Lhaiel's POV
~~
"Aga mong nagising ah?," bati ni Rev nang lumabas ako sa banyo.
"May lakad ka ba?,"
"Sa Resto," tipid na sagot ko sabay lakad patungo sa ref para kumuha ng malamig na tubig.
"May gig kami. Sumama ka para naman makita ka na nila," sambit ko na ang tinutukoy ay ang tropa.
Napasimangot siya bago humigop ng kape.
"Ewan, baka galit sila sa akin, saka baka mabugbog lang ako ulit," he said while looking at me flatly. I can't help but remember our meeting last week.
"Hindi naman sila siguro magwawala," sambit ko.
"Konting suntok at sipa lang and they're done,"
"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko," sarkastikong sabi niya bago mapabuntong hininga dahilan para matawa ako.
~~~
"This is your fault!," sambit ni Rev habang pinanunuod ko siyang niyeyelo ang ibabang bahagi ng labi.
"Hindi magwawala huh?, "
Kasalukuyan kaming nasa tambayan, which happened to be my uncle's coffee shop at katatapos kolang ikwento sa lahat maliban kay Ajay (as usual late na naman ang impakto)ang nangyari noong unang pagpapakita ni Rev sa akin sa isang park. Napailing lang ako at napangiti nang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina.
"Are you mocking me Lhaiel?," lintanya ni Rev habang nakatingin ng masama sa akin. Lalo lang tuloy akong napangiti ng malapad. Actually, hindi ko din inaasahan na katulad ko, sapak, sipa at suntok din ang isasalubong nila kay Rev. Well, he deserved it.
"You deserve it, bro," sabi ko sabay higop ng kape. Dito kami tumatambay minsan bago kami pumunta sa bar. 15-minute drive lang mula dito ang resto kaya minsan dumadaan kami just to relax. Pagpasok namin kanina napansin kong wala si Angel, siguro napagod kaya walang makulit sa paligid. Balak ko pa naman siyang ipakilala sa tropa.
"Nagtext si Ajay, tinatanong kung nasaan tayo," maya-maya'y sambit ni Yan habang nakatingin sa phone nya.
"Siraulo talaga,palagi nalang late,"
"Hindi kana nasanay," sagot ko naman. Ilang minuto pa kaming nagkukwentuhan bago dumating si Ajay.
"Finally, you're here," sambit ni Rain nang makapasok si Ajay sa pintuan.
"You look weird, Anicah," sabi naman ni Rev na ikinabigla naming lahat. Pati si Ajay mismo ay kita ang pagkabigla sa kanyang mukha.
Panandalian siyang natigilan at nang makabawi ay nilapitan niya at binatukan si Rev.
"Siraulo! Hindi si A-Anicah ang kaharap mo," utal na sambit ni Ajay.
"Si Ajay to!, Palibhasa kasi ang tagal mong nawala,"
"Ano ba to? Prank? Ikaw talaga si---," hindi na naituloy pa ni Rev kung ano man ang sasabihin niya dahil niyakap siya ng mahigpit ni Ajay at tinapik ng malakas sa likod dahilan para mapaubo siya bago siya tuluyang pakawalan.
Nakatitig lang siya kay Ajay na parang hindi makapaniwala.
"Sa sobrang tagal kasi hindi ko na malaman kung sino sa inyo si Ajay o si Anicah," kahit nag aalangan ay sambit niya sabay ngiti at kamot sa batok. Typical Rev.
Napailing nalang ako bago lumingon kay Roby na nakatitig kay Ajay.
"Dude?," sambit ko para kuhanin ang atensyon niya.
"Bakit ganyan ang tingin mo kay Ajay?,"
"Something was off," sagot niya na hindi padin inaalis ang paningin kay Ajay.
"Give him a break, alam mo naman ang mga pinagdaanan niya," sabi ko cutting our conversation off.
Napabuntong hininga nalang siya at hindi na umimik. May napapansin na din ako kay Ajay pero ayoko lang bigyan ng kahulugan iyon dahil he's Ajay. Kilala ko siya, hindi siya nagtatago sa akin ng sikreto.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)