Lhaiel's POV
~~
"Kung alam ko lang na gagawin lang tayong katulong ng Lola ni Lhaiel,hindi na sana ako sumama," reklamo ni Rev habang nakasimangot.
Kasalukuyan kaming nasa kubo at nagpapahinga matapos ang pagpapakain ng mga manok at baboy.
Ito kasi ang kabuhayan ni Lola dito sa probinsya nila. Sa buong lungsod ang Hacienda Lucinda ang may pinakamalaking poultry at piggery. Pagmamay-ari din ni Lola ang Slaughter house sa bayan. Hindi lamang manok at baboy ang inaalagaan sa malawak na lupain ni Lola,mayroon ding baka,pabo at marami pang iba. Kulang na nga lang maging zoo ito eh.
"Kaya nga,pagod na ako," nakasimangot ding turan ni Ajay habang isa-isang ibinabato ang pagkain ng manok. Napabuntong hininga ito ng mapalingon sa bahay ni Lola.
"Buti pa sila nakatambay lang,"
Nilingon ko ang tinitignan niya at mula rito ay tanaw namin ang veranda kung saan prenteng nakaupo sila Rain at Yan. Kita hanggang dito ang ngiti ni Rain samantalang si Yan ay halatang hindi nag-eenjoy.
"Hindi ko maintindihan kung bakit tayo lang tatlo ang gumagawa dito?,"iritang tanong naman ni Rev.
"Nagtaka ka pa eh ako ngang sariling apo pinahihirapan din," turan ko naman habang nakatunghay din kila Rain. Maya-maya pa ay napatingin sa amin si Lola kaya bigla akong napatuwid sa pagkakaupo.
"Hindi pa tapos ang trabaho nyo namamahinga na kayo!!?," sigaw nito na nakaturo pa sa amin.
"Talas ng mata ng lola mo," sabi ni Ajay sabay tayo.
"Buti pa sila doon nakaupo lang,"
"Gusto mo ba ipapatawag ko yung kaibigan niya?," tanong ko naman sa kanya na agad niyang ikinatahimik.
"Mas masaya ngang magpakain ng hayop eh," sabi niya bigla sabay layas sa tabi ko. Napailing nalang ako bago hatakin si Rev na balak pang mahiga. Sa mga pabo naman kami pupunta para pakainin iyon.
"Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ng lola mo si Rain," nakasimangot na pahayag ni Rev ng nasa kulungan na kami ng pabo.
"Saka wala ba siyang katiwala dito?,"
Iyon ang katanungan na hanggang ngayon ay tinatanong ko pa din sa sarili ko. Gustong-gusto ni Lolang napapakinggan ang pagyayabang ni Rain sa kagwapuhan niya. Gusto din niya ang mga jokes ni Rain kahit hindi nakakatawa. Ewan ko ba. Mas itinuturing niya pa ngang apo si Rain kaysa sa akin. I should ask Rain how he did that.
Napatingin kami ni Rev kay Ajay nang sumigaw ito habang tumatakbo papunta sa amin. Kunot noo ko siyang sinigawan kung bakit pero nung makita ko ang lahat ng mga pabo na kasunod niyang tumatakbo ay nanlaki ang mga mata ko.
"Run!!," sigaw ko kay Rev na natutuwa pa habang pinanunuod si Ajay. Bala ka jan! Kung ayaw mong tumakbo! Basta ako,ayokong matuka ng pabo!
~~
Rain's POV
Napatigil ako sa pagkukwento kay Lola Lucinda ng malingon ako sa kulungan ng mga pabo. Nakita kong tumatakbo sila Lhaiel,Rev at Ajay habang kasunod nila lahat ng mga pabo.
Ano to? Hindi man lang nila sinabing maglalaro sila? Sana nakasama ako!
Nakasimangot akong bumaling muli kay Lola.
"La,magpahinga na muna kayo ha,sasali lang ako sa laro nila," sabi ko sabay takbo at hindi man lang pinakinggan ang pagsigaw nito sa akin.
Pagdating ko sa kinaroroonan nila ay agad akong pumasok sa loob ng kulungan ng mga pabo.
"Guys! Sali ako!!," sigaw ko sa kanila habang nag-uunahan silang umakyat sa nag-iisang puno ng mangga sa loob ng kulungan.
"Sige taya ka!," sigaw naman ni Rev nang makaakyat na ito at tinutulungan namang umakyat si Ajay.
"Magpahabol ka muna sa pabo,"
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)