Lhaiel's POV
~~
Pagkatapos ng tagpong iyon namin ni Alleya ay hindi ko na ito muling nakausap hanggang sa sumapit ang takdang oras ng pagbaba namin at pagbalik sa resort dahil mas nauna silang umalis kaysa sa amin. Ginugol ko na lamang ang oras sa panunuod sa mga kaibigan kong baliw at sa pang-ti-trip kay Rain.
Nang makabalik na kami sa resort ay namahinga lamang kami ng kaunti at nagtungo sa cottage upang uminom. Ayaw naman naming magpunta sa mga bars dito dahil tiyak na maraming tao at ayoko nang maulit ang nangyari noong nakaraang nalasing kami,ang gumising sa loob ng selda. Si Ajay at Arci ang nagprisintang bumili ng alak.
"Ang tagal naman nila," reklamo ni Rev habang hinihintay ang mga bumili ng inumin. Hindi ko siya pinansin at itinuloy na lamang ang ginagawang paglalaro sa cellphone. Si Angel at si Jia ay nagpaiwan na sa beach house dahil pagod daw ang mga ito kaya kami lamang nila Rain, Rev, Roby at iyong dalawang bumili ang nandito ngayon. Ilang minuto pa ay dumating nadin ang dalawa,may kasama itong crew ng resort dahil sobrang daming alak ang binili.
May dala din silang pulutan at mga softdrinks at isang katerbang chips.
"Simulan na ang kasiyahan," sigaw ni Ajay habang inilalapag ang mga pinamili. Isa-isa niya kaming binigyan ng alak. Kwentuhan at ungguyan ang nangyari sa loob ng tatlong oras. Medyo nahihilo na ako at halata ko din na lasing na ang mga kaharap ko dahil kung ano ano na ang ginagawa nila.
"Alam nyo ba," sabi ni Rain habang gumegewang sa pagkakatayo nito. Ang singkit nitong mga mata ay namumungay na dahil sa dami ng nainom. Lahat kami ay napalingon sa kanya. Tumuntong siya sa bangko bago muling magsalita.
"Ako si Superman, hindi lang halata dahil itinago ko ang pula kong brief,"
Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil bigla siyang tumalon at lumagapak sa lupa na una ang mukha.
"I'm okay! Konting practice pa," sabi nito matapos iangat ng kaunti ang ulo at muling sumubsob. Agad siyang inalalayan ni Ajay at ni Arci patayo kahit panay din ang tawa ng mga ito sa kagaguhan niya. Niyelo nila ang namumulang noo nito at inihiga sa bangkuan dahil nakatulog na ang loko.
Itinuloy nalang namin ang pag-inom at lumipas pa ang ilang minuto ay nalasing na din ng sobra si Ajay at Arci. Kung ano-ano na ang pinag-uusapan nila habang nakatunghay naman sa kanila sila Rev at Yan pati narin si Roby na malamlam na din ang mga mata.
"Yung lolo ko," panimula ni Ajay bago madighay at muling lumagok sa alak na hawak niya.
"May alagang manok, magilas 'yung manok na 'yon mga brad. Katulong ni Lolo iyon sa pag-aararo, iyon ang ginagawa niyang kalabaw,"
Pati ako ay napapangiti dahil sa mga pinagsasabi ni Ajay. Maya-maya ay binatukan naman siya ni Arci.
"Oo, hindi namin minamaliit ang lolo mo," sabi nito na hindi na mapigilan ang mapayuko.
"Wala na, mga lasing na," sabi ko sa sarili bago lagukin din ang hawak na alak. Tumayo ako at lumabas sa cottage.
"Saan ka pupunta?," tanong ni Roby ng mapansin ang paglabas ko.
"Magpapahangin lang," sagot kong hindi man lang siya nilingon. Lumakad ako hanggang sa makarating sa dalampasigan. Maliwanag ang buwan kung kaya kita ko ang nilalakaran at ang paligid. Huminto ako ng hanggang binti ko na ang tubig bago pumikit at langhapin ang preskong simoy ng hangin. Nang muli akong dumilat ay pinagmasdan ko ang karagatan at pinakiramdaman ang payapang paghampas ng alon na bumabasa sa suot kong short. Muli akong humakbang habang nilalaro ang tubig at buhangin sa aking paglakad.
Gusto ko ang dagat, ang kapayapaan na hatid nito sa akin. Ganito ang madalas naming ginagawa ni Hannah noon. Pero wala na si Hannah ngayon.
Napabuntong hininga ako bago huminto at tumanaw sa malayo. Tanggap ko nang hindi na magiging akin muli si Hannah, but I can't get rid of the emptiness. Hindi naman ganon kadaling limutin ang isang taong malaki ang naging parte sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)