CHAPTER 19: 'HANGING OUT WITH THOSE CRAZY LITTLE STUPID I CALLED FRIENDS"

23 11 1
                                    

  Alleya's POV

    "Alleya!!," napamulat ako ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. Una kong nakita ay ang mga sanga ng puno at ang papaliwanag na kalangitan.

  "Bakit ka ba jan natulog??," tanong ni Rica at ng lingunin ko kung saan nanggaling ang boses niya ay bumungad sa akin ang galit niyang mukha.

  "Bakit?," takang tanong ko. Nilapitan niya ako at hinila sa kamay patayo. Doon ko lang napagtanto kung ano ang sinasabi niya.
  "Why did I sleep on the ground?,"

  Nakatingin lang siya sa akin habang nakapamewang at hinihintay ang paliwanag ko. Napakamot ako ng ulo at nakapa ko ang mga dahon na dumikit sa buhok ko.
  Nag-sleep walk kaya ako? Hindi siguro.

  Napatakip ako sa bibig ko ng maalala ang mga nangyari. Wala sa sariling napahawak ako sa sarili kong labi.
   Did I kiss him?

  "Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka tulala?" tanong ni Rica na nakalimutan kong nasa tabi ko nga pala.

  "W-wala, nalasing kasi ako kaya dito ako nakatulog," sagot ko sa kanya bago tumalikod para magtungo sa tent at magpalit ng damit. Pagkatapos ko ay muli akong lumabas dahil may inaanunsyo ang aming tour guide. Idadala niya daw kami sa spot kung saan pwedeng mag-cliff dive, and I am certain, I already knew the place.

  Habang naglalakad kami ay panay ang lingon sa akin ni Rica. Alam kong hindi siya naniniwala na walang ibang nangyari. Base nadin kasi sa ikinikilos ko kaya siguro ganyan siya. Palinga-linga kasi ako, baka kasi nasa paligid lang iyong lalaki na iyon. Ano ka ba naman kasi Alleya!!

  Ilang minuto lang ay narating na din namin ang sinasabi ni manong tour guide na spot. Hindi ko masyadong nakita ang kabuuan nito kagabi dahil madilim. Maraming puno at mga ligaw na bulaklak. Well maintained ang lugar na ito kaya malinis. May dalawang kubo sa mismong cliff ang isa ay may mangilan ngilan na tao kaya sa kabila kami nagpunta para doon ilagay ang aming mga gamit. Mayroon ding comfort room na gawa sa kahoy sa may di kalayuan.

  Maluwang ang kubo kaya hindi ko problema kahit kasama namin ang mga couples na oa sa sweetness. Nang mailagay na namin ang mga gamit naming dala ay inaya na ako ni Rica na magpalit ng swimsuit dahil gusto nya daw i-try ang cliff diving. Nagpaiwan na si Tita at mamaya nalang daw siya susunod sa amin.

  Nang matapos kami ay nagpunta kami sa gilid ng cliff at sumilip sa ibaba. Hindi naman siya ganuon kataas. May mga tao na din sa baba dahil katulad ng nandito sa taas ay may dalawang kubo din sa baba na nakatayo mismo sa may tubig. Maybe may palutang or something. Kung ayaw mo namang tumalon ay may daan pababa sa may gilid lang. Inaya ako ni Rica na tumalon pero ayoko. Kaya naunahan nya pa akong makarating sa kubong nakalutang dahil sa daan pababa ako dumaan at siya naman ay tumalon.

  ~~

  Lhaiel's POV

 

     Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na nangagaling sa labas ng tent. Kunot noo akong bumangon at lumabas. Nakita kong may pinag-aawayan si Ajay at Rain. Napailing nalang ako bago kumuha ng tubig at maghilamos. Pagkatapos ay sinabi kong gisingin na ang iba dahil pupunta na kami sa spot for cliff diving. Agad naman silang tumalima at ilang sandali pa ay binabagtas na namin ang daan patungo sa lugar at nang marating namin ang lugar kung saan ako uminom kagabi ay otomatikong sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Tiyak na magkikita kaming muli.

  Pagdating namin ay hinayaan ko muna silang mag-ayos ng mga gamit nila. Nagtungo ako sa comfort room na gawa sa kahoy ang dingding para magpalit ng short. Nang matapos ay muli akong nagbalik sa kubo. Naabutan ko silang nagkukwentuhan. Nang maiayos ang mga gamit ko ay nagtungo ako sa gilid ng cliff at umupo sa may malaking bato sa gilid.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon