CHAPTER 9: " KEEP PRETENDING EVERYTHING IS FINE,"

42 15 9
                                        


Alleya's POV

~~

"So you're saying na nagkita ulit kayo ng lalaki na nagdala sa iyo sa ospital?," tanong ni Rica habang kasalukuyan kaming nagkakape sa paborito naming coffee shop.
"Gwapo ba?, "

"Hmm, medyo, hindi ko kasi napagmasdan ng mabuti kasi andon si Alex eh," sagot ko na ikinagulat nya.

"What?," tanong niya bago umiling.
"That guy is giving me creep,"

"Sino?," takang tanong ko bago humigop ng kape.

"Edi yung ex mo," pairap na sagot niya at humigop din ng kape.
"Para siyang kabote, pasulpot sulpot," maikling paliwanag niya.

"Yeah," maikling tugon ko. Hindi ko maiwaglit sa isipan ko ang naganap sa coffee shop na ito tatlong araw na ang nakakalipas.

"Baka naman nababaliw na 'yon?," biglang sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino?," takang tanong ko ulit.
She rolled her eyes.

"Si Alex,sino pa nga ba?," sagot niya sabay iling.

"Kung baliw lang, matagal nang baliw iyon, sino ba naman kasi ang matinong tao ang papatol sa hito," nakasimangot na sagot ko.

"Hipon, girl, hindi hito," pagtatama niya.

"Whatever, parehong lamang dagat, pareho ding malansa," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit yung malanding sugpo na iyon ang nagustuhan ng ex ko.

"So ano? Pogi ba?," tanong niya maya maya.

I gave her a look. Tanong siya ng tanong ng hindi niya nililinaw kung ano at sino ang itinatanong niya.

"Sino ba?, si Alex o yung lalaki na nagdala sa akin sa ospital?, " medyo inis na tanong ko.

"Kalma. I was just asking," nakasimangot na lintanya niya. I feel guilty for snapping at her. She gets a little irritating sometimes.

"If you're talking about the mysterious guy, then yes, he's handsome," sagot ko and I couldn't help imagining his eyes that simply vanished when he smiled and his rosy lips that seemed so soft. I wonder how it felt to kiss him.

"Hello?? Alleya?? Can you please stop spacing out?, " sabi ni Rica na iwinawasiwas pa sa mukha ko ang kamay niya.
"Natatakot ako na baka pagbalik mo dito sa earth, alien kana,"

"Ha?, Uh, may naisip lang ako," palusot ko as I tried to hide my blush by putting my palm over my cheeks.

Napailing lang siya bago ubusin ang kanyang kape. Naalala ko yung kape ko kaya kinuha ko ang tasa at inubos na din iyon.

Paglabas namin ng coffee shop ay nagdiretso na ako sa boutique since wala naman akong ibang lakad. Si Rica kasi may aasikasuhin pang iba kaya umalis na din siya.

Pagdating ko sa boutique ay agad akong nagtungo sa office ko at nirebisa ang mga sketches for the new dress that I am making.

Pagkatapos ng ilang oras na paglalagi sa boutique ay nagpasiya na din akong umuwi. Nadatnan ko si Tita na nagkakape sa may garden.

"Ang aga mo ngayon," puna niya bago ako magmano.
"Kaawaan ka ng Diyos,"

"Wala naman na po akong maraming gagawin sa boutique kaya napagpasiyahan ko nalang umuwi," sagot ko bago umupo sa tabi niya.

Ilang minuto lang kaming nakaupo doon at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Tinignan ko kung anong oras na. Mag-aala-singko na pala.

"Your mother and I love the setting sun," maya-maya ay sambit nya.
"It reminded us that in every ending there's a new beginning,"

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon