Lhaiel's POV
Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa ng tinutuluyan kong hotel room habang nag s-scroll sa facebook account ko nang makakita ako ng isang post na nakapagpatigil ng mundo ko.
Ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa buo kong mukha habang nanlalaki ang matang nakatitig sa post ng nanay ko.
The post contained our family picture and my solo picture. But the most disturbing was the picture of a coffin and flowers with my mirror-length picture on the right side. I read the caption and it says: 'Rest in peace my dearest son Lhaiel San Diego'.
"What the hell?," wala sa sariling sambit ko habang binabasa ang mga comment sa post ni Mommy.
Paanong? Ako?? Patay na???
Inilapag ko sa table ang cellphone ko at kunot noong napatitig sa kisame.
I will gonna find out who's responsible for this mess!!
Kuyom ang dalawang kamaong kinuha ko ang susi at jacket sabay labas ng kwarto at nagmamadaling tinungo ang parking lot.
Habang nasa daan ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Alam ko kasing may kinalaman tiyak si Mommy sa pangyayaring iyon.
"Fuck!!," inis na sambit ko habang ilang beses na pinapalo ang busina ng kotse ko.
Kung kailan naman kasi nagmamadali ako ay ngayon pa naipit sa traffic.
Halos manhid na ang dalawa kong kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela dahil sa inis.
Nang sa wakas ay lumuwag din ang kalsada ay agad kong pinaharurot ang sinasakyan kong kotse. Hindi ko alintana ang ibang mga motorista na nagmumura dahil sa matulin kong pagmamaneho.
Ilang sandali lang ay nasa harap na ako ng bahay namin. Ni hindi kona nga naiparada ng maayos ang kotse ko dahil sa pagmamadaling bumaba.
Nang makapasok ako ay agad bumungad sa akin ang maraming tao at agad napadako ang mata ko sa kabaong na nasa gitna ng sala ng bahay namin.
Just the mere thought of myself lying on that thing sends chills down my spine.
Lahat ay abala sa kanya-kanya nilang buhay at halos walang nakakita sa akin hanggang sa makalapit ako mismo sa harap ng kabaong. Kuyom ang mga kamao na luminga ako at hinanap si Mommy sa nagkalat na mga tao sa sala namin.
Nang makita ko siya ay abala siya sa pag-pupunas ng mga luha na alam kong sapilitan niyang pinakawalan.
"What.Is.The.Meaning.Of.This?," tiim bagang na tanong ko na agad nakapukaw sa atensyon ng marami.
"L-Lhaiel? You're here already?," gulat na tanong nya.
"I mean,Lhaiel,anak,buhay ka!!," bawi niya sabay yakap sa akin.
"Itigil niyo na yang kadramahan na yan, hindi nakakatawa," sambit ko sabay talikod at lakad pabalik sa kotse ko.
Hindi ko ugaling talikuran nalang basta si Mommy pero ngayon, hindi ko naiwasan. Sino ba naman kasing tao ang gagawa ng pekeng burol just for fun??
Nang makasakay ako sa kotse ko ay agad ko iyong pinaharurot. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagdadrive bago ako huminto sa isang parke na maraming naglalarong bata.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga bata na nakakapagpakalma sa akin. Gustong-gusto ko silang pinapanuod habang masaya silang nagtatakbuhan at naghahabulan.
Nang matiyak kong nakalock na ang kotse ko ay lumapit ako sa isang bench at umupo.
I heave a sigh while watching many children happily playing some games.
They look so happy. It's always amazed me how they manage to laugh and smile like that. Like they have everything they could wish for.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)