CHAPTER 32: "CONFUSED"

3 0 0
                                        


Alleya's POV

     Marahan akong napadilat at agad na sumigid ang sakit sa aking sintido kaya muli akong napapikit ng mariin. I feel strange. I feel uncomfortable. I don't know what happened... Nang muli akong magmulat ng mata at makita ang paligid ay agad akong napabangon.

  Agad akong nakaramdam ng nerbyos dahil hindi ko alam kung nasaan ako at wala akong maalala sa mga nangyari nitong nagdaang gabi. Agad akong nataranta ng mapagtantong tanging underwear lamang ang suot.

Oh my God!

  Nagpapanic na hinatak ko ang kumot at ibinalot ito sa aking katawan.

  Did I got raped?

Habang nag-iisip ng kung anong posibleng nangyari ay mayroon akong narinig na marahang hilik na nagmumula sa aking tabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kung sino ito. Agad na bumaha ang mga ala-ala nitong nagdaang gabi. Lahat ng mga nangyari ay animo palabas na ipinakikita sa aking isipan. Agad na namula ang aking mukha.

  There is no way this happened!

I mentally face-palmed myself.

My virginity was taken away from me just like that! God! Alleya!!

Kahit nahihilo pa ay marahan akong tumayo at maingat na ibinalot ng mabuti ang kumot sa aking katawan. Afraid that I will make a sound enough to wake him.

Dahan-dahan kong pinulot ang nagkalat kong damit sa sahig at agad na nagbihis. Inilibot ko ang paningin sa paligid at napailing.
  Dito pa talaga sa rooftop?

Nang makapagbihis ay agad kong hinanap ang aking purse at walang-lingon likod akong nagtungo sa hagdan pababa at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Agad kong tinawagan si Rica upang magpadundo. There is no way I'm going home looking like this. Baka kung anong isipin ni tita.
Napapadyak ako ng maalala si tita. Hindi man lang ako nakapagsabi na hindi ako makakauwi. Malamang ay nag-aalala na iyon sa akin.

  "Anong nangyari sayo?," bungad sa akin ni Rica ng makasakay ako sa kanyang kotse.
   "Para kang hinahabol ng kung ano,"

Napatakip ako ng palad sa aking mukha ng muling maalala ang mga nangyari.

  "Oh God Rics! I made a mistake!" sambit ko habang nakabaon ang mukha sa aking mga palad.

  "Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

  "I lost my virginity! I don't know what to do Rics! Pano na si Tita? Paano ang future ko?!," tarantang tugon ko.

  "God Alleya? What are you? 15 years old?" halata sa boses niya ang pagkairita.
  "Hindi ka na bata Al, so ano pakiramdam?"

  Agad akong napalingon sa kanya dahil sa narinig. Halata sa mukha niya ang panunukso. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan na naman ng mukha dahil sa muling paglitaw ng mga pangyayari kagabi.

  "Look at you," pang-uuyam parin nito.
  "Para kang teenager na kasalukuyang na-inlove. Mapusok,"

  Talagang nilandian pa niya ang tono sa huli niyang sinabi.

  I heaved a sigh and slumped backward to my seat as if this would help to get rid of this stupid feeling I felt.

  "C'mon Alleya,  I know you enjoyed it" sabi niya na mayroong kakaibang tono sa boses.

  "Stop it Rics," nakapikit ng mariing lintanya ko.
  "I'm in a mess right now. I don't know what to say to Tita and you are not helping!"

  "Don't worry. I've got you covered" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon