CHAPTER 7: "A PATHETIC PLAN,"

37 16 12
                                        


    Ajay's POV

   

  Alas syete na ng gabi pero nandirito parin si Rain sa amin. Wala daw siyang ibang mapuntahan kaya dito tumambay. Parang hindi ko naman alam na naputalan sila ng internet. Pinaputol ng lola niya kasi adik nga sa ml saka sa lahat ng online games kaya dito siya tumatambay kahit na gigil parin siya sa kasambahay namin na humabol sa kanya ng walis. Sa susunod sisingilin ko na siya sa kaka-connect niya dito.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa veranda ng kwarto ko habang siya ay busy-ng busy sa cellphone nya. Tinignan ko din ang cellphone ko to check for any news about Lhaiel. Pero wala padin. Walang reply sa sandamakmak kong text. Pati tawag, hindi niya sinasagot.

 
   "Oy!, Umuwi ka na nga, gusto ko nang matulog eh," pagtataboy ko  kay Rain na prenteng-prenteng nakaupo sa tabi ko.

  "Mamaya na, 20 minutes nalang," sagot niya na hindi man lang inialis ang mata sa screen ng cellphone niya.

  Napabuntong hininga ako. Rain is Rain. Walang makakapag pagawa sa kanya ng bagay na ayaw niyang gawin kaya ang ginawa ko ay isinara ko ang sliding door na nagde-devide sa kwarto ko at sa veranda.
  Bahala siyang matulog dyan sa malamig, tutal adik naman siya sa ml.

  Nagdiretso ako ng banyo para maglinis at pagkatapos ay nahiga na sa kama ko para matulog. Hinayaan ko na si Rain doon sa labas na hanggang ngayon ay tutok parin sa ml.

Nang makahiga ako ay agad akong nakatulog, nagising lang ako ulit dahil sa pagtunog ng cellphone ko na nakalagay sa table na malapit lang sa kama.

  Kahit nakapikit at pinilit kong abutin ang cellphone ko na walang humpay sa katutunog.

  Tinignan ko kung anong oras na. My alarm clock reads 2:30 am.

  Who the hell in their right mind would call at this hour?

  
   "Hello?," inaantok na tanong ko.
   
   [Hello Ajay?  Do you have any news about Lhaiel? Nakamove-on na kaya siya kasi kung hindi, hahanap talaga ko ng mga model na iba-blind date ko sa kanya,]  a voice said in a hushed tone. Nakilala ko lang kung sino ang nasa kabilang linya dahil sa arte ng pagsasalita.
   Even though I still had my eyes closed, I managed to roll them.

    "Tita Gerzelle, kahit anong gawin ninyo hindi yan eepekto. Madidistract lang siya pero hindi siya makakalimot, because only time can cure the pain of yesterday," sabi ko kahit inaantok pa.

  [Whatever kiddo, night] mabilis niyang paalam at agad na pinatay ang tawag.

  Ilang segundo ko pang tinitigan ang cellphone ko bago ibaba ulit at umayos ng pagkakahiga.

  Bukas talaga magpapalit na ako ng sim.

  Ilang minuto na akong nakahiga ng makaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan. Padabog akong bumangon at susuray suray na lumakad patungo sa cr. Habang naglalakad ng parang zombie, binibilang ko sa isip ko kung ilang oras nalang akong matutulog. At ayon sa kalkulasyon ko ay konti nalang.

  Nang matapat ako sa sliding door na divider ng kwarto ko at nang veranda ay napasigaw ako ng makita ko ang isang mukha na nakapakat sa salamin.

   Kung nanunuod kayo ng Larva, yung dalawang uod na kulay dilaw at pula, yung pinaka dulo ng clip nayun ay nakapakat yung dalawang larva sa screen.
  Ganun yung itsura ng mukha na nakapakat sa sliding door ko. Sa bawat galaw ko ay sinusundan nya ako ng tanaw.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon