CHAPTER 31: "THE TRUTH ABOUT AJAY"

5 0 0
                                        

Rev's POV

I was drinking beer while perched on one of the stools in BB's room. I have no idea how long I have been drinking. Kanina pa sarado ang resto at halos lahat ng staff at ang mga kaibigan ko ay umuwi na ngunit nandito parin ako.
All I want is to get rid of the sense of dread I have been experiencing lately.

Napapikit ako ng mariin bago muling lumagok ng beer. Nitong mga nagdaang mga araw ay halos hindi ako nakatulog ng maayos. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga bagay tungkol kay Ajay. Alam kong may mali ngunit hindi ko lang masiguro kung ano.

Or perhaps I simply could not accept the truth.

I pinched the bridge of my nose before letting out a sigh. Nakaka-ilang lata na ako ng beer ng biglang may magsalita sa aking tabi. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na mayroon na pala akong kasama.

"What's wrong?" napalingon ako at ang tumambad sa akin ay mukha ni Rain. Kumuha ito ng isa sa mga beer na nasa harapan ko at binuksan ito bago muling magsalita.
" You've been out of yourself lately,"

"Get lost," kunot noong tugon ko bago muling lumagok ng alak. I don't have time for him fooling around right now.

"It's about Ajay isn't it?"

Bigla akong napatuwid sa pagkakaupo dahil sa narinig. Muli ko siyang nilingon. His face has this serious expression which I rarely see. Even though he's not facing me, I can see the seriousness on his face.
Lumagok muna siya bago muling magsalita.

"I knew where she was," sambit niya. I can sense some sadness in his voice and then it hits me.

He said, she. Which means he knew my suspicion. Kahit trans si Ajay, we never address him as she. We treat him like one of us.

"You knew something didn't you?" mahinang sambit ko na tinugon lamang niya ng marahang tango.

Ayokong itanong sa kanya kung ano ang eksaktong nalalaman niya dahil hindi ko kakayanin ang sagot. There's something in me na gustong hayaan nalang ang mga bagay-bagay sa parehong sitwasyon pero mayroon din parte sa akin na gustong malaman ang katotohanan.

Ilang sandali akong natahimik. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga nanyayari o dahil sa pagkaseryoso ni Rain.
Knowing him, pag- nagseryoso siya, it means, seryoso talaga ang mga nagaganap.

"Ajay was in a place where no one would suspect she would go" sambit niya matapos lumagok ng beer na hawak.
"And maybe now, she was still there,"

~~

I was lost for words when I saw Ajay or should I say Anicah...
Yeah, you heard it right, all this time, my suspicions were right. I just couldn't accept it.

Ilang minuto na kaming nakatayo ni Rain malapit sa kinalalagyan ni Anicah na inakala naming si Ajay all this darn whole time, ngunit wala ni isa sa amin ang nangahas na lapitan siya. Tama si Rain, nasa lugar nga siya kung saan walang magsususpetsa na kinaroroonan niya. Nasa sementeryo kami, not even in the same cemetery where they tell us they buried her twin.
Tanging ilaw lamang ng kalapit na poste at liwanag ng buwan ang nagsisilbing sinag sa amin.
"I'm sorry Ajay, I can't do it anymore" sambit niya ng paulit-ulit while crying and rocking back and forth.

"Kanina pa siya nandirito, wala siya sa kanyang sarili," may bahid ng kalungkutang turan ni Rain mula sa aking tabi.
"Wala na akong ibang malalapitan kung hindi ikaw dahil alam kong tulad ko ay may napapansin ka ding kakaiba sa kanya,"

Hindi ako kumibo at tahimik lamang na tinitignan si Anicah habang nakaluhod ito at imiiyak. Hindi ko parin matanggap ang nangyayari kahit ito na ang kutob ko noong una palang.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon