CHAPTER 30: "PLEASE FIX ME TOO"

14 1 0
                                        


   Lhaiel's POV

   I made a call an hour ago. Ipinaalam ko lang sa iba na hindi ako makakasama sa gig mamaya dahil may importante akong lakad. Hindi ko na sinabi ang buong detalye kahit nangungulit si Rev at Rain at pilit na tinatanong kung saan ako pupunta.

  Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan ang maya't- mayang pagsulyap sa passenger seat. Kahit na sa bintana siya nakatingin ay alam kong hindi din siya mapakali dahil kanina pa niya nilalaro ang strap ng kanyang purse na dala. Napangiti ako bago ituon muli ang paningin sa daan.

  Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kanina nang makita ko siya ay parang huminto ang mundo ko. Sounds cliche, yeah but I felt something crazy. Hindi ko lang ma-pin point kung ano. Maybe nadala lamang talaga ako kanyang kagandahan o?

  Agad kong sinaway ang sarili. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko dahil alam ko sa puso ko na iisa lamang ang nakaukit doon. Maybe, sign na ito upang limutin ko na talaga ang nakaraan at mag-umpisa ng panibago?

  Hay! Ewan.

  May parte sa akin na nagsasabing gamitin ko ang pagkakataong ito upang makalimot. Dating gawi. Pag nawala, palitan ng bago.

Pero matagal ko nang kinalimutan ang ganoong gawain magmula nang makilala ko si Hannah. At hindi ko alam na siya din pala ang magiging dahilan upang magbalik ako sa dating ako. Pero bakit ngayon ay nalilito ako? May kung ano sa babaeng ito na nakapag dudulot sa akin ng kakaibang  pakiramdam.

  Pinilit ko munang iwaksi sa isipan ang mga bagay na iyon at itinuon na lamang sa daan ang atensyon. Ilang minuto pa ay nasa parking lot na kami ng restaurant kung saan ako nagpa-reserve. Nang makaparada ay agad akong bumaba upang pagbuksan siya ng pintuan, ngunit ilang sandali na ang lumipas ay nanatili lamang siyang nakaupo at nakatingin sa harapan. Kunot noo kong sinundan ang kanyang tinititigan at agad na napabuntong hininga nang mapagtanto kung ano ang nangyayari.

Agad kong hinawakan ang mga kamay niyang marahang naninginig at marahan din itong pinisil.

  "This is a small world Alleya," sambit ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha na kakikitaan ng kalungkutan. Nakatunghay parin siya sa dalawang taong naglalakad patungo sa loob ng restaurant.
  "Wag mong hayaang maapektuhan ka lagi sa tuwing nakikita mo sila,"

  Isang malalim na bugtong hininga lamang ang narinig ko sa kanya bago marahang bumaba ng sasakyan habang hawak parin ang aking kamay.
Agad ko siyang inalalayan dahil muntikan na siyang matumba sa kanyang pagkakatayo.

  "I-I'm sorry," sambit niya sa mahinang boses habang nakayuko.

  This time, ako naman ang napabuntong hininga. Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at marahang iniharap sa akin. Hinawakan ko ang kanyang baba at itinaas ang kanyang mukha at tumambad sa akin ang isang pares ng mga mata na may mga luha nang nagbabadyang tumulo.

  "Hey, hindi ka nag-iisa okay?," sabi ko sabay yakap sa kanya. May kung ano sa akin ang nasasaktan na makita siyang ganyan. Siguro ay damang-dama ko ang nararamdaman niya dahil dinanas ko din ito.
  "I will be right here,"

Agad siyang nagpunas ng luha habang nakayakap parin ako kanya.
  "Thank you Lhaiel," mahinang sambit niya at sa pagbikas niya sa aking pangalan ay may kung anong saya akong naramdaman.

Pagkabitaw ko sa pagkakayakap sa kanya ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay at marahang iginiya papasok sa loob ng restaurant.

  ~~

   Alleya's POV

  Habang nakaupo at naghihintay sa pagdating ng aming pagkain ay hindi ko mapigil ang pag-alog ng aking mga tuhod habang panay ang yamukos ko sa laylayan ng aking dress.
  Hindi ko kasi mapigilan ang sarili na lumingon sa gawi nila Alex at ng bago niya. Kahit paulit-ulit kong sabihin na ayos na sa akin ang lahat ay hindi ko parin magawang hindi masaktan sa mga nasasaksihan. Mabuti na lamang at medyo tago itong aming lamesa at hindi nila kami makikita, kung hindi ay baka hindi ko na kayanin.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon