                        

  Author's Note: Check out the song Crying My Eyes Out by Frawley. Favorite ko siya at bagay siya sa chapter na ito kaya iyan ang title nitong chapter,yun lang ,bye :) Enjoy reading!!

~~

   Alleya's POV

     "Are you done checking me out?," ilang beses akong napakurap nang marinig ang kanyang sinabi. Agad akong napaayos sa aking pagkakatayo at napalihis ng paningin. Ramdam ko din ang pamumula ng aking pisngi dahil sa nangyari.

  God Alleya,stop drooling!!

Sa mga ganitong pagkakataon ko nahihiling na sana ay bumuka ang kinatatayuan ko at lamunin na ako ng lupa. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang aking sarili.

  Narinig ko ang marahan niyang pagtawa bago muling magsalita. Mukhang siyang-siya siyang makitang namumula ako sa hiya. Hmmf!!

  "Shall we go?," nakangiting sambit niya bago ilahad ang kanyang kamay upang alalayan ako.

Naks! Kunwari gentleman.

Mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili na humawak sa aking dibdib dahil sa napakalakas na tibok nito. Kahit nag-aalangan ay iniabot ko sa kanya ang aking kamay. Ilang sandali siyang natigilan ng maglapat ang aming mga palad. Hindi ko na din alam kung ano ang paalam niyang sinabi kay Tita dahil para akong naliliyo dahil sa nararamdaman kong hindi mawari.

Habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan ay walang lubay kong kinakalma at sinasaway ang sarili. Nalilito ako dahil hindi ito ang naramdaman ko noong kami pa ng ex ko. Parang bago sa akin ang lahat. Yung pakiramdam na hindi maipaliwanag. Yung pakiramdam na pakiwari mo ay ito palang ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman mo ang ganitong bagay kahit na ilang beses ka ng nasa ganitong sitwasyon. Yung pakiramdam na nangangapa ka pa sa mga maaring mangyari. Yung na-e-excite ka sa mga mangyayari pa. Hay ewan! Hindi ko na alam!

"Do you want me to carry you?," napabalik ako sa wisyo nang magsalita siya. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng passenger seat ng kanyang sasakyan.

Napairap ako ng makita ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
Oh, how I would love to smack that grin out of his face.

  Walang kibong sumakay na rin ako sa sasakyan. Nakangiti parin siya ng  nakakaloko habang isinasara ang pinto hanggang ng pati siya ay nakasakay na.

  Tss.

"Can you please stop smiling?," I ask exasperated.

Agad akong napaurong sa aking pagkakaupo ng bigla na lamang siyang dumukwang palapit sa akin.

What the--??

Nanlalaki ang aking mga mata ng halos ilang pulgada na lamang ang layo ng kanyang mukha sa akin.

"Why? Does it bother you?," mahina niyang tanong bago niya ibaba ang paningin sa aking mga labi.

Hindi ko alam ang gagawin. Ni hindi ko magawang magsalita. Para akong isda na inahon mula sa tubig dahil ibubuka ko lamang ang aking mga labi at isasarang muli dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin bago yumuko at tahimik na napatawa.
  "You're so red," pang-iinis niya bago hilahin ang seatbelt at ikabit sa akin.

  Agad akong nagpakawala ng isang malalim na hininga na hindi ko namalayang pigil-pigil ko pala.
 
  "You need to calm down," natatawa paring turan niya bago pihitin ang ignition.
  "I'm not gonna do something,"

  Nang makalma ang sarili ay agad ko siyang nilingon upang ismiran at tignan ng masama.
 
"What?," taas ang isang kilay niyang tanong bago muling ngumiti.
  "Or you want me to do something?,"

  "Pervert!," sabi ko sabay irap at itinuon na lamang sa daan ang paningin. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago paandarin ang kanyang kotse.

  ~~

    Arci's POV

    I was looking at the crowd down the stage. Dapat ay masaya ako dahil puno na naman ng tao ang Resto. Ngunit kabaliktaran ang aking nararamdaman. Bakit ganito? Akala ko tanggap ko na. Pero bakit ganon?

  "Arci? Okay kalang ba?," nag-aalalang boses ni Kuya Robi ang pumukaw sa akin sa malalim kong pag-iisip. Agad akong napalingon sa kanya at bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. I forced a smile.

  "O-okay lang," sagot ko. Gusto ko siyang yakapin at sabihing hindi ako okay pero kasalukuyan kaming nasa gig. Kailangan kong kalmahin ang sarili.

  "Kung masama ang pakiramdam mo si Ajay nalang ang pakakantahin ko," nag-aalala paring turan niya.

  "No, it's fine," iling ko bago hawakan ng mahigpit ang mic.

  "You sure?," tanong niyang muli na sinagot ko lamang ng tango.

  "Pasensya kana ha, may importante kasing lakad si Lhaiel eh,"

  Napapikit akong mariin dahil sa kanyang sinabi.
Right, importante nga.

  Agad kong inayos ang aking sarili at sinabing okay lang ako talaga. Kahit hindi.
  Kahit hindi kumbinsido ay hinayaan na ako ni Kuya Robi at nagsenyas ito na simulan na.

Tinignan ko ang papel na iniabot ng isa sa mga loyal customer ng Resto. Nakasulat dito ang kantang kanyang request at saktong babae ang artist na kumanta nito at alam ko ang kanta.

Inabot ko ang papel kila Yan upang malaman nila ang tutugtugin. Sandali nila itong pinakinggan bago simulan ang intro. Pumikit muli ako ng mariin bago magsimulang kumanta.


  Habang kumakanta ay halos sumikip ang aking dibdib dahil tagos sa aking puso ang kanta. Nataon pang itong-ito ang nararamdaman ko. Bumalik sa aking isipan ang eksenang aking namataan kanina lamang.

Bago magsimula ang performance ay nagtungo muna ako sa BB room upang mag-retouch ng aking make-up. Nang matapos ay agad din akong lumabas ngunit pagtapat ko sa hagdan patungo sa rooftop ay nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa taas. Medyo nakaawang ang pintuan kaya naman napagpasyahan kong umakyat sa pag-aakalang baka sila Yan ang nasa itaas.

  Hindi ko na naibukas pa ng maayos ang pinto ng rooftop dahil mula sa siwang nito ay tanaw ko ang dalawang pigura na naroon.

I saw Lhaiel, playing his guitar, and in front of him was a girl that I didn't know. He was singing. He looks so happy and genuine. God! This is the first time I saw him smiling like that since I got here.
I was like watching a movie while watching them. They look so good together.

  Agad akong napahawak sa aking dibdib habang nakatunghay sa kanila. Gusto ko nang umiwas ng paningin ngunit hindi ko magawa. Parang may sariling pag-iisip ang aking mga mata at ayaw umiwas kahit nagdudulot ito ng sakit sa aking puso. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. 'Yung makitang masaya siya sa piling ng iba,'yung makitang nakangiti siya katulad ng ngiting ibinibigay niya sa akin noong hindi ko pa nasisira ang pagkakaibigan namin, o 'yung makita kung paano niyang titigan ang kasama niya. Pinunasan ko ang luhang kusang tumulo bago tumalikod at umalis.

Tama ang isang phrase sa kanta.
You look so in love and I'm here crying my eyes out.

  Matagal ng tapos ang kanta ngunit nakatulala parin ako sa kawalan. Hindi ko nga namalayan na natapos ko na itong kantahin. Sa aking pagkurap ay hindi sinasadyang nahulog ang luha mula sa aking mga mata.

  "Okay ka lang ba talaga?," tanong ni Roby na nasa tabi ko na pala.

  "I'm uh-- I need to go in the bathroom," sambit ko sabay abot sa kanya ng mic at dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na comfort room. Pagpasok ay agad kong ini-lock ang pinto at doon hinayaang dumaloy ng masagana ang aking mga luha na akala ko ay ubos na.

  ~~

  

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon