CHAPTER 14: "GOT LITERALLY ARRESTED"

35 15 10
                                        


  Lhaiel's POV

 
  "Sir,ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga kami iyon," iritang sambit ko sa pulis na kanina pa ako tinatanong.

   "Eh bakit doon namin nakitang nakaparada ang kotse niyo at lasing na lasing kayo," kunot noong sabi nito. Napatingala ako at napakamot sa ilong. Humarap ako kay Yan at sinabing siya na ang makipag-usap dahil baka hindi ko mapagpigilan ang makulit na pulis na ito.

   "Totoo sir ang sinasabi ng kaibigan ko, hindi nga kami ang bumasag sa bintana ng bahay na iyon," sabi ni Yan na nakakapit pa sa rehas.
  Napailing ako nang dumako ang mata ko kila Rain,Rev at Ajay na naglalaro ng karakrus sa gilid.

  "Paanong hindi kayo, eh kitang-kita sa cctv na kayo lang ang nakaparada doon," sabi ulit ng pulis.

  "Nakita din ba sa cctv na binato namin yung bahay? Sir, nakita niyo naman, hindi na kami teenager para gawin pa iyon," naiinis na din na paliwanag ni Yan. Kanina ko pa kausap yang matabang pulis na iyan.  Kanina pa ako nagpapaliwanag pero paulit-ulit lang siya sa mga sinasabi niya. Halata namang walang ginawa dito kundi ang maupo lang dahil sa laki ng katawan niya.

   "Iyon na nga eh. Hindi na kayo teenager pero umaakto kayong teenager. Gawain ba ng matitino iyang ginagawa niyo?," sabi pa ulit nito. Sakto lang na nahablot ko si Yan dahil kung hindi lalo lang mapapasama ang sitwasyon dahil kung nahuli ako ng paghatak sa kanya, malamang ay sabog na ang ilong ng pulis na yan.

   "Ako na ang bahala dito Torres," napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jake. Pinsan ni Roby. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito at si Roby. Agad namang sumunod yung matabang pulis ngunit bago umalis ay binigyan pa kami ng isang matalim na tingin.

  "Salamat naman!," sambit ni Rain habang tumatayo mula sa pagkakasalampak at nagpapagpag ng sarili.
   "Malapit ng maubos lahat ng pera ko bago ka dumating,"

  "Hindi pa din talaga kayo nagbabago," sabi ni Jake habang umiiling at habang sinususian ang pinto ng selda kung saan kami nagpalipas ng gabi.
   "Sana ito na ang huli," sabi nito nang sa wakas ay nabuksan na ang pinto at tumingin sakin. Napangiti ako bago sumagot.
 
  "Alam nating lahat na hindi," sambit ko habang palabas ng pinto at tapikin sa balikat si Jake.
   "It's good to see you again,"

  "Sa pagkikita natin ulit, talagang dito pa din sa prisinto," nakatawang sabi nito at ginantihan din ako ng tapik sa balikat.
Tahimik lang si Roby at hindi nagsasalita. Malamang mamaya,uulanin kami ng sermon mula sa kanya.

  Nilingon ko sila Ajay at Rev na naiwan pa sa loob at nagbibilang ng mga baryang napanalunan nila siguro sa karakrus mula kay Rain. Kung saan nila nakuha ang mga barya, ay hindi ko alam.
  "Maiiwan ba kayo dyan?," nang marinig ang sinabi ko ay agad silang tumayo bibit sa kamay ang mga barya at nagmamadaling lumabas ng selda.

  Nagpasalamat kami kay Jake at inanyayahan na minsan ay dumalaw sa Resto para naman makapagkwentuhan na agad naman niyang pinaunlakan kapag siya daw ay may bakanteng oras. Habang daan ay tahimik lamang ako habang panakanakang napapangiti kapag naaalala ang nangyari kagabi. Ang totoo niyan ay talagang kami ang nakabasag ng bintana dahil binato ni Rain ang cellphone niya. Ngayon ko lang naalala. Kaya mamaya, malamang na may tatawag sa kanya at pababayaran ang mga nasira.

   "San ba kayong dalawa?," tanong ko habang tinitignan sila mula sa rear view mirror. Si Ajay at Yan lang ang nakasakay sa kotse ko. Sila Rain at Rev ay sa kotse ni Roby, malamang ay inuulan na sila ngayon ng sermon mula dito.

  "Sa Resto nalang," mahinang sagot ni Yan na sa bintana nakatingin habang si Ajay ay busy sa cellphone niya.
Ilang saglit lang ay nasa Resto na kami at pagkababa ng dalawa ay nagdiretso na ako pauwi sa bahay. Gusto kong magpahinga dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Medyo nahihilo padin ako dahil siguro sa dami ng  nainom ko. Nang nasa bahay na ako ay nagdiretso agad ako sa kwarto para matulog. Hindi ko na nakuha pang maglinis ng katawan dahil sa nararamdamang hang-over.

    
~~

    Ajay's POV

   Saglit pa lang akong nakakatulog dahil kauuwi ko lang galing sa resto ng magising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nang tignan ko ito ay number ni Lhaiel ang nakalagay kaya agad kong sinagot baka topakin na naman eh.

   "Hello?," sabi ko bago muling dumukdok sa unan.

   "Bumangon ka na dyan impakto ka at samahan moko sa impyerno," sabi niya mula sa kabilang linya.

  "Ano? Sang impyerno?," takang tanong ko.

  "Nag-aaya na naman si Mommy sa probinsya,ayoko sana kaso binantaan ako na susunugin daw niya ang resto kapag hindi ako sumama," paliwanag niya.

    "Sa tingin mo ba kayang gawin ni Tita yon?," natatawang tanong ko kasi for the first time may narinig akong takot sa boses niya. Hindi pa man nakakasagot si Lhaiel ay tumunog ang telepono namin dito sa bahay kaya sabi ko sa kanya na sandali lang.

  "Hello?," tanong ko habang nakatapat sa kabilang tenga ang telepono at sa kabila ay cellphone ko naman. Kung may makakakita sa akin ngayon ay tiyak na iisiping nababaliw na ako.

  "Sir,nasusunog po ang resto!," nag-papanic na boses ng guard sa resto ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko bago ibaba ito para si Lhaiel naman ang kausapin.

  "Your mother is crazy!! Sumama kana Lhaiel! Sinusunog na niya ang resto," nag-papanic na din sa sabi ko.

  "Sasama tayo! Hindi pwedeng ako lang ang kasama. Tawagan mo silang lahat,sabihin mo magpapa-outing ako," utos niya kaya napakamot ako ng ulo bago tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga.

  "Alam mo Lhaiel,kung sa probinsya ng nanay mo tayo pupunta,100% sure si Rain lang ang sasama sa atin kahit hindi natin ayain,the rest? Nako kahit patayin ang mga iyon hindi sasama," sabi ko sa kanya.

  
   "Sabihin mo sa isla tayo pupunta," sabi niya.

  "Sige,pero paki sabi sa nanay mo na itigil na ang pagsunog sa resto," nakasimangot na pakiusap ko.

  "No need,hindi pa naman niya nasisimulan," sabi nito.

  "Ha?," takang tanong ko.

  "Prank ko lang yong pagtawag sayo ni manong guard,pero susunugin talaga ni Mommy iyon kaya tawagan mo na sila at bukas na bukas din ay aalis na tayo," paliwanag niya bago ibaba ang tawag.  Ilang minuto pa akong nakatingin lang sa cellphone habang pinoproseso sa utak ang mga sinabi niya. Napailing ako at napamura ng maintindihan lahat.

  Punyeta! Like mother like son talaga!!

**

 

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon