Lhaiel's POV
"Anak sigurado ka bang lalabas ka na ngayon? Wala na bang masakit sayo?," For the 100th time nang itinatanong ni Mommy sakin yan at isang daang beses ko na din syang sinasagot.
"Mom, I'm okay, dapat nga noong nakaraan pako madi-discharge, kayo lang ang makulit kaya inabot na ako ng syam-syam dito," medyo iritang sagot ko sa kanya.
"I'm just thinking about your safety Lhaiel, can you blame a mother like me?," madamdamin nyang lintanya kaya wala akong nagawa kundi tumahimik nalang.
After how many minutes nasa parking lot na din kami at sa wakas, makakauwi na din ako.
"Diretso uwi na ba tayo o may gusto ka pang daanan?," tanong ni Mommy while I'm throwing some childish tantrums about her being on the steering wheel.
Ayaw niyang pumayag na ako ang magmamaneho dahil sabi niya mahina pa daw ako. Well, fact, kaya ko ng mag summersault sa sobrang lakas na ng katawan ko pero mapilit si Mommy so wala akong magawa kundi ang sumimangot lang dito sa passenger seat.
"Umuwi nalang tayo, wala ako sa mood mag gala ngayon Mom," nakasimangot na sabi ko kay Mommy.
"Uhm, how about we drop by in some ice cream parlor? Sounds good isn't it?," excited na tanong ni Mommy.
"Umuwi nalang tayo Mom, I'm sure marami kang stock na ice cream sa bahay," masungit na sagot ko.
"Well, it's settled then, ice cream parlor, here we come!," parang hindi narinig ni Mommy yung sinabi ko. Well, that's my Mom.
Ilang minuto lang at nasa harap na kami ng isang ice cream parlor na paborito niyang puntahan simula bata palang ako.
"C'mon Lhaiel, parang hindi mo naman naenjoy itong ice cream dito noong maliit ka pa," masiglang sabi ni Mommy habang pababa kami ng sasakyan.
"I'm not fond of ice cream, and if I'm not mistaken, you were the only one who's always insisting on going to this kind of place Mom," bagot na sabi ko habang papasok kami.
"Diba paborito mo pa nga yung vanilla ice cream nila dito with cherries and pink sprinkle on top?," she said as a matter of fact.
"It was YOUR favorite Mom, not mine," iritang lintanya ko.
Para akong batang paslit na nakasunod sa nanay ko habang papunta kami sa lugar na ayaw kong puntahan. I hated this kind of place. Lahat kasi makulay. I hated the fact na matamis lahat dito. Call me bitter pero simula noong iniwan nya ako, ayoko na sa kahit anong matamis.
Sa totoo lang, kung ice cream na beer flavored ang ihahain nila sakin dito baka sakaling maging paborito ko na din ang lugar na ito.
"Wait for me here, ako na ang oorder para satin," sabi ni Mommy matapos nya akong igiya sa isang bakanteng lamesa sa gilid lang ng pintuan.
"Yeah right, as if I'm going anyway," bulong ko bago padabog na umupo.
Ilang sandali lang nakita kong papunta na si Mommy sa kinaroroonan ko dala ang all-time favorite nyang ice cream.
"One for me and one for you," masayang sabi nya habang inilalapag sa lamesa ang inorder nyang ice cream.
Pinilit ko lang ubusin yung binili nya dahil ayoko ng iskandalo kasi knowing my Mom, kapag hindi ko ginalaw o inubos ang inorder nya, gagawa sya ng eksena na tiyak hindi ko magugustuhan kaya no choice, kahit ayoko naubos ko parin...
"Mom,pwede bang dumiretso na tayo sa bahay? Gusto ko na kasing magpahinga," reklamo ko habang nasa daan kami.
"I thought you were going with me?," tanong nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/157434552-288-k904632.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...